K A B A N A T A 5

98 3 2
                                    

"Bilis, umalis na tayo dito at baka may makahuli sa atin" saad ko sa kanila. Nabugbog lang naman yung dalawang kasama ni Kuya Rolando kaya nakakagalaw pa sila ng maayos.

Yung isang lalaki yung umakay kay Kuya Rolando at yung isa naman ay doon sa isang lalaki na malubha yung tama. Agad ko silang senenyasan na sumunod lang sa akin. Mabuti nalang talaga at yun yung ginawa nila.

Pagkarating namin sa kapatagan ay mabuti nalang at nakalagpas na yung mga guwardiya sibil na rumuronda kung kaya't mabilis kaming nakapasok sa bahay na yun.

"Ginang Theresa, andito na po sila" saad ko habang pinapapasok ang mga iyun. "Sila?" Dinig ko pang tanong ni lola. Gulat siyang makita na madami pala yung kasamahan ang kuya ni Corazon.

Agad ko silang pinapasok sa kwarto ko at doon inihiga si Kuya Rolando at yung isang lalaki na malubha yung kalagayan. Habang yung dalawa naman ay pagod na pagod na umupo sa sahig at napatingin sa amin.

"Hindi ko akalain na may kasamahan pala si Rolando ng siya'y mawala" tumingin ako sa gawi ni lola ng magsalita na siya.

"Oo, sinabi din sa akin ng mga lalaking sinasabi mong rebelde ay inutusan lang daw sila ng mga hindi kilalang lalaki kaya nagawa nilang ikulong sila" saad ko kaya hindi na nakapagsalita si lola.

"Ngunit bago ang lahat ay kailangan munang magamot sila. Porket nailigtas mo na si Rolando doon ay hindi ibig sabihin nun ay nagtagumpay kana. Kailangan muna siyang magamot at mailayo sa kamatayan" bulong ni lola sa akin kaya doon ko lang na realize na tama pala siya.

"Walang doctor dito---" Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si lola at agad na akong nagsalita.

"Marunong akong manggamot. Nursing student kaya to" pagmamalaki ko.
















HATING gabi na ngunit hindi pa din bumabalik si Ginang Theresa. Siya kasi yung inutusan ko na kumuha ng mga kagamitang panggamot dahil siya yung may powers. Alam ko din naman na walang masamang mangyayari sa kanya.

Lumabas nalang ako sa kwartong iyon at kumuha ng mainit na tubig at nilagay sa planggana. Nilagyan ko din ito ng asin para gawin kong panlinis sa sugat. Isa ito sa natutunan ko sa work immersion namin. Hindi ko inakala na sobrang laking tulong nito ngayon.

Pagkabalik ko sa kwarto ay agad kong nilagay sa mesa yung dala ko at hinubad yung sumbrerong de copa na suot ko.

"O' linisan niyo din yung mga galos niyo. Hindi ko na kayo matutulungan kasi uunahin ko muna sila" saad ko sabay abot ng dalawang tela sa dalawang lalaki na nakaupo.

Tulala naman silang nakatingin sa akin kaya napakunot-noo ako. "I-Isa kang binibini?" tanong ng isa sa akin kaya tumango nalang ako at agad na tinanggal yung botones ng damit ng kuya ni Corazon.

Napatigil nalang ako ng may pumigil sa akin at kunot noo kong tinignan yung isang lalaki na kasamahan ni Kuya Rolando.

"I-Isa kang binibini, hindi kanais-nais ang iyong gagawin" saad nito kaya iritado akong tumingin sa kanya.

"Tumigil ka nga, ako yung kapatid niya kaya huwag ka ng mag-inarte at baka mamatay pa siya" saad ko kaya napatigil siya at hinayaan nalang ako. Mabuti nalang din at dumating na si Ginang Theresa kung kaya't agad kong kinuha yung mga panggamot na hawak niya. May mga dahon ng bayabas din siyang dala na siyang panggamot din.

Tumulong na din yung dalawang kasamahan ni Kuya Rolando sa paggamot at ginawa ko silang assistant. Normal lang naman sa akin na makakita ng katawan ng tao dahil na din sa work immersion namin noon.

Mabuti nalang talaga at kahit na walang kagamitang mga panggamot dito katulad ng sa hospital ay agad kong nakuha yung bala sa tagiliran ni Kuya Rolando. Mababaw lang naman yung sugat pero maaari siyang mamatay kapag hindi iyun makuha.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon