K A B A N A T A 26

50 3 0
                                    

SIKSIKAN ang mga tao sa loob ng simbahan hanggang sa labasan. Ngayon dadaosin ang unang misa sa San bartholomew, Roman Catholic church. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa paligid ng simbahan. Sobrang iba kasi ng itsura nito sa kasalukuyan na kung saan ay mas pinalaki na ang simbahan.

Kasama ko ngayon si Manuel habang nakasunod lang ako sa kanya kung saan kami uupo. Nakasuot siya ngayon ng Opisyal na kanyang kasuotan kung kaya't muntik ko na siyang hindi makilala kanina dahil ngayon ko palang siya nakita na ganito ang kasuotan. Natanaw ko din na nasa unahan na sina Ina at maging ang pamilya ni Manuel. Tumigil kami sa harapan at nakita kong may dalawang reserbang upuan. Napangiti ako ng makitang nakaupo din doon si Miguel kung kaya't inunahan ko si Manuel na umupo doon.

Ngumiti ito sa akin ng tumabi na ako sa kanya kaya ganundin ang ginawa ko. Hindi na siya nagsalita pa lalo na't napatikhim si Manuel kung kaya't ibinaling ko nalang ulit ang tingin sa paligid. Sunod sunod ang pagdating ng mga sakristiya at ang paring mang-sesermon. Karamihan din na nakaupo sa unahan ay ang mga Don at Donya na ang ilan sa kanila ay hindi ko kilala.

Nagsimula na ang misa. Tumunog ang kampanilya at waring nagising ang lahat ng inaantok at nagsimula na ring umawit ang koro. Naglakad na ang dalawang sakristan kasunod ng Pari patungo sa pulpito. Pagkarating nito ay bakas ang pagmamalaki sa mukha nito at buo ang tiwala sa sarili. Iginala pa nito ang tingin at pinagmasdan ang mga taong nasa loob ng simbahan para makinig ng sermon.

Ang pambungad na sermon ay halaw sa aklat II, Kabanata IX, Salaysay 20 na nakasaad sa salitang winika ng Diyos, "At iginawad mo sa kanila ang mabuting kalooban upang palaganapin ang pangaral, hindio binawi ang biyaya ng salita sa kanilang bibig at sa halip ay binigyan ng tubig uoang mapawi ang kanilabg mga uhaw" Panimulang sermon ng Pari.

Dalawang bahagi ang sermon ng pari, ang una'y sa wikang kastila at ang ikalawa'y sa wikang tagalog. Pinatunayan nito na kaya niyang magsermon sa dalawang wika. Nagpatuloy lang ito sa mga pangangaral sa mga tao kung kaya't nakinig lang ako lalo na't sobrang nakakaaliw ang mga salita nito't hindi ka talaga maaantok.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na din ang misa kung kaya't agad na nagsilabasan ang mga tao. Sinalubong pa si Manuel ng mga kura at ilang panauhin na mayayaman kung kaya't tahimik lang ako na nakasunod habang nag-uusap usap sila at naglalakad papalabas ng simbahan.

"Kumusta ka?" napatingin ako sa tumabi sa akin at agad na nawala yung pagiging out of place ko ng makitang si Miguel iyon. "Ayos lang naman, ikaw?" Nakangiti kong tanong kung kaya't ngumiti din ito. Matagal ko na din siyang hindi nakita dahil sa pagiging abala nito sa panggagamot.

Isang linggo na din kasi ang nakakalipas simula ng magturo ako, sa tuwing byernes lang at sabado ginaganap yung klase namin dahil na din sa mga konsiderasyon na may trabaho yung ilang bata na tinuturuan ko katulad nina Carding at ang magkapatid na sina Paulina at Rosana.

"Ayos lang din naman ako" tugon nito sa akin at kasabay nun ay ang tuluyan naming makalabas sa simbahan. Inilibot ko ang tingin para hanapin si Manuel. Nakita kong sa di kalayuan ay nakatayo ang lahat habang nakatingin sa paaralan na pinapatayo na ngayo'y iskeleton pa lamang.

"Tara, pumunta tayo doon" bigla kong saad kay Miguel at agad na hinawakan ang kamay nito at hinatak papunta sa gawi nira Manuel. Nang marating namin yun ay nanatili kaming nasa likod ng mga tao na kung saan ay nakatingin din ngayon sa paaralan na pinapatayo.

Napangiti ako habang nakatingin sa istraktura, magkalapit lang ang simbahan at paaralan na pinatayuan ni Manuel kung kaya't batid ko na kung anong paaralan ito. Ito yung Salug Elementary School sa kasalukuyan at dito ako nag-aral ng kabataan ko. Sa ngayon, Isang hindi pangkaraniwang panghugos ang itinatayo sa paaralan. Nasa paligid ang mga karpintero at mason na gumagawa o nagtratrabaho. Tulong-tulong nilang itinataas at ibinababa ang batong malalaki sa pamamagitan ng lubid.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon