K A B A N A T A 14

84 3 0
                                    

KINABUKASAN maaga palang ay agad na kaming nagtungo sa daungan ng barko para ihatid sina Donya Solidad at Don Wilfredo. Kasama din sina Kuya Londriko, Kuya Rolando at ang mga asawa nila. Nandito din yung familia Garliardo at aalis din kasama ang pamilya namin upang magpunta sa manila para daw sa isang piging na gaganapin sa bahay ng kasalukuyan na Gobernador-Heneral na si Aguinaldo.

"Ina, pakiusap gusto ko pong sumama" bulong ko kay Donya Solidad habang nakayakap. Kausap din ngayon ni Manuel yung mga magulang niya at nagpapaalam. Agad na akong bumitiw sa pagyakap at nagmamakaawa na tumingin kay Donya Solidad. Siya talaga yung pinaki-usapan ko kasi masyadong nakakatakot si Don Wilfredo.

Gusto ko ding sumama para mapalayo  kay Manuel. Sobrang naiinis ako sa kanya kaya mas mabuting lumayo na muna ako. Sana lang makumbinsi ko yung Ina ni Corazon.

"Pasensya na anak pero hindi mo dapat iwanan ang iyong asawa dito. Ikaw dapat ang nag-aalaga sa kanya lalo na't ngayon na isa na siyang alkalde ng bayan" saad nito kaya agad akong napasimangot.

"Ina namannn ehh. Masyado na siyang malaki para alagaan. Ayokong mag babysitter sa damulag na yan" saad ko sabay turo kay Manuel na siyang napatingin sa gawi namin. Napakunot-noo nalang si Donya Solidad at tinawanan lang ako.

"Sge na anak, aalis na kami. Basta't iyong pagkakatandaan ang bilin ko. Dapat alagaan mo ang iyong asawa at aliwin siya sa tuwing gabi" may pilyang ngiti na umukit sa labi ni Donya Solidad ng sabihin niya iyun at iniwan akong tulala.

Napabusangot nalang ako ng pumasok na sila sa loob ng barko. Panay pa yung tawag ko kay Donya Solidad habang naghihimutok na parang isang bata na hindi sinama ng kanyang ina.

"Señorita ayos ka lang ba?" malungkot akong tumingin kay Miguel ng lumapit siya sa gawi ko. "Gusto kong sumamaaaaa" bulaslas ko sa harap niya. Natawa nalang ito sa itsura ko kaya mas lalo akong napabusangot.

"Halika na, marami pa ang aking gagawin" napalingon ako sa gawi ni Manuel ng sabihin niya iyun. Nakita ko siyang  pumasok sa karwahe at tinignan ako ng seryoso habang naghihintay.

"Ewan ko sayo! Hindi tayo bati" saad ko sa kanya at agad siyang inirapan. Naiinis pa din ako sa kanya lalo na't sa nangyari ka gabi. Duh. Bahala siya sa buhay niya. Hmp!

Naglakad nalang ako papalapit sa isang karwahe na siyang sinakyan kanina ni Miguel. Agad akong pumasok doon at agad na umusog. "Señor pasok kana dito para naman makaiwas na tayo sa isang T-H diyan" pagpaparinig ko pa kay Manuel.

"T-H?" naguguluhang tanong ni Miguel kaya agad akong tumango sa kanya. "Oo! Tamang hinala!" pagpaparinig ko pa.

Nakita ko pang naguguluhan si Miguel sa nangyayari sa pagitan namin kaya agad ko nalang siyang hinablot papasok ng karwahe at agad na senenyasan yung kutsero na umalis.

"A-anong nangyari sa inyong dalawa? Nag-away ba kayo?" Napabuntong hininga nalang ako ng madinig yun galing kay Miguel. Nahihiya akong tumingin sa kanya at ngumiti nalang. "Parang ganun na nga...pero ayos lang naman ako hehe" hindi na siya nagsalita pa  kaya tumahimik nalang din ako at itinuon nalang ang pansin sa daan.

Nang madaanan namin yung tindahan ng patahian ay agad kong naalala na may ipinatahi akong damit doon na hindi ko pa nakukuha kung kaya't doon nalang ako nagpababa. "Salamat Señor sa pagpapasabay mo sa akin at pasensya na din sa pag-abala ko" saad ko ng tuluyan ng makababa at napayuko nalang.

Hindi ko na hinintay yung tugon niya at agad ng naglakad papasok sa tindahan. Inasikaso naman ako agad ng tindera na medyo kay katandaan na. Siya yung binigyan ko ng sketch ng damit na ipinagawa ko. Inabot nito sa akin ang mga pinagawa kong damit at lubos akong natuwa ng makitang kuhang-kuha nito yung mga desinyo.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon