K A B A N A T A 6

95 3 1
                                    

DAPIT-hapon na ng matapos kaming magimapake ni Lola. Hindi na din kaming nag-abalang magpaalam kay Kuya Rolando dahil tulog ito ngayon kung kaya't sina Basilio nalang yung ipinagbilinan namin na aalis na kami at mauunang umuwi sa Katbala-ogan.

Sinabihan na din namin sila kanina na mas mabuting hindi nalang nila  banggitin na ako yung tumulong dahil tiyak na magagalit yung ama ni Corazon lalo na't masyadong mapanganib yung nagawa ko.

"Binibini, hayaan mong ihatid namin kayo sa daungan" saad pa ni Basilio habang nilalagay sa likod ng karwahe ang mga bagahe namin. Agad naman akong umiling  at nagpasalamat nalang sa kanya.

"Huwag ka nang mag-abala Ginoong Basilio. Mas nararapat na magpahinga ka nalang upang tuluyang bumalik ang iyong lakas" saad ko sa kanya kaya inalalayan niya nalang ako na sumampa sa karwahe. Nag-aalangan pa ito ng humawak ako sa kamay niya. Kumaway nalang din ako sa kanya ng nagsimulang umandar yung karwahe.

"Corazon, Iwasan mo ang pakikipag-usap sa lalaki ng ganyan" napatingin ako kay Lola ng sabihin niya iyun.

"Ha? Bakit? Anong mali?" Tanong ko kaya tumingin siya sa akin ng seryoso. "Sa panahong ito ay hindi kanais-nais na makita ang isang babae na nakikipag usap sa lalaki ng direktang nakatingin sa mga mata nito. Kung may makakakita sa inyong dalawa ay tiyak na iisiping magkasintahan kayo" saad niya kaya natawa ako.

"Luh grabe naman. Ang bastos kayang tignan kung kinakausap ka ng tao tapos sa ibang direksyon ka nakatingin" saad ko sa kanya pero hindi na siya umimik.

"Wala kang magagawa dahil nandito ka sa panahong ito, Corazon. Isa pa'y hindi magandang tignan na ganun ang iyong pakikitungo lalo na't may asawa ka na" natigilan ako sa sinabi niya at agad na napatawa ng malakas sabay sigaw ng 'LOL'. Nakita kong napatingin sa akin yung kutsero dahil sa malakas kong pagtawa na maging mga tao na nasa daan ay napatingin sa akin dahil parang wala nang bukas ang pagtawa ko.

"Iba ka ding magjoke lola. Grabe!" saad ko habang kay butil pa ng luha ang lumabas sa mata ko sa sobrang pagtawa. Nanatili namang seryoso ang mukha niya sa akin at hindi manlang tumawa kaya napatigil na ako.

"Bakit naman ako magbibiro ng ganung bagay" saad niya. Hinintay ko pa yung pagdugtong niya ng 'Its a prank' pero wala talaga kaya tuluyan na akong nanghina.

"A-Ano! Bakit may asawa na siya!" Saad ko ng makahugot na ako ng lakas para makapagsalita. "Kasi may asawa na siya" pilosopong saad niya sa akin kaya tuluyan na akong naglumpasay habang nakapulupot sa braso niya.

"Huhu bakit hindi niyo sinabi sa akin na may-asawa na pala itong si Corazon!  Lola naman eh! Baka nagkamali lang kayo, baka jowa lang ni Corazon" Paulit-ulit kong saad sa kanya pero hindi na niya ako tinignan at sa halip ay ibinaling sa daan yung tingin.

"Lahat ng bagay ay may tamang oras na siyang nakalaan bago mo malaman. Hindi din uso sa panahong ito ang pinapatagal na relasyon lalo nat kung makakatulong ang koneksyon sa pag unlad ng bawat pamilya" saad niya kaya mas lalo akong napanguso at agad na nagdabog habang nakasakay pa din sa karwahe.

"E' bakit may asawa na siya! Sobrang aga naman niyang nakapag-asawa!" saad ko kaya tumingin na sa akin si lola. "Sa panahong ito ay labing siyam palang si Corazon. Nasa tamang edad na siya para makapag-asawa" saad nito sa akin.

Ako nga 23 na tapos nagawa pa akong lokohin ng hayop na si John! Tapos si Corazon 18 palang tapos nakapag settle na ng buhay! Wow Sanaol! SANAOL TALAGA!

"Ang ingay mo. Tumigil ka nga. Masyado kang bitter kumpara kay Corazon" saad pa niya sa akin kaya napabusangot nalang ako dahil alam ko naman na naririnig niya yung mga sinasabi ko sa isip ko.

Pagkarating namin sa daungan ng barko ay wala akong ganang bumaba ng karwahe. Bagsak yung mga braso ko habang naglalakad papasok ng barko. Nawewerduhan din sa akin yung mga taong nakakasabay ko kung kaya't umaalis sila sa dinadaanan ko.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon