K A B A N A T A 19

81 3 0
                                    

MADILIM na ang paligid ngunit patuloy pa din yung pagtaas ng lagnat ni Carding kung kaya't hindi ko siya maiwanan. Nanatili itong nakapikit sa munting higaan habang pinupunasan ko ito gamit ang malamig na tubig para mawala na yung lagnat niya.

Parihong sintomas din ng dengue ang pinapakita ng sakit niya kung kaya't agad akong nagpautos kay Manuel na magpakuha ng halamang tawa-tawa. Habang si Tatay Tiago naman ay nasa isang silid din at doon nagpapahinga. Sa katunayan nga't si Ginoong Miguel yung naggagamot sa kanya dahil abala ako kay Carding, mabuti nalang talaga at hindi na muna siya umalis papuntang kabilang isla dahil wala na ding biyahe at bukas pa kung kaya't nagawa niya kaming tulungan.

"Kumusta na ang pakiramdam niya?" mapalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Ginoong Miguel na ngayon ay mahawak ng gasera at nilagay ito sa mesa. "Hindi pa siya nakakainom ng gamot kung kaya't hindi pa bumubuti yung kalagayan niya" tugon ko at malungkot na tumingin kay Carding dahil sa kalagayan niya.

"Kumusta nga pala si Tatay Tiago? Ano yung sakit niya? Ayos na ba siya?" Sunod sunod kong tanong sa kanya dahil nag-aalala talaga ako lalona't siya nalang din yung natitirang pamilya ni Carding kung kaya't alam kong napakahirap din sa bata na pati siya ay mawala kung kaya't kahit na may lagnat siya kanina ay sumugod siya sa amin para lang magamot ang kanyang tatay.

"Huwag kang mag-alala sapagkat na sa maayos na nakalagayan si Tatay Tiago. Inatake lamang siya ng kanyang hika dahil sa pagpapagod niya" saad nito kaya napahinga ako ng maluwag sapagkat alam kong magandang balita ito para kay Carding.

Nanatili kaming tahimik at tanging tunog lang ng pagpiga ko ng tela ang umalingawngaw na ingay sa paligid. Naramdaman ko pa yung paglapit ni Ginoong Miguel para tignan kung may lagnat pa ito kung kaya't napausog ako ng kaunti. Nang magtama ang paningin namin ay marahan akong ngumiti sa kanya at agad na umiwas ng tingin dahil naalala ko na naman yung naging pag-uusap namin na kung saan ay pinapalayo niya na ako kay Manuel.

Sobrang awkward lang dahil magkasama kanina ni Manuel, bagay na hindi naman namin nagagawa noon. Pakiramdam ko tuloy ang rupok rupok ko ngayon sa harapan ni Miguel sapagkat nagawa kong maging marter at kinalimutan ang lahat kahit na nagdala na ng ibang babae si Manuel sa bahay namin.

"Kumusta ka?" Napako ang tingin ko muli sa kanya ng madinig yun. Umupo siya sa silya na ngayon ay nasa harapan at kahit papaano'y isang
metro ang distansya nito. "Maayos naman, ikaw?"saad ko at ngumiti. Kahit papano'y nakakagaan din ng pakiramdam kapag may kumukumusta sa kalagayan mo.

"Masaya akong marinig ang iyong tugon. Ayos lang din naman ako. Naging abala lang nitong nakaraang araw kung kaya't kay tagal din kitang hindi na kita" saad pa niya sabay ngiti sa akin kung kaya't agad akong napayuko at pinipigilan yung sariling ngumiti. Luh enebe nemen te.

"Ehem!" Napalingon ako ng may kontrabidang umagaw ng eksena naming dalawa. Nakita kong pumasok si Manuel habang nakasunod naman sa likod niya yung isang kawal na may dalang halamang gamot. Seryoso ang tingin nito sa akin at kay Miguel kung kaya't hindi ko magawang tumingin ng diritso sa kanya at sa halip ay kinuha nalang yung halamang tawa-tawa sa kawal at agad na nagtungo sa kusina para gawin na yung gamot.

Hayst mabuti nalang talaga at nakaiwas na ako sa ganuong tensyon. Gosh! Feeling ko tuloy ay kirida ko si Miguel tapos nahuli kami ni Manuel kung kaya't ang reaksyon niya ay parang kakainin kami ng buhay. Pero quits na din kami kasi pinagsabay din niya naman kami ni Dahlia kahit na kasal na siya.

Ibinaling ko nalang yung atensyon ko sa pagpapakulo ng halamang gamot at ng maayos na ay agad ko na itong hinanda maging ang naging katas na siyang kinakailangan. Pabalik na sana ako doon ng makasalubong ko si Ginoong Miguel habang bitbit ang kanyang maleta na naglalaman ng mga kagamitang panggamot.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon