K A B A N A T A 9

88 3 0
                                    

MATAPOS ang pagsalo-salo ay agad na akong umakyat sa kwarto ko dahil nasa kanya-kanyang silid na din sina Señorita habang inaalagaan yung mga anak nila habang sina kuya naman ay nasa baba din upang saluhan sila sa pag-inom.

Dito daw sila matutulong maging yung parents nina Miguel at Manuel. Marami naman ang guest room nitong mansyon kaya  pinapalinisan muna ito ni Donya Solidad bago pasukan nila.

Nagpalit na din ako at yung simpleng damit lang yung sinuot ko habang tinanggal ko na naman yung tali ng buhok ko. Naging kulot na yung buhok ko dahil sa pagkakatarintas ko kanina. Feeling ko tuloy ako si Moana.

Moana niyo pagod na (•‿•)

Ilang ulit pa akong nagpagulong-gulong sa kama ko pero hindi talaga ako makatulog. Masyado pa ding maaga kaya ganun. Sobrang boring talaga dito lalo na't wala manlang Tv o di kaya ay kahit anong gadgets dito. Tanging gasera lang din yung nagsisilbing ilaw sa bawat sulok ng mansyon.

Nakaimpake na din ang lahat ng mga gamit dito dahil bukas na ako bubukod sa kanila. Hayst. Nakakainis talaga! Mas gusto kong nandito lang kasi kain at tulog lang ako rito. Who knows naman diba at baka gawin lang akong katulong ng lalaking yun.

Bagot na bagot na ako at napagpasyahan ko na lamang na tumayo at pumunta sa bintana lalo na't sobrang laki ng buwan. Madami din yung stars sa langit kung kaya't napagkakahulugan lang nito na hindi uulan.

Napangiti nalang ako habang nakatanaw doon. Sa di kalayuan din ay may sapa dito na siyang palagi naming pinupuntahan noon ni Bea. Nakakamiss lang talaga yung dati na hindi na pwedeng maibalik.

Dahil sa wala naman akong magawa o di kaya ay makatulog, napagpasyahan kong mamasyal na muna sa labas. Alam kong hindi ako papayagan lumabas ni Ama lalo na't nasa sala sila ngayon at nag-iinuman kung kaya't sa bintana nalang ako dadaan.

Hindi naman gaanong kataas yung babagsakan ko kung sakaling mahulog man ako kaya okay lang. Isa pa, hindi naman ito bago sa akin dahil dito ako parati tumatakas noon kapag may gala kami ni Patricia---.

Hayst yang ahas na yan! Kumulo na naman ang dugo ko ng magflash back sa alaala ko yung kababalaghang ginagawa nila sa condo ng magaling kong boyfriend na manlolokong si John.

Sa sobrang galit na naramdaman ko ay hindi ko inakala na mabilis na pala akong nakababa sa bintana na siyang tinalon ko nalang. Napatigil naman ako ng pagtingin ko sa harap ko ay may tao pala at gulat na gulat ito habang nakatingin sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?"
"P-Paano mo nagawa iyon?"

Sabay naming tanong ni Manuel sa isat-isa. Iritado ko siyang tinignan at ibinaling ang tingin sa paligid at baka may makakita pa sa amin.

Nang ma confirm kong na siya lang ang nandito ay agad na akong tumalikod. Aalis na sana ako sa harap niya ng tawagin niya akong muli kaya agad ko siyang sinaway.

"Shhh! Ano ba! Hinaan mo yung boses mo" inis kong saad sa kanya sabay hatak papatago sa gilid dahil masyado kaming showy kung mananatili pa sa gitna.

Agad kong binitawan yung kamay niya ng makatago na kami sa gilid. Kitang-kita naman sa mukha niya na nagulat siya sa ginawa ko kaya na realize kong big deal pala sa panahong ito ang kawakan ng babae ang kamay ng lalaki. Hayst.

"Makinig ka sa akin. Huwag mo akong isumbong. Bumalik kana din doon at umakto ng parang walang nangyari" saad ko sa kanya pero tinaasan lang ako nito ng kilay kaya naparolled eyes nalang ako.

"Isusumbong kita" saad nito kaya nagsalubong ang kilay ko at nakipaglaban sa kanya sa pakikipagtitigan.

"I'm warning you. Masama akong magalit" pagbabanta ko sa kanya kaya nag-iba yung reaksyon niya.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon