K A B A N A T A 49

28 2 0
                                    


Flashback karugtong ng kabanata 29.
__________________

MATAPOS malaman ni Corazon ang pagpanaw ni Miguel matapos itkng salakayin ng mga rebelde ay tila nawala ito sa katinuan. Hindi niya alam ang gagawin lalao nat si Miguel nalang ang natitirang taong kanyang pinagkukunan ng lakas.

Malaki din ang kanyang problema sapagkat siya'y nagdadalang-tao. Ang ama ng bata ay si Miguel.

Sa pagsapit ng unang araw ng kapistahan sa katbalaogan ay nagdiwang ang lahat. Madidinig ang mga tunog ng musika at pagsasaya ng tao, taliwas naman ito sa nararamdaman ng dalaga.

Siya'y nanatiling nakakulong sa kanyang silid sa bahay ng kanyang mga magulang. Wala pa ni isa ang may alam sa kanyang kundisyon. Hindi niya din kayang humarap kay Manuel.

Sa gabing iyon ay nakita niya ang ina na nilagyan ng pulbos ang isang inumin. Alam niya kung ano ang pulbos na iyon sapagkat minsan ng nabanggit ng kanyang ina sa kanya na iyon ay isang lason.

"Ibigay mo ito kay Manuel" dinig niyang saad ni Donya Solidad sabay bigay sa inumin na iyon. Hindi siya makapaniwala sa inutos na ito. Batid niyang hindi gusto ng kanyang ina si Manuel sapagkat puro pasakit lang ang ginagawa nito sa kanya.

Nagdalawang isip ang dalaga kung ano ang gagawin. Sa kanilang dalawa ni Manuel ay pariho lang naman silang nagkulang at nagkasala sa isat-isa kung kaya't hindi niya mapigilan na ma kunsinsya.

Nais pa sana niyang sumabatan ang ina tungkol sa nagawa isasagawa nitong krimen ay nagulat nalang siya ng makitang may kahalikan ang kanyang ina na ibang lalaki.

Kanya din itong nakilala na siyang Visitador-Heneral na si Francisco. Sa gabing din yun ay nalaman niya ang buong katutuhanan na hindi siya tunay na Hermoso.

Hindi niya iyon matanggap kung kaya't labis siyang nasaktan lalong lalo na para sa kanyang kinilalang amain na si Wilfredo.

Masyado ng magulo ang pag-iisip ni Corazon kung kaya't hindi na siya makapag-isip ng matino. Labis pa din siyang nangungulila sa pagkawala ni Miguel tapos nadagdagan pa ngayon ang kanyang isipin.

Wala na siyang pag- asa. Hindi niya na mabuhay sa magulong mundong ito. Natagpuan nalang ni Corazon ang sarili na kinuha sa utusan ang inin na para sana kay Manuel at agad itong ininom.

Ang lason na iyon na kapag mainom ng tao ay unti-unti itong aapekto sa katawan hanggang sa dahan dahan ka nitong patayin. Ramdam ni Corazon ang pagsama ng kanyang pakiramdam matapos inumin iyon. Nagulat din ang utusan sa ginawa nito kung kaya't dali dali itong umalis upang isumbong kay Solidad ang nangyari.

Patuloy lang na naglakad si Corazon hanggang sa mahanap na niya ang lalaking gusto niyang makita kahit na sa huling pagkakataon. Nakatayo ito sa kanilang bakuran habang malalim ang iniisip. Sa isip ng dalaga ay  sobrang layo na ng nakilala niyang 'Manuel' ang taong kaharap niya ngayon.

Bago paman tuluyang makalapit si Corazon kay Manuel ay kinuha nito ang patalim na nakalagay sa misa at itinago ito sa kanyang saya.

Unti-unti na namang dumaloy sa mga pisnge nito ang luha habang nakatingin kay Manuel na minsan niyang minahal.

"Sa dinami-rami ng mga taong nakakasalamuha ko...mahiwaga ang araw kung kailan tayo nagkatagpo" bulaslas ni Corazon habang diritsang nakatingin kay Manuel. Bakas sa mukha nito ang galit sa lahat ng ginawa niya.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon