K A B A N A T A 56

29 2 0
                                    

NAALIMPUNGATAN ako ng madinig ang mga pagtawa ni Emanuel. Agad namang bumungad sa akin ang mukha ni Manuel na ngayon ay nasa harap ko pala habang linalaro ang bata.

"Kay lakas ng iyong halakhak, yan tuloy na gising ang iyong ina" saad pa ni Manuel sa bata na siyang patuloy namang nakikipag-usap ang mukha nito habang ngumingiti kung kaya't umukit sa aking labi ang ngiti.

Hindi ko din napansin na sa sobrang pagod ko habang hinihintay si Manuel ay nakaidlip pala ako.

"Ayos ka lang?" Tanong pa nito kung kaya't agad akong napatango habang inaayos ang pagkarga kay Emanuel. Napansin ko din na iba na ang suot ngayon ni Manuel na animo'y kasama siya sa hukbo ni kuya Rolando.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko habang hindi siya makatingin ng diritso sa akin at sa halip ay patuloy lang linalaro ang kamay ni Emanuel.

Naanigan ko din na yung mga lalaking sibilyan kanina ay ganun din ang suot habang kausap ang mga pamilya nito na ngayon ay umiiyak.

"Sabihin mo sa akin na nagkakamali lang ako ng iniisip, Manuel" napatingin siya sa akin ng sabihin ko iyon. Hinawakan nito ang kamay ko at agad na hinalikan.

"Ako ang alkalde ng bayang ito. Hindi dapat ako nagtatago. Kailangan ko silang harapin upang matigil na ang kaguluhang ito" sagot niya sa akin kung kaya't hindi ko mapigilan na maluha ng madinig iyon.

"Paano kung may mangyaring masama sa iyo? Paano ako---"

"Pangako, babalik ako ng ligtas at muli tayong magiging isang masayang pamilya" saad pa niya kung kaya't hindi ko mapigilan na maluha dahil sa pag-aalala sa kanya.

"Manuel natatakot ako" hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay. "Natatakot ako na dumating ang pagkakataon na tatawagin mo ang aking pangalan  at sa huling pagkakataon at hihingi ka ng tawad sapagkat hindi mo matutupad ang iyong pangako" napahagulhol ako sa kanyang harapan ng sabihin iyon.

Hindi siya nakapagsalita habang nanatili ang tingin sa akin. "Kung yun man ang kalooban ng diyos ay malugod ko itong tatanggapin" galit ko siyang tinignan dahil sa kanyang sinabi.

"Huwag mo ngang sabihin yan!" ngumiti lang ito sa akin kung kaya't naiinis akong inirapan siya habang patuloy pa ding nagsisilabasan ang mga luha ko. Parang madali lang sa kanya na iwan kami kung kaya't sobra akong naiinis sa kanya.

Umalis din ako sa harapan niya habang karga si Emanuel. Pinigilan pa ako nito pero hindi ko siya pinansin habang pinupunasan ang luha ko.

"Corazon, paki-usap pansinin mo na ako" dinig kong sabi niya habang naglalakad ako papalayo. "Aalis na ako" dagdag pa nito kung kaya't naiyak na naman ako.

Naramdaman ko ang mahigpit niyang pagyakap sa likod ko. Naipit pa niya si Emanuel kung kaya't nagsimula itong umiyak na siyang mabilis niya namang nilibang.

"Tahan na, mas bagay sa iyo ang matang puno ng ligaya" dinig ko pang saad niya na ngayon ay nasa harapan na namin. Siraulo talaga to. Saan ka ba makakakita ng tumatawa kahit alam niyang sasabak sa digmaan ang kanyang asawa.

"Lagi mong pakatatandaan na mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ng ating anak kung kaya't hindi ko kayo kailanman iiwan" muli niyang hinawakan ang mukha ko at pinagdikit ang noo namin kung kaya't hindi na maawat ang luha ko. Kitang-kita ko din kung paano magsilabasan sa kanyang mata ang luha habang nakapikit na yinayakap kami.

"Hindi madali sa akin ang mawalay sa inyo na tila ba tinatanggalan ako ng karapatang huminga habang nabubuhay"

Napayakap ako sa kanya ng mahigpit ng unti-unti kong naramdaman ang kanyang labi.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon