"Kumusta ang kalagayan niya?" Tanong ni Rolando sa manggagamot na kasamahan nila Tonyo.
"H-Hindi ko na kailangang magpagamot. Wala namang saysay ang buhay ko kung kaya't bakit pa" sagot ni Manuel habang nakaupo. Katatapos palang siya nitong gamutin sa dibdib at kunin ang bala dito kung kaya't nagpagsya ang Heneral na si Rolando na huwag na muna silang umalis at manatili na muna sa isla habang ginagamot ang alkalde.
Ginagamot na din sa ibang kubo ang mga may sakit at nasugatan kung kaya't ito ang nakitang mas mainam na paraan ng heneral upang maisalba ang buhay ng mga iyon.
"Hindi niya magugustuhan na magkaganito ka" napatingin si Manuel kay Rolando ng sabihin ito. Nanatili itong nakatanaw sa karagatan habang nakapamulsa.
Ramdam niyang nasasaktan ito at kanina pa nga'y nakita niya ang palihim nitong pag-iyak kung kaya't ayaw niya ding maging pabigat dito.
Hindi na siya umimik at sa halip ay dahandahan nalang napatayo habang sapo-sapo ang kanyang sugat. Hindi gaano kalalalim ang kanyang sugat kaya hindi na ito mapanganib lalo na't nabigyan agad ng lunas.
"Heneral, nailibing na namin sila"
Kakarating palang nila Basilio matapos nilang maghukay malapit sa kabundukan at doon inilibing ang mga katawan. Napatay din ni Manuel ang natitirang mga buhay matapos nitong aminin na sila ang may kagagawan sa krimen kung kaya't lahat ng mga nakasaksi na naroon sa barko ay nakaramdam ng takot. Hindi nila akalain na ganito magalit ng todo ang alklde.
"Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na makauwi tayo. Hanggang ngayon ay hindi pa din tinatanggap ng damdamin ko ang katotohanan" dagdag pa ni Rolando habang palihim na pinupunasan ang mga mata niya. Hindi niya gustong ilabas ang kanyang emosyon sapagkat ang isnag heneral ay hindi nagpapakita ng kahinaan. Pero sa tuwing maiisip niya ang mukha ng pinakamamahal niyang kapatid ay mas lalo siyang na iyak ng palihim.
Paulit-ulit ding bumabalik sa kanyang ala-ala ang kanilang kabataan na kung saan ang kanyang kapatid ang pinakamakulit sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng sigla at nagkaroon ng halakhak ang kanilang tahanan.
"Heneral, mas mainam kung ika'y magpapahinga na" ani ni Manuel habang nakatanaw dito. Hindi na ito umimik at sa halip ay napaupo lang sa buhangin habang nanatiling nakatanaw sa buwan.
"Sino ba ang may kakayahang makatulog gayong alam mong sa gabing din ito ay hindi mo na masisilayan ng habang buhay ang mukha ng iyong pinakamamhal" bulaslas ni Rolando kung kaya't kinuha ni Manuel ang isang bote ng alak na ibinigay sa kanila ni Tonyo kanina.
Sa di kalayuan din ay nakatanaw ang ang sundalo na hindi makatulog sa alklade at sa kanilang Heneral. Nagsiga din sila sa buhangin gamit ang mga kahoy na nakuha upang makaramdam ng init sapagkat kay lamig ng simoy ng hangin.
"O' batid kong kailangan natin to" ani ni manuel sabay lagay ng alak sa tasang gawa sa bamboo. Hindi umangal si Rolando at sa halip ay mabilis na ininom ang alak na iyon salungat sa kilos niya noon. Ayaw na ayaw kasi nitong uminom ng alak lalo na kung katatapos palang sa paglusob.
Nanatiling tahimik sila sa bawat isa habang kapwa nakatanaw sa kung paano kuminang ang karagatan dahil sa sinag ng buwan. Kapwa din nagdudurugo ang kanilang puso.
"P-Patawad, hindi ko nagawang protektahan ang iyong kapatid gaya ng binatawan kong pangako" ani ni Manuel habang umiinom ng alak. Nagbalik din sa alaala ni Rolando ang panahong nangako si Manuel sa kanyang harapan na proprotektahan niya ito.
Sandali siyang napatitig dito habang umiinom. Dati ay nagagalit siya kay Manuel dahil sa pagbabaliwala nito sa kanyang kapatid pero unti-unti ay nagbago ito at ramdam niyang tapat at totoo ang damdamin nito kay Corazon.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...