K A B A N A T A 15

76 4 0
                                    

KINABUKASAN agad akong lumabas ng kwarto ko ng makaramdam ako ng gutom. Kanina pa din ako gising pero hindi ko magawang lumabas dahil sa pag-aalinlangan. Alam kong nasa labas silang dalawa at pilit kong pinapatatag ang sarili ko para lang umakto na hindi ako maapektuhan sa makikita ko.

Kagabi ay hindi na ako nagabalang lumabas para kumain. Busog na din naman ako kaya itinulog ko nalang. Aaminin ko ay nahirapan akong matulog. Ilang ulit akong nagpagulong gulong sa kama ko pero hindi ko magawa.

Nandito si Dahlia sa bahay alam kong bagahe niya yung nakita ko kahapon kaya batid kong dito na din siya titira. Nakakainis din tong si Manuel, plano niya palang ibahay si Dahlia tapos isinama sama niya pa ako rito! Nananahimik na ako doon sa bahay tapos pa echos echos pa siya kay donya Solidad na dito na ako titira.

Two timer talaga!

Katulad ng inaasahan ko ay nakita ko sina Manuel at Dahlia sa hapag kainan habang patawa tawa pa. Tsk. Ang aga aga, landian agad. Kinuha ko nalang si mingming na siyang unang sumalubong sa akin sa kama at agad itong kinarga papunta sa kusina. Umakto nalang ako na hindi sila nakita. Napatigil din sila sa paglalandian ng makita ako.

Pagkarating ko sa kusina ay nagluto ako ng sarili kong pagkain, may apoy pa naman yung kalan kung kayat hindi na ako nahirapan na magluto.
Nang matapos na ako ay agad kong dinala yung pagkain ko sa hapagkainan. Nalakasan ko pa yung paglagay ko ng pagkain sa mesa kung kaya't gumawa ito ng ingay. Nakakairata kasi sila.

Kumain na ako habang hindi sila tinatapunan ng tingin. Nasa harapan ko sila ngayon at anim na upuan yung nasa pagitan namin. Magkatabi sila ni Dahlia at natahimik sa pinag-uusapan nila ng dumating ako.

Binilisan ko nalang yung pagkain at umalis na doon. Syempre pinakain ko din si mingming bago ako umalis sa kusina. Hindi na din ako nag-abala na manghugas ng plato, since nandito naman si Dahlia kaya sa kanya ko nalang iaasa yun. Siya naman yung mabait kaya siya yung karapat-dapat na manghugas.

Bumalik ako sa aking silid at isinukat nalang yung mga damit na ipinatahi ko. Sobrang mabigat din yung mga kimona na suot ko dahil sa makapal na tela nito kaya hindi ko yun sinusuot. Napagpasyahan kong isuot yung salwal na parang high waist square pants na siyang desinyo na ginawa ko. Kulay black ito at  yung polo shirt naman yung itinirno ko na siyang dirty white. Napangiti nalang ako habang nakatingin sa salamin. Hinayaan ko din na nakalugay yung buhok ko at kumuha ng isang tela at ginawa itong turban.

Pagkababa ko, dala dala ko yung bag na may laman ng pera. Tutal ay wala naman akong magawa dito kaya isasama ko nalang si Carding mamalengke at balak kong magtinda ng barbeque sa kanto. Yes, kailangan kong palaguin yung pera na ibinigay sa akin ni Donya Solidad kung kaya't gagawa nalang ako ng business. Maganda nga yung business ko kasi wala akong ka kontra, hindi tulad sa kasalukuyan na kapag mag tinda ka ng barbeque o halo-halo ay kinabukasan pagising mo ay marami na din yung gaya gaya na nagtitinda din.

"Mag-ingat ka Manuel" nakita kong paalis na din si Manuel habang nakaharap ngayon kay Dahlia. Nakita ko pa yung paghalik nito sa pisnge niya kaya napangiwi nalang ako at dumaan na papalabas kung kaya't napatingin sila sa akin. Nasubaybayan din ni Carding yung paghalik ni Dahlia sa pisnge ni Manuel kung kaya't malungkot itong tumingin sa akin.

Napaachin up nalang ako at confident na lumabas. Akala siguro nila na masasaktan ako sa ginagawa nilang landian sa harapan ko. Pwes hindi, hindi naman ako si Corazon para masaktan. Tatawanan ko nalang sila.

Hindi ko nalang sila pinansin at nilagpasan nalang. Lumapit ako kay Carding at tinap ang ulo nito para mapatingin siya sa akin. Nagulat pa ito habang nakatingin sa ayos ko kaya napangiti nalang ako. "Anong klasing kasuotan ang iyong suot señorita?" tanong niya kaya sinabi ko nalang na ginaya ko yung kasuotan sa ibang bansa.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon