K A B A N A T A 34

34 2 0
                                    

LUMIPAS na yung anim na buwan  at minsan ay nagiging abala si Manuel. Wala din akong nagawa kung hindi ang manatili lang sa bahay at maglibang. Malaki na din ang pagbabagong nangyari sa katawan ko. Mas lalong lumaki ang aking tiyan na ngayon ay pitong buwan na ito. Hindi ko inakala na mas lalong bumilis ang panahon.

Naging abala din muli si Manuel lalo na't darating daw yung Gobernador-Heneral na kanilang tinutukoy. Minsan ay iniiwasan ko din si Manuel, hindi dahil sa naging huling tagpo namin kundi dahil sa naiinis ako sa presensya niya.

Ayaw ko ding makita siya o di kaya ay marinig manlang yung boses niya kung kaya't kapag naririto siya sa bahay ay lumalayo talaga ako. Naging madali naman sa akin ang lahat na gawin iyun dahil abala din ito sa tuwing nasa bahay.

Palagi ring bumibisita sa akin sina Ina at maging si Donya Consolacion na animo'y palaging inuubos ang lahat ng tinda ng mga prutas at pagkain dahil sa tuwing bumibisita ito ay madami ang mga dala nitong pasalubong para sa akin. Madami na din yung prutas sa bahay dahil sa pinamili ni Manuel para sa akin kung kaya't hindi ko na maubos-ubos ang lahat. Maging si Ginang Laura ay nayamot na din sa pagkain ng prutas kung kaya't ang ilan sa mga prutas ay ipinapauwi ko nalang kina Aling Clara at Aling Maring na siyang kasambahay dito. Ang ilan din ay ipinapauwi ko kay Carding na siyang palaging kasama ko dito sa bahay. Ayaw kasi akong payagan na lumabas ni Manuel kung kaya't naiinis ako lalo sa kanya.

Napabuntong hininga nalang ako at muling pinagpatuloy ang pagpinta sa canvas na sarili kong gawa. Pinipinta ko ngayon ang mukha ni Carding dahil ito nalang yung regalo ko sa kanya para mamaya. Kaarawan kasi nito ngayon. Wala din namang nagtitinda dito ng mga laruan kung kaya't hindi ko siya mabilhan.

Habang nagpipinta ako ay iniisip ko yung mukha ni Carding. Medyo nahihirapan pa nga ako dahil ito yung kauna-unahan kong sumubok na magpinta ng wala manlang reference. Makalipas ang ilang oras ay agad akong napangiti ng makitang tuluyan ko ng nakuha ang hulma ng mukha ni Carding ng nakangiti na siyang karaniwan kong nakikita sa kanya.

"Hindi ko inakala na ika'y magaling palang magpinta" napalingon ako ng madinig iyun at nakitang si Manuel yung nagsalita habang nakapamulsa at nanatili ang tingin sa gawa ko. Hindi ko siya pinansin at sa halip ay pinagpatuloy yung ginagawa ko. Naamoy ko din na ibang pabango na yung gamit niya kung kaya't hindi na ako nababahin dahil sa amoy niya. Ayaw ko kasi sa na unang pabango niya na kung saan ay masyadong mabango at masakit sa ilong kung kaya't umiiwas talaga ako sa kanya.

"Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng babaeng nagpipinta...nakamamangha" dinig kong saad pa nito kaya natawa nalang ako at tumingin sa kanya. "Fan, huwag kang mag-alala bibigyan nalang kita ng autograph mamaya" saad ko pa dito kahit na alam kong hindi naman nito naintindihan ang sinabi ko.

"Kahit kailan ay hindi ka nawawalan ng bagong salita. Ano na naman ba ang kahulugan ng mga salitang yan?" tanong pa nito at kumuha ng upuan at tumabi sa akin. Batid ko namang eneechos lang niya ako para hindi na ako mainis sa kanya. Hayst.

"Fan ay isang salitang ingles na ang kahulugan ay tagahanga. Batid kong umiidolo ka sa aking kung kaya't tinawag kitang fan" napangiti ito sa sinabi ko kung kaya't napako muli sa kanya ang tingin ko. "Char lang naman" dagdag pa nito sabay tawa kaya agad ko siyang hinampas sa braso.

"Nagbibiro lang ako sa aking huling sinabi, pero totoo talagang namamangha ako sa iyong gawa" saad nito kaya napaiwas na ako ng tingin at napatayo nalang upang iligpit ko na yung mga gamit ko dahil tapos na naman akong magpinta.

"Kaarawan ngayon ni Carding kung kaya't batid kong kaya mo ito ginawa" saad pa nito sabay kuha sa Canvas at pinagmasdan ito ng maigi. "Calantha" pagbabasa pa nito sa sinulat kong pirma at agad na napatingin sa akin.

Nginitian ko nalang siya at agad na napaiwas ng tingin. "Wala ka bang trabaho ngayon? Bakit ka parin nandito?" Tanong ko dito dahil naalala ko na hindi naman ngayon sabado kung kaya't bakit hindi siya pumasok.

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon