K A B A N A T A 55

26 1 1
                                    

"Hindi kita niyakap ng ilang ulit upang sa pagkalas ng mga braso ko sayo ay mararamdaman mong iiwan kita. Habang buhay akong magiging tapat sa aking panata sa ngalan ng bayan na ito ay tayo'y mananatiling katipan ng ating pagmamahalan"

"Mahal kita...Corazon"

NATAGPUAN ko muli ang sarili ko na umiiyak ng mapanaginipan na ko nito sapagkat sobrang labo.

Hindi na ako makabalik sa pagtulog kung kaya't napagpasyahan kong umakyat sa rooftop upang magpalipas ng oras doon.

Nagikot ikot na muna ako sa library at tinitignan yung mga libro nang mapansin na mga lumang libro pala ito. Karamihan sa libro ay nakasulat sa spanish language at nailimbag sa taon na 18th century. Minsan nang naikwento ni daddy na kasama sa kasaysayan ang aming pamilya sapagkat ang aming great, great grandfather ay naging isang Gobernador-Heneral na siyang pinakamataas na opisyal nang pamahalaan noong taong 1889.

Blag!

Naagaw ang atensyon ko ng madinig ang pagbagsakan ng libro.

"Meow"

Agad kong kinuha si blacky ng makita ito. Siya pala yung humulog sa mga libro na nakalagay sa book shelf. Nakapagtataka lang kung paano siya nakapunta dito.

Napatingin din ako sa mga nagbagsakang libro kanina at naagaw ang pansin ko sa isang libro na kulay ginto na kumikinang kinang ngayon dahil sa pagtama ng sinag ng buwan.

Agad ko itong kinuha at pinunasan dahil sa alikabok na bumabalot dito. "Ang kasaysayan nang Pamilya Hermoso" pagbabasa ko sa libro. Hindi ko inakala na totoo pala talaga na makasaysayan ang aming pamilya.

Kinuha ko yung libro ng kasaysayan ng pamilya namin. Napansin ko na may nahulog na isang nakatiklop na malaki na tela mula dito kaya agad ko itong kinuha.

Binuklat ko ito at tinignan. Gulat na gulat ako nang tumambad sa akin ang isang pinintang larawan. Larawan nang isang babae... babaeng kamukha ko.

Agad ko itong nabitawan dahil sa gulat at tuluyan kong nakita ang isang sulat sa duluhan nito.
"Maria Corazon Hermoso".

Magkasing tulad sila ng pangalan na siyang palagi kong naririnig sa panaginip ko.



"Anak? Ano ang ginagawa mo dito?" Napatingin ako kay daddy. May hawak pa itong flashlight kung kaya't napapikit ako ng tumama sa mata ko ang ilaw.

"Akala ko pa naman ay may magnanakaw ng nakapasok. Ikaw lang pala" saad pa niya sabay on ng switch ng ilaw kung kaya't saka ko lang napagtanto na may ilaw pala dito.

"Daddy alam mo ba kung sino to?" tanong ko sa kanya kung kaya't agad itong lumapit sa akin. Muli kong binuklat yung tela upang ipakita sa kanya ang mukha ng babaeng iyon.

"Oo, siya ang iyong lola. Kapatid ng aking butihing lolo na Londriko" saad niya. Nagtaka lang ako sapagkat hindi nagulat si daddy ng makita ang mukha ng babaeng yun.

"Daddy hindi mo ba napapansin na magkatulad kami ng mukha" saad ko pa kaya muli itong napatingin sa pinintang larawan at sa akin.

"Magkahawig kayo pero mas maganda pa din naman yung lola Corazon mo" napabusangot ako sa kanyang tugon kung kaya't agad itong natawa.

"Daddy naman eh!" Ginulo niya ang aking buhok at agad na nilapit sa akin ang larawang iyon upang mas malinaw niyang makita ang pagkakatulad namin.

"Syempre naman maganda ang anak ko. Sino ba namang magulang ang magsasabing pangit ang kanyang anak" pang-aasar pa niya sa akin kung kaya't  napa 'tsk' nalang ako.

"Huwag mo ng intindihin ang mga bagay na iyan anak. Natural lang naman na maging kamukha mo ang iyong lola sapagkat iisa lang naman ang dugong dumdadaloy sa atin" saad pa niya kaya pilit akong ngumiti at hindi na nagtanong muli.




Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon