K A B A N A T A 23

66 3 0
                                    

Bumalik na kami sa loob ng bahay lalo na't masyado ng mahamog. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na naniniwala talaga siya na galing ako sa hinaharap. Lasing kasi ako ng sabihin ko yun kaya akala ko talaga na hindi siya maniniwala pero nagkamali ako.

"Maupo kana" ani niya habang inaayos yung upuan ko sa hapag kung kaya't pilit nalang akong ngumiti at umupo doon. Naupo din siya sa tabi ko kung kaya't hindi na lang ako nagsalita. Naibaling ko ang tingin kay Ginang Laura na siyang nagsisilbi sa amin dito. Hindi ko din batid kung bakit siya pinadala dito ni Donya Consolacion pero sobrang nakakatakot talaga siya. Sobrang taray kasi ng aura niya siguro ay dahil yun sa matandang dalaga siya.

"Saluhan mo na kami Ginang" anyaya ni Manuel dito kung kaya't agad itong tumango at sinaluhan kami kung kaya't lalo akong natahimik. Tanging tunog lang na kubyertos ang umaalingawngaw sa paligid. Panay din yung tingin ni Ginang Laura sa amin  ni Manuel na animo'y may sinusuri.

"Damihan mo ang iyong pagkain ng ika'y mabusog" naibaling ko ang tingin kay Manuel. Kumuha pa ito ng pagkain at nilagyan pa yung plato ko kung kaya't agad akong napabusangot. "Huwag na, diet ako" saad ko pero hindi siya nakinig sa akin at napakunot-noo pa dahil sa sinabi ko.

"Diet?" tanong nito sa akin kaya agad akong napatango. "Basta hindi mo yun ma gegets. Hindi ko din alam yung ibang term sa tagalog kaya hindi ko na eexplain--- este maipapaliwanag"pagtataray ko sa kanya pero hindi na ito umimik kay mas lalo akong napaismid. Kinuha ko yung lalagyan ng kanin at nilagyan din ang plato ni Manuel. Hindi ako papayag na ako lang ang tataba dito.

"Kumain ka din ng marami Mahal...wala ka namang abs kaya palakihin mo nalang yung tabs" saad ko ng may mapang-asar na ngiti sa kanya at dinamihan ko talaga yung kanin at hindi na ako nag-abalang mag lagay ng ulam. "Sige...mahal" napatigil ako sa sinabi niya. Saka ko lang din napagtanto na sa pang-aasar ko sa kanya ay 'mahal' yung naitawag ko sa kanya kung kaya't ganun din ang  tinawag niya sa akin. Unti-unting pang gumuhit yung nakakalokong ngiti sa kanya kaya napaismid ako.

"Hakdog ka" bulaslas ko at natawa nalang din. Nahagip pa ng tingin ko yung pagmamasid ni Ginang Laura kaya nung mapatingin ako sa kanya ay agad itong umiwas.

Matapos naming kumain ay agad na akong umakyat. Binilisan ko pa para lang hindi makasabay si Manuel pero nahabol pa din ako nito. Papasok  na sana ako sa kwarto ko ng pigilan ako nito kung kaya't tinaasan ko siya ng kilay. "Saan ka pupunta?" Tanong pa nito sa akin. "Malamang papasok na sa kwarto ko, hindi pa ba obvious?" pabalang kong saad sa kanya pero nanatili lang na seryoso ang mukha nito.

"Simula ngayon ay hindi na diyan ang iyong silid" ani niya sabay hawak sa kamay ko at hinatak ako sa kung saan. Pagkapasok namin sa isang kwarto ay saka ko lang napagtanto na ito yung silid niya. "Ayaw ko dito, masyado akong malikot para matulog diyan" aalis na sana ako ng humarang siya sa pinto kung kaya't agad akong napahakbang papalayo sa kanya. Naalala ko na naman yung ideyang may nangyari sa aming dalawa ng gabing iyun kung kaya't mas lalo akong nailang.

"Makinig ka, simula ngayon ay magtatabi na tayo sapagkat ipinadala ni Ina si Ginang Laura upang tayo'y manmanan" napakunot-noo ako sa sinabi niya dahil hindi ko talaga alam ang sinasabi niya. Napabuntong hininga pa siya sa harap ko kung kaya't lalo akong nagtaka.

"Nakakahiya mang sabihin pero alam na nila ina ang nangyaring kaganapan sa pagitan natin" nahihiya niya saad at naglakad papunta sa mesa niya kung kaya't mas lalo akong naguluhan. Hindi ko kasi alam kung alin yung tinutukoy niya dahil sa pagkakaalam ko ay marami na yung nangyaring kaganapan sa amin.

Hindi na siya muli nagsalita at sa halip ay itinuon yung pansin sa mga papelis na nasa mesa niya kung kaya't itinikom ko nalang ang bibig. Kumuha nalang ako ng damit pampalit at agad na nagtungo sa palikuran para maligo ng mabilisan. Doon nalang din ako nagbihis. Nagtagal pa ako sa loob dahil tinuyo ko pa yung buhok ko. Sobrang awkward naman kasi kung doon ako sa labas magpatuyo ng buhok. Iniisip ko palang na ginagawa ko yun na nandoon si Manuel ay kinikilabutan na ako. Super 'Iskiri'

Changing Fate (Trapped in time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon