MADILIM pa yung paligid ng magising ako. Agad na napako ang tingin ko sa lalaking mahimbing natutulog habang nakaharap sa akin, si Manuel. Hindi naman siya gaanong malapit sa akin dahil malaki naman itong kama niya at may malaking unan din sa pagitan namin na kung saan ay ako ang naglagay nito.
Payapa ang mukha nito na tila'y isa siyang anghel na natutulog taliwas naman sa ugali nito kapag gising. Aaminin kong may maamo itong mukha katulad ng kanyang kuya na si Miguel. Minus pogi points nga lang siya dahil wala siyang sense of humor at palagi ding seryoso sa buhay o di kaya ay magagalitin.
Sumagi din sa isipan ko yung nangyari kahapon na kung saan ay hinalikan niya ako sa harap ng maraming tao. Alam ko namang ginawa niya lang iyun para matigil na yung usap-usapan pero hindi pa din ako makapaniwala na sa ganuong paraan niya yun gagawin.
Maging nga siya ay nagulat sa ginawa niya at matapos ako nitong halikan ay hindi na siya nagsalita pa. Maging ako din ay hindi din makatingin sa kanya dahil sa pagka-ilang sa ginawa niya. Dumiritso na din kaming umuwi at hindi na kumibo sa isat-isa hanggang sa mauna nalang akong matulog matapos kong makausap si Ginang Laura.
Napahawak nalang ako sa pisngi ko ng makaramdam ako ng pag-init dito at agad na napaiwas ng tingin kay Manuel na mahimbing pa ding natutulog. Sa totoo lang ay nahihirapan na akong muli na bumalik sa pagtulog dahil na din sa pagsakit muli ng katawan ko at pagsakit ng ulo ko.
Muli akong napabuntong hininga at mahinang umusal ng 'sana all' kay Manuel na ngayon ay mahimbing na natutulog. Hayst.
"Maglilihi ang iyong asawa kapag hinakbangan mo ito habang natutulog. Sinasabi din ng ilan na maililipat sa kanya ang lahat ng nararamdaman ng buntis kung kaya't mag-ingat ka't huwag mong hakbangan si Señor"
Nanumbalik sa aking isipan ang sinabi kagabi ni Ginang Laura na kung saan pinangaralan ako nito tungkol sa mga dapat kong iwasan sa aking pagbubuntis. Agad na gumuhit sa aking labi ang pilyang ngiti ng pumasok sa isipan ko ang isang ideya.
Dahan-dahan akong napatayo sa kama at agad na humakbang kay Manuel ng tatlong bises katulad nga ng nasabi sa akin ni Ginang Laura. Sinikap ko ding hindi siya magising upang maging mabisa ang ginawa ko.
Batid ko namang mga pamahiin lang iyun ng matatanda at walang pawang katotohanan pero ano naman ngayon diba? Wala namang mawawala kung mag try ako. Sobrang hirap din kaya ng pinagdadaanan ko tapos itong si Manuel tamang chillax lang, diba wow. Kaming dalawa yung gumawa pero ako lang ang naghihirap.
Marami pang nabanggit sa akin si Ginang Laura kagabi, kesyo daw huwag akong umupo sa hagdan dahil sinasabi na mahihirapan sa panganganak kapag umupo raw rito ang buntis.
Huwag din daw akong maligo ng malamig na tubig o maligo sa gabi sapagkat makakukuha daw ng lamig ang anak ko. Hindi naman ito totoo dahil binabalanse ng amniotic fluid ang temperatura sa loob ng sinapunan ng babae. Ang totoo pa nito mas madalas na may pakiramdam na mainit ang mga buntis dahil sa tumataas na amount ng dugo na prino-produce ng katawan nito.
Huling kabilin din nito na huwag ko raw paglihian ang mga pangit na tao, kakaibang bagay, pagkain, o hayop sapagkat magiging resulta daw nito ng pagkakatulad sa aming magiging anak at magkakaroon ng depekto kung kaya't hindi ko napigilan na matawa sa kalagitnaan ng usapan namin kagabi.
Usong-uso talaga lalo sa probinsiya yung mga pinaglihi sa palaka, sa isda, sa manok na pansabong, at kung anu-ano pa. Pati yung mga pinaglihi sa champorado kaya maitim, sa singkamas kaya maputi, sa rambutan kaya kulot. Hindi na siguro kailangan pang ipaliwanag na walang kinalaman ang nakita, kinain, tiningnan o kinahiligang tao, bagay o hayop nung nagbubuntis, sa magiging itsura o kapansanan man ng magiging anak.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...