HINDI ko maalis ang tingin sa lalaking nasa harapan ko ngayon habang pinupunasan nito ang kanyang buhok na basang-basa sa ulan.
Simula sa kanyang mga mata, ilong at hugis ng mukha ay kasing-tulad talaga niya si Manuel. Maging ang hubog ng katawan nito na ngayon ay nababakas dahil sa kanyang pagkabasa.
"Staring is rude, miss" saad pa niya pero hindi pa din ako tumigil sa pagtingin sa kanya.
Physically, they look the same and I'm afraid to know him more, I might end up disappointing myself for comparing him to Manuel.
achooo!
Mabilis akong napatakip ng bibig at ilong ng mabahin ako sa harapan niya. Basang-basa din ako habang nakapalibot sa akin ang tuwalyang kanyang binigay ng papasukin niya ako sa loob ng mansyon.
Everything looks the same, the way kung nasaan yung sala, banyo at kwarto. Mas inupgrade lang nila ang disenyo nito ngayon.
"Bakit ka pala nasa labas ng bahay namin" dinig kong tanong niya habang may kinukuha. Even their voice are the same.
"O' hito. Magpalit ka muna ng damit at baka magkasakit ka pa. Saad nito sa akin sabay abot ng mas malaking tuwalya at isang damit.
Why do he care? Does he also remember me from the past?
Hindi na ako nakapagsalita at sa halip ay agad ng pumunta sa banyo. Matapos kong maligo ay napatingin ako sa damit na kanyang binigay. It was a dress that perfectly fits to me kung kaya't hindi ko mapigilan na mag overthink habang suot ito.
Pagkalabas ko sa banyo ay agad ko siyang hinanap ng tingin. Nakaupo ito sa sala na siyang napatingin din sa gawi ko habang umiinom ng kape.
"May asawa ka na ba" hindi ko na alam kung naging tanong ba yung tono ko basta ang nararamdaman ko lang ngayon ay pangamba sa kanyang magiging sagot.
Nabulunan ito sa biglaan kong pagtanong kung kaya't patakbo akong napalapit sa kanya para ibigay ang pamunas. Bakas ang pagkailang nito sa akin habang umuusog sa pag-upo matapos akong lumapit sa kanya.
"What kind of question is that?" Pilit siyang tumawa sa harapan ko pero nanatili pa din akong seryoso habang nakatingin sa kanya.
"Do I need to search on google about what kind of structure does those question is?" inis kong saad sa kanya. Hindi ko na tuloy napigilan na mag Ingles na din dahil sa kanyang tugon.
Napatikhin siya sa naging tugon ko at muling napatingin sa akin. "Ehem! Wala akong asawa at hindi din ako naghahanap" tugon niya muli habang umiinom ng kape. Napansin ko din na may isang tasa din ng kape sa harapan ko.
Hindi ko nagustuhan ang huling sinabi niya. It feels like na iinis siya ngayon sa presensiya ko. I am that annoying?!
"Bakit, nag aapply ba ako?" inis ko siyang tinignan kung kaya't nagulat pa ito sa sinabi ko. "Did I say something? Why so defensive" tugon pa niya kaya agad ko siyang inirapan
Muli kaming natahimik at tanging ang malakas lang na buhos ng ulan sa labas ang umalingawngaw. Hindi ko akalain na sa una naming pagkikita ay magkakainisan agad kami. This isn't the scene I imagine when I meet him again.
"Pasensya na nawalan lang ako ng control sa aking sarili. Naguguluhan kasi ako sayo" binasag niya ang katahimikan kung kaya't tinaasan ko siya ng kilay dahil sa sinabi nito.
"Kasalanan ko pa?" hindi na siya tumugon at sa hali ay kinuha muli ang kanyang kape at ininom ito.
"I can't believe that we are having an argument on those small things kahit na hindi pa tayo magkakilala" natigilan ako sa sinabi niya. My guess was right, hindi niya ako naaalala. I'm such a fool to believe na makakatagpo ko muli si Manuel gayong wala na talaga siya.
BINABASA MO ANG
Changing Fate (Trapped in time)
Historical FictionSabi nila karamihan daw na ating tinatamasa sa hinaharap ay may kaakibat na kabaliktaran sa ating naging buhay sa nakaraan. Ngunit papaano kung isang araw pag gising mo iba na pala ang mundong iyong ginagalawan? Isang mundo na kung saan nagsimula an...