Chapter 12- Tres

4.7K 175 16
                                    

Athena's Point of View..

....

"Psst.." ugh! Kanina pa sila sitsit ng sitsit at kulit ng kulit sa'kin.. nakakinis na. Hindi ako makapag-aral mabuti. "Psst.. suplada!"

"Ano ba yun James ha?"

"Suplada mo naman. Bakit ba ang high blood mo ngayon? Bakit, wala si Tristan?" Sabi naman ni Drew.

Ugh!! Sa kamalas malasan nga naman katabi ko pa 'tong apat na 'to. Buti nalang talaga mahaba yung pasensya ko at natitiis ko silang lima. Dahil kung hindi napagsasapok ko na silang apat. Nakakainis lang kasi si Bethina sa unahan nakaupo.. haha, ayaw daw kasi syang katabi nila Drew at James. Mga kupal talaga eh. Tapos yung iba kong mga kaklase tanong ng tanong kung kapatid ko daw ba talaga si Kuya jared. Syempre sabi ko 'oo' ambilis talagang kumalat ng balita eh. Lagi nila 'kong inaasar na chismosa, eh.. sila naman pala yung mga chismosa!

"Good morning class.. wala ngayon si Mr. Ong, dahil may sakit daw sya sabi ng tito nya." Sabi ni Ms. Gonzales, swerte namin kasi si Ms. Gonzales pa din yung adviser namin kahit masungit! "Ms. Salveda, maayos ka na ba? Nabalitaan ko ang nangyare. Sa susunod mag-iingat ka. At hindi lang sya, laht kayo class.. maliwanag ba yun?" Sabi ni Ms. Gonzales.

"Yes Ma'am" sigaw nung apat na kulugo na katabi ko.

"Maaga 'kong tatanda dito sa limang 'to eh.." mahinang sabi ko.

"Hoy athena.. anong sinasabi mo dyan?" Sabi ni Steven. "Nababaliw ka na ba?!"

"Wala kang pake!"

"Hoy baby athena.. bakit ka ba nagkakaganyan? Taray mo masyado!" Sabi ni kuya.

Yung upo kasi namin.. si Drew sa kaliwa ko. Tapos si kuya sa kanan. Si Steven naman katabi ni kuya, haha bantay sarado talaga.. babaero eh. Tapos si James naman katabi ni Drew. Tapos syempre ako, nasa gitna lang naman.

"Kuya.. bakit ba kasi dito pa kayo umupo?!" Bulong ko.

"Baby Athena pala" sabay sabay na sabi nila Drew, James, at Steven.

Wait speaking of steven.. hindi pa nga pala maayos yung kapatid nya, si Karina. Hindi pa din sya nagigising. Kaya naman alalang-alala na kami. Pero sabi naman nya na 'wag ko daw sisihin yung sarili ko dahil wala naman daw talagang may gusto sa nangyare. Kahit mean pala yung si Steven eh.. may puso din talaga! Pero si Monster, hindi ko na ulit sya nadalaw ulit simula nung mahuli kami nung kuya nya na magkasamang natutulog.. and take note, magkayapos kami! EWWWW. Hindi ko alam kung pa'no nangyare yun.. pero, EEWWW!!! Choosy ba masyado? Pero ayoko sa kanya!!!

"Ewan ko sa inyo" sabi ko sa kanila at nakinig nalang ako kay Ma'am.

Bigla naman tumayo si kuya at yung mga kupal na tropa nya at lumabas sila ng room. Mga mag-cucutting na naman. At sa harap pa ng teacher talaga sila umalis ha. Mga mean boys nga sila. Ang titigas ng ulo!

'Pagkatapos ni Ma'am Gonzales, si Sir Reyes naman ang dumating.. teacher namin sa Math. Yey, favorite subject ko na. Pero nagkwento lang sya.. hindi sya nagturo. Halos lahat naman ng teacher namim kinamusta 'ko pati si Tristan tinatanong nila sa'kin.

'Pagkatapos naman ng klase nagyaya si bethina sa canteen pero wala akong ganang kumain sa canteen eh. Naisip ko na umuwi nalang muna para do'n na kumain ng tanghalian.

"Ayaw mo talaga bestie?" Sabi ni bethina. Kulit nya din eh noh!

"Nakakailang tanong ka na bestie" taas kilay kong sabi. "Tsaka babalik naman ako mamaya eh. Uuwi lang ako, para na din makapagpahinga naman noh" sabi ko.

"Okay.. mag-ingat ka ha." Sabi nya at sumama nalang sya kila veronica, mga super nerd sa school namin.

--

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon