Athena's Point of View..
....
"Lakasan mo kasi.." nasa harap kami ng bahay ngayon ni Kar, may sakit pala sya kaya hindi sya nakakapasok. Hinaharana nya si Kar, eh napakahina ng boses nya. Kung anong kinalaki at katapang nyang lalaki sya namang hina ng boses nya.
"Ikaw kaya dito.." sabi nya.
"Effort, yan ang masasabi ko. Kaming mga babae basta makita namin na nageeffort kayong mga lalaki, masaya na kami at mas naaappreciate namin yung sorry nyo" sabi ko.
"Okay, eto na. Daldal eh" sabi nya.
Halos tatlong oras na kaming naghihintay na lumabas si Kar ng bahay nila pero bigo kami.
"Kasalanan mo 'to eh." Sabi nya. Ang kapal talaga nya. Kung waka lang akong atraso sa kanya eh baka bunatukan ko na sya. Buti nalang walang pasok ngayon at nakakalakwatsa ako.
"Bakit ba lagi nalang ako!" Sabi ko.
"Ikaw kaya nag isip ng plano na 'to" sabi nya. "Tsaka chismosa ka kasi" aray ko naman.
"Kasalanan ko ba kung pangit yang boses mo" sabi ko sabay tumawa ko.
"Tara na" sabi nya. Pangit naman talaga boses nya kaya gusto nya ng umalis. If i know, kaya hindi lumabas si Kar kasi napangitan sya sa boses ni Tristan.
"San tayo pupunta?" Sabi ko.
"Uuwi na" sabi nya.
"Ayun na yun? Wala ka ng gagawin? Pano ka babalikan ni kar kung sumusuko ka kaagad?" Sabi ko.
"Bukas nalang, baka pagod pa yun" malungkot na sabi nya.
Kung tutuusuin nakakaawa talaga yung mukha nya. Para syang maamong pusa kapag malungkot sya, wag mo nga lang syang gagalitin nako siguradong magiging tigre o lion yun!
"Okay.." sabi ko.
"Uuwi ka na ba?!" Sabi nya.
"Kung wala ka ng gagawin?" Sabi ko.
"Samahan mo 'ko" aba makademmand sya kala mo personal assistant nya ako. Pero sige, cute naman sya eh. Walang masama don, cute lang pero wala akong gusto sa kanya noh, never in my peaceful imagination! itaga mo pa sa stone!
"Saan naman tayo pupunta? Baka dalin mo ko sa kung saan ha" sabi ko.
"Sa mall, mamimili tayo" sabi nya.
Bakit nya pa 'kong gustong isama sa mall? Para maging taga bitbit ng mga pinamili nya?! Impakto talaga sya! Kung wala lang akong atraso sa kanya eh, hindi ko gagawin ang lahat ng 'to. Nasira na yung dating tahimik kong buhay. Lahat na nagbago, dati naman normal lang yung buhay ko, pero simula nung magbreak sila nagkandaleche leche na yung buhay ko. Naging Athena pa tawag nila sakin. Halos lahat na din ng estudyante sa school namin kilala na 'ko.
Simple and normal student, yun lang naman ako eh, kahit itsura ko simple lang. Hindi gaanong kayaman sa pananamit. Pero maganda naman ako eh, yun nalang yung panlaban ko sa kanila! Ako si Athena /slash/ Aphrodite! Wahaha
"Huy.. ano sasama ka ba?" Nagising ako ng magsalita sya, na preoccupied pala ako. Natatawa kasi ko sa mga naiisip ko eh. "Stupid"
"Oo na, makastupid ka dyan. Halika na!" Sabi ko at pumasok na ko sa kotse nya.
"Usod" kita mo 'to, wala talagang galang, babae ko noh, babae ko, makapagpatabi lang wagas!
"Ang lawak lawak pa dyan eh" sabi ko.
"Uusod ka o iiwan kita dito?" Oo na eto na nga eh. Mean talaga eh, ano pa bang aasahan mo sa isang mean boy? Edi mangbully, leche.. mabilis akong tatanda nito eh.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...