Chapter 46- Disband

2K 97 30
                                    

Jared's Point of View..

----

"Bakit ba nagka-meeting ngayon Jared huh?!" Si James.

"May lakad ba tayo o may balak kang magpaparty dahil sa panalo natin? Tapos MVP pa si kupa!" Sabi ni Drew at inakbayan pa si Tristan.

Pareho naman kami ni Tristan na walang imik. May namamagitang hidwaan saming dalawa ngayon eh. At ngayon ko na yun gustong tapusin.

"Ano, walang imikan tol? Ano bang nangyayare sa inyong dalawa?" Si Steven. Umupo pa siya sa sofa bago siya nagsalita ulit. "Magkagalit ba kayo? Hindi naman kayo ganyan dati ah"

"Hindi.." nagsalita na din si Tristan. Hunyeta! Hindi kami magkagalit? Tan*na lang niya! Sa lahat ng gagaguhin niya, kapatid ko pa!

"Buwagin na natin 'tong grupo na 'to. Wala na 'tong magandang maidudulut sa'tin. Mag-gagaguhan lang tayo. Tutal ga-graduate na din naman tayo eh.. baka magkahiwa-hiwalay na tayo," sabi ko. Lahat naman sila nakatingin lang sa'kin. Yung tingin  na parang gusto nilang tumawa dahil hindi sila naniniwala sa mga sinasabi ko! Pero seryoso ako do'n. Hindi ko gusto na tinatarantado ako, kahit kaibigan ko pa yun!

"Ano ba talagang problema mo?" Nakaambang sabi sa'kin ni Tristan. "Kahapon ka pa eh. Ano bang gusto mong palabasin huh. Bubuwagin mo 'to? Bakit, anong karapatan mo? Ako ang leader kaya ako ang magsasabi kung kelan ko gustong buwagin 'to. Ngayon walang aalis sa grupo! Ang labo mo eh.." sabi ni Tristan! Tan*na 'yan! Ako pa malabo?

Inambaan ko din siya nang suntok pero pinigilan na kami nung tatlo.

"Ano 'to mga tol? Bakit kayo nagaaway? Tsaka, ano yung sinasabi mong hiwahiwalay na tayo?" Si Steven. Pumagitan na siya samin ni Tristan. "Ano 'to, gagayahin pa natin ang One Direction? Magwawatak-watak na din?"

"Tanungin niyo kasi yang magaling na leader natin" sabi ko at umupo na ulit sa sofa.

"Hindi ka nga maintindihan ni Tristan, Jared eh. Linawin mo nga kasi, puro kayo arte eh!" Sabi ni James.

Lahat kami um-absent sa klase namin. Pero ako, kahapon pa 'ko absent! Tan*na lang. Nabubuiset ako sa mga pinag-gagawa ni Tristan eh. Tapos plus pa na may sakit si mama at mas lalo pang lumalala.

Mahinahon namang lumapit si Tristan sa'kin at hinarap ako, "Ano ba kasing problema mo bayaw?" Bayaw? Kalokohan!

"Basta, kung gusto mo pang manatiling buo 'tong grupo natin. Gawin mo yung hihingin kong pabor sa'yo" sabi ko na hindi nakatingin sa kaniya. Nakatingin lang ako sa kawalan. Ayoko kasi sanang gawin 'to, pero sa bandang huli kasi.. alam ko na si Athena ang masasaktan.

"Anong pabor 'yun?" Sabi niya.

"Hiwalayan mo si Athena.." halos lahat naman sila nagulat na naman! Uso talaga sa grupo namin yung mga nagugulat. Daig pa babae eh!

"Pero Jared" si Drew. Kita ko sa mga mata niya yung pagkalito sa mga nangyayari. Lalo pa siya ang pinaka bunso sa grupo.

Tapos si Steven naman hinawakan lang ako sa braso ko tsaka niya 'ko kinausap.

"Jared, ano bang problema? Niloko ba ni Tristan si Athena? Ayusin niyo ng maayos 'to.. hindi yung ganito." Sabi ni Steven. Mas kuya pa talaga siya sa'kin eh.

Tumayo ako para kwelyuhan si Tristan tsaka ako nagsalita, "Ito ang tatandaan mo Tristan huh! Kapag ipinagpatuloy mo pa 'tong ginagawa mong paglapit sa kapatid ko at nasaktan siya.. kalimutan mo nang naging kaibigan kita!" Galit na galit na sabi ko.

"Si Celin ba? Kinausap ka ba niya nung game natin?" Tanong sa'kin ni Tristan. Sa wakas, sinimulan niya din.

"Oo, at mabuti nalang nakausap ko siya. Nalaman ko yung mga kababuyan at kagaguhang ginawa mo nung nasa America ka. Tsaka may sinabi din siya sa'kin na may nangyari---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang biglang may pumasok sa rooftop.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon