Chapter 27- Palawan

2.7K 120 2
                                    

Hindi ako nagbago. Narealize ko lang na nagiging tanga na pala ako.- Athena

....

"Handa na ba lahat?" Sabi ni Steven! Nung una ayaw niya pangsumama.. tapos ngayon parang mauubusan ng eroplano sa pagka-excite! "Kumpleto na ba?" Sabi niya pa.

"Kulang pa tol" sabi ni Drew.

"Wala pa si Tristan at Karina" sabi naman ni James. Si Bethina nakapangsummer attire na agad. Hindi naman halatang excited siya!

"Sila na ba ulit?" Tanong sa'kin ni Drew. Aww..

"Hindi ko alam. Tara na, dun nalang natin sila hintayin sa loob" sabi ko at lumakad na papasok ng airport. Nakakabadtrip kasi si Drew eh. Nagtanong pa ng ganon!

"Wait lang Bestie!" Hinabol ako nila Bethina at Chantell. Sila Kuya naman mga naglalakad lang. Kasama na naman niya yung babae. Ewan ko ba kay Kuya, girlfriend niya yata yun eh. "Bakit ba ang taray mo ngayon? Red alert teh!" Sabi niya pa. Tinignan ko lang siya tapos inirapan. Ewan ko ba, ang taray ko ngayon! Wala naman ako ngayon, pero masakit yung puson ko. Hunyeta!

Wala ako sa mood hanggang sa dumating si Tristan. Ewan ko ba.. simula nung kahapon tinamad akong pausapin o makita siya. Pero kailangan eh.. sabi kasi ng lola niya!

"Tol!" Niyakap ni Drew si Tristan. Nakakatawa talaga sila. Parang mga bakla eh.

"Kamusta ka na?" Si Bethina at inakbayan niya. Hmp, ano naman! Buiset!

"Yari ka sa'kin mamaya Bethina!" Bulong ko sa isip ko.

"Okay lang naman fafa Tristan!" Sabi niya. Ako naman kay James umakbay.

"Gwapo natin James ah," sabi ko. Si Steven naman hindi kasama si Cheska. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya natatanong kung anong nangyare sa kaniya nung isang araw.

"Nambola ka pa" kinurot niya yung ilong ko. Si Chantell naman mukhang napapalapit na kay Drew. Haha! Si Ricko hindi nakasama.. gawa ng lola niya, walang kasama! Pero susunod daw siya 'pag dumating na yung tito niya. "Haha! halika na!" Tumakbo si James na parang bata. Ang daming nakatingin kay James. Para kasing bata.

Pagkapasok namin naupo na agad kami. VIP yung ticket na binigay ng lola ni Tristan kaya alagang-alaga kami. Susyal nga ng airport nila James eh. Parang pang-ibang bansa.

....

....

Pagdating namin sa beach na pupuntahan namin daretso agad kami sa kwarto ng bawat isa. Napagkasunduan na dala-dalawa kada kwarto. Kami ni Bethina ang magkasama, tapos si Drew and James sa dulong kwarto, tapos si Chantell at Pia sa kabilang kwarto. Pinipilit pa nga ni Kuya na magkasama nalang sila ni Pia sa kwarto eh. Pero syempre hindi kami pumayag. Mahirap na noh.. baka makabuntis si Kuya ng hindi oras! Tapos si Steven at Tristan sa katabi naming kwarto tapos si Kuya sa iisang kwarto.

"Bestie ang ganda dito noh" sabi ni Bethina na nililibot pa yung parang kubo naming kwarto. Sobrang astig, ngayon lang ako nakakita ng ganitong kwarto. Para siyang bahay sa mga probinsiya.

"Sinabi mo pa. Na-search ko na 'to kahapon sa internet. Tsaka mas maganda siya kesa sa brochure na nakita ko" sabi ko at inilapag yung bag na dala ko.

"Swimming na tayo. Ready na yung bathing suit ko," sabi niya at inilabas pa yung two piece nya na kulay yellow orange. "Ikaw, magpalit ka na rin" sabi niya.

"Hindi na. Ayoko pang magswimming. Dito nalang muna ako" sabi ko.

"Bakit naman? Tristan again? Ano ka ba.. wala naman si--" hindi ko na siya pinatapos magsalita.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon