Isa sa pinakamahirap na sitwasyon ay yung pigilan ang pagtulo ng mga luha mo sa kagustuhan huwag ipakita ang totoong nararamdaman mo.- Athena
....
Athena's Point of View..
"Bestie, si Tristan at si Ricko.. nag-aaway sa baba!"
Pagkarinig ko palang sa sinabi ni Bethina, nagmadali na 'kong bumaba para hanapin kung sa'n nag-aaway yung dalawa!
"Bethina nasan sila" sabi ko na alalangalala. "Ano Bethina."
"Saglit, 'di ako makahinga.. nandun sila sa malapit sa exit" sabi niya. Mabilis naman akong tumakbo papunta sa exit. Pagdating ko dun ang daming nakikielam. May mga nagpupustahan, may mga nagsisigawan lang. Agad akong lumapit sa kanila pero hindi sila nagpapaawat.
"Tama na," sabi ko pero patuloy pa rin sila na nagsusuntukan. Si Tristan ang lamang. "Kuya awatin niyo yung dalawa!" Lumapit ako kay kuya at kinausap siya.
"Wala tayong magagawa diyan sa dalawang yan. Matindi pa sa lion yanh dalawa eh.. pabayaan mo nalang!" Sabi ni Kuya. Whut?
"Pero.." hindi ko na natuloy ng iiwas ako ni Kuya dahil sa ibinatong bite ni Ricko. Muntik ng tumama sa'kin. Dahil sa walang umaawat sa kanila ako nalang ang gumawa ng paraan. Pumagitna ako sa kanilang dalawa. "Ano ba.. hindi ba kayo titigil na dalawa? Nakakahiya kayo.. bakit niyo 'to ginagawa?" Sigaw ko sa kanilang dalawa. Walang sumasagot, pareho lang matalas ang tingin nila sa isa't-isa. Tapos inilayo na nila Kuya si Tristan kay Ricko.
"Eh.. gag* kasi yan eh. Layuan daw kita! 'Wag na daw kitang kaibiganin!" Sabi ni Ricko.
"Pt*ng *na mo Ricko! Wala akong sibasabing ganon! Ang sabi ko 'wag ka nang manggugulo pa!" Sabi naman ni Tristan na nagpupumiglas sa paghawak sa kaniya nila Kuya. May dulo sa kaliwang labi niya. Si Ricko naman sa kanang mata niya mukhang may tama rin.
"Fvck you ka!" Sigaw ni Ricko.
"Tama na," hawak ko si Ricko sa balikat.
"Athena, halika dito!" Utos ni Tristan. Pero hindi ko magawa dahil kay Ricko na baka pagbinitiwan ko eh.. magwala na naman! "ATHENA!" Sigaw niya pa ulit.
"Dito ka lang," buling sa'kin ni Ricko. Para walang gulo pumunta ako sa gitna.
"Ano bang nangyayare sa inyong dalawa?" Sabi ko.
"Mamili ka.. ako o siya?" Tanong ni Tristan. Lumapit ako kay Ricko dahil akala ko susugod na naman siya. Bigla naman nakawala siya sa pagkakahawak nila Kuya. Tapos bigla siyang umalis, lumakad siya palayo samin na seryoso ang mukha.
"Bakit sa'kin ka pumunta?" Sabi ni Ricko pero hindi ko siya sinagot. Sinundan ko lang si Tristan. Pero wala na siya, hindi ko na siya makita sa paligid. Pero na'ndun pa yung motor niya. Hindi pa siya nakakalayo. Susundan ko pa sana siya kaso pinigilan ako nila Kuya.
"Dito ka nalang bako kung mapa'no ka pa. Okay lang yun si Tristan," sabi ni Kuya.
"Kuya, ano ba dapat yung isinagot ko kanina?"
"Tapos na yun. 'Wag na nating pag-usapan pa," seryosong sabi ni Steven. Nakakhiya naman sa mga kasama nila, nagkagulo pa. Sana hindi nalang ako pumayag dito sa plano nilang Bar Bar na 'to eh!
Pagkatapos nung pangyayare umuwi na kaming lahat. Kasabay ko na si Kuya at yung kaibigan niya daw. Pia ang pangalan. Well pasado naman siya sa'kin. Mabait naman at maaalalahanin. Pumasok na 'ko sa loob pero si Kuya nagpaalam pa na ihahatid niya pa daw si Pia. Hindi ako makatulog nung gabing yun. Si Tristan lang ang naiisip ko. "Naniwala kaya siya na si Ricko ang pinili ko?" Ang gag* mo Athena!
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...