Chapter 41- Noche Buena

2.2K 97 37
                                    

A/N: Sa mga nagtatanong po kung may Book 2, yes po! Haha, kahit kaonti palang yung reads okay lang! Feeling si author eh. Tsaka yung mga naiinis sa mga nangyare, haha.. sorrry po, yun po yung naiisip ko na plot simula sa una! :)

....
....

When you are happy, you enjoy listening songs but when you are sad, you understand the words- Athena

----

Athena's Point of View..

....

Hubby,

Anong silbi ng Pasko, kung wala naman yung taong mahal mo sa tabi mo? Hubby, miss na miss na kita. Korni mo naman eh, minsan ka nalang tumatawag sa'kin. Alam mo namang miss kita eh. Hubby, subukan mo lang akong ipagpalit sa mga mistisa diyan, kakalbuhin talaga kita! Behave ka diyan huh!

By the way, Hubby, may ipapakilala nga pala ako sa'yong kaibigan. Hihi, siya yung nagpumilit sa'kin na padalhan kita ng sulat. Lagi niya kasi akong nakikitang malungkot at umiiyak eh. Sabi ko nga sa kaniya ang korni ng sulat eh, ang baduy kaya. Meron namang text and call 'di ba Hubby.

PS: Merry Christmas Hubby!! Mahal na mahal kita.

Love,

Wifey

----

"Napadala mo na ba yung sulat mo, chubby girl?" Sabi ni Dominic. Nakakaasar siya! Lagi nalang chubby girl ang tawag niya sa'kin.

"Alam mo Dominic, nakakainis ka na. Please, stop calling me chubby girl. Sexy ko kaya!" Sabi ko sa kaniya.

"Sexy ka diyan! E ang takaw takaw mo sa ice cream. Wahaha" sabi niya sabay tumawa ng napakalakas.

Nasa bahay nga pala kami nila Dominic ngayon. Naghahanda kami para sa Noche buena mamaya. Napagalaman ko din na wala siyang kasama sa bahay. Busy din kasi yung both parents niya sa ibang bansa, para magtrabaho. Pero minsan may kasama naman siya, yung mga tropa niya, o minsan naman yung mga pinsan nya.

"Hoy! Hindi ako matakaw sa ice cream noh! Magluto ka na nga lang diyan!" Sabi ko at nilibot yung loob ng bahay nila. Malaki din naman yun, pero mas malaki lang ng kaonti yung binili ni Hubby, para samin. "Alam mo Dominic, sayang yang talent mo. Ang galing mo kayang kumuha ng mga litrato" sabi ko sa kaniya nung makita ko yung mga magagandang shots niya na nakasabit sa pader.

"Wala yan. Trip ko lang yan" sabi niya tapos nagconcentrate nalang siya sa pagluluto niya.

"Hindi noh, sayang talaga yang talent mo. Hayaan mo, pagbalik ko sa Manila, ihahanap kita agad ng raket do'n" sabi ko.

"Ayoko sa Manila chubby girl" sabi niya.

Tinignan ko lang siya ng masama, bago ko lumapit sa kaniya.

"Napakaarte mo! Tsaka mas okay nga yun eh, nandun kami. Magiging close ka din kila Kuya. Pleeeeeeeeease" I beg. Sayang kasi talaga yung talent niya.

"Pagiisipan ko" sabi niya tsaka niya kinuha yung phone niya at may tinext siya. Kanina pa yan nagtetext.

"Bakit ba kasi ayaw mo sa manila Dom?" Sabi ko tapos tinikman yung sauce ng carbonara, "Tsaka, babalik ka pa din naman dito eh" sabi ko.

"Wala, magulo sa Manila. 'Di gaya dito, tahimik na.. maaliwalas pa. Tsaka, ako lang ang gwapo" pagbibiro niya. Binatukan ko nga, "Aray! Bakit mo hinawa yun chubby girl?" Sabi niya.

"Mayabang ka na kasi eh" sabi ko.

Siya naman panay pa din ang pagtetext sa cellphone niya. Nakakainis, kausap niya nga ako, pero wala naman sa'kin yung atensyon niya.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon