Athena's Point of View..
....
"Kayo?" Yun nalang yung nasabi ko ng makita ko sila Fatima at yung dalawang kaibigan niya na laging kumokopya sakin ng assignment.
Si Fatima yung nanalo ng firsr place sa Ms. Campus. Sobrang tahimik at sobrang bait tapos gagawa pala ng ganitong kademonyohan!
"Sila nga yun Athena. At umamin na sila samin. Kaya naman hilahin mo na" sabi ni Drew at iniabot sakin yung tali. Nakasabit yung tatlo sa may flag pole. Isang higitan lang sa kanila eh.. tataas na sila sa pinakatuktok.
"Hilahin mo na Bestie" si Bethina. Medyo marami na ding Jacob's na nakapalibot samin.
"Sige na. Gumanti ka na diyan sa mga yan Baby Athena" sabi ni Kuya. Tumingin naman ako sa kaniya na parang 'Kuya, hindi ko kaya'.
"Hilahin mo na Athena. Walang masama sa gagawin mo" nakangiting sabi ni Steven. Sobrang dami ng tao sa paligid. Since, wala namang klase ngayong umaga dahil sa event eh.. nakakalabas ang mga studyante.
"Tulungan niyo kami. Athena sorry na. Hindi naman namin sinasadya eh. May nag-utos lang samin na gawin lahat ng iyon" sabi ni Fatima na umiiyak na ngayon dahil sa kaba. "Siya. Siya yung nagutos samin na gawin lahat ng 'yun" sabi ulit ni Fatima at tumingin sa may likod. Nakita ko naman yung isang babae pero bigla nalang nawala.
"Hilahin mo na.." malamig na sabi ni Tristan.
Gustuhin ko mang hilahin eh, hindi ko talaga magawa. Kilala ko si Fatima. Naging kaklase ko siya simula first year hanggang third year. Alam kong hindi niya gagawin yun, unless may nagutos talaga sa kaniya na napaka maimpluwensiyang tao.
Kaya ang ginawa ko eh, binitawan ko ng dahan-dahan yung tali. Walang salita ang lumabas sa bibig ko. Walang nagsasalita sa paligid.
"Halika na" hinila ko bigla ni Tristan at dinala 'ko sa may tambayan nila.
"Tristan anong ginagawa natin dito? Mamaya may klase na tayo" medyo histerical na sabi ko.
"Whaaaaaaaaaaaaaa" lumapit siya sa may malapit na pader at pinagsusuntok yun! "Ang gago mo Tristan! Wala kang kwentang boyfriend" sigaw niya habang suntok-suntok pa din yung pader.
Agad naman akong lumapit at inawat siya sa pagsuntok niya, "Tristan, tama na. Wala kang kasalanan" inaawat ko siya pero mas malakas siya sakin. Kaya hindi ko siya mapigilan at sinusuntok pa din niya yung pader tapos pinagsisipa yung mga gamit sa roof top.
"Gago ka Tristan! Wala ka pa ring kwenta hanggang ngayon! Tarantado ka! Wala kang kwentang boyfriend" sabi niya at pinagsisipa pa din yung mga gamit. Wala na kong ibang nagawa kundi umiyak nalang. Hanggang sa napagod na yata siya at naupo sa isang sulok.
"Okay ka lang ba? Ano bang nagyayare sa'yo?" Tanong ko sa kaniya tapos niyapos ko siya.
"Athena. Ang gago ko. Hindi manlang kita naipagtanggol sa kanila. Ako yun, ako dapat yung kasama mo lagi. Ako dapat yung sumasalo ng lahat ng ibinabato nila sayo" sabi niya na yumakap din sakin pabalik.
"Tristan wala kang kasalanan," amo ko sa kaniya.
"Pero yung kanina. Hindi ko na dapat ginawa yun. Hindi ko na dapat isinabit yung tatlong gumawa niyan sayo. Ang gago ko Athena! Alam ko naman na ayaw mo yung gawin ko 'di ba! Pero ginawa ko pa din" sabi niya tapos tinignan niya yung sugat niya sa kamay.
"Masakit ba? Halika dadalhin kita sa clinic," tumayo ako sa pagkakaupo namin. Pero bigla niya kong hinila ulit pabalik sa kaniya.
"Dito ka lang. Sa'n ka pupunta. Yakapin mo lang ako mawawala na 'to wifey!" Sabi niya sabay yakap sakin. Ako din gumanti na ng yakap sa kaniya. PDA masiyado. Haha. "Wifey, anong nagustuhan mo sakin? Lahat sila ang tingin sakin, masama, gago, walang kwenta. Pero bakit ikaw sinagot mo ko?" Sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...