A/N: Nasa media po yung picture ni Jolo! Salamat! :) si mini James Reid siya. Salamat din kay CecaniahCorabelleVBr siya nagbigay kay Jolo. Haha! Salamat
----
Wag na wag kang matatakot na mag-isa. Dun mo malalaman kung sino ang mag-eeffort para samahan ka- Athena
----
Athena's Point of View..
....
"Pa-- papa" utal na sabi ko nung makita ko si papa sa may pintuan ng isang room sa ospital.
Anong ginagawa ni Papa dun sa room? Bakit siya naandito? Tsaka bakit hindi siya nagpapakita o sinabi samin na naandito pala siya.
"Papa" bumaba si Jolo at niyapos si papa bigla.
"Juro, anak.." sabi ni papa kay Jolo. Juro? Papa? Ano 'to, magkapatid kami ni Jolo? "Sa'n kaba galing bata ka?" Sabi ni papa tapos dahan-dahang tumingin sa'kin.
"Papa.." sabi ko ulit, pero nakatingin lang sa'kin si papa. Walang salita o ingay ang lumalabas sa bibig naming dalawa.
Bakit ba kasi papa lang yung nasasabi ko? Ano ba kasing problema?!
"Athena, anak--" hindi na natuloy yung sasabihin niya nang biglang may sumigaw sa pangalan ko.
"ATHENA!!" sigaw ni Hubby. Hapong-hapo siya nung makalapit samin. Tapos galit na galit yung tingin niya kay papa. "Bakit ba kayo nandito wifey huh? Tsaka sino siya? Bakit nasa kaniya si Jolo?" Sunud-sunod na sabi ni Tristan.
"Papa.." si Jolo at yumakap pa kay papa.
"Pwede ba tayong mag-usap Joey?" Sabi ni papa sakin at umupo siya sa may mahabang upuan sa ospital. Kalong-kalong niya pa din si Jolo at nakayakap sa kaniya.
Kailangan malaman ko na ang lahat. Kailangan kung malaman kung bakit siya naandito at bakit siya tinatawag na papa ni Jolo. At bakit Juro ang tawag niya sa bata. Bata pa 'ko nang huli kong makausap si Papa. Hindi naman kasi sila palaging nauwi ni mama eh. Palagi lang silang nasa Canada, para samin. Tumatawag, nagpapadala, nangangamusta, usual na ginagawa nila dati. But these past four months, hindi na sila tumatawag o nagpapadala samin. Inakala ko lang na may kailangan silang asikasuhin o bilhin, pero eto na nga.. nakita ko na si papa dito sa isang ospital sa kabilang bayan. Fvck, bakit 'di ko magawa manlang na kamustahin o yakapin siya? Bakit ganito yung nararamdaman ko, feeling ko niloloko nila 'ko.
"Wifey, sino ba yan? Bakit binigay mo sa kaniya si Jolo?" Tanong sakin ni Hubby.
"Magtiwala ka lang.." sabi ko at umupo na 'ko sa tabi ni papa. Gusto ko na siyang yakapin, pero tinatagan ko para makapag-usap kami nang maayos. Dahil kapag ginawa kong maging mahina eh.. mawawalan lang ako nang gana na makipag-usap sa kaniya.
"Papa, sino po ba si Jolo, bakit ka niya tinatawag na papa?" Tanong ko kay papa. Tumingin siya kay Jolo at hinawakan ang kamay nito. "Kapatid mo siya Joey. Nawala siya nung bumalik kami dito sa Pilipinas ng Mama mo," hinimas niya naman yung buhok ni Jolo.
"Pero, paanong?"
"Dito sa ospital na ito. Dito siya nawala. Hinanap namin siya ng mama mo kung saan-saan, pero hindi namin siya nakita. Naireport na rin namin sa mga pulis, pero wala silang aksyon na ginawa. Alam mo naman siguro kung paano magpatakbo ang mga pulis dito sa atin 'di ba anak. Hindi kagaya sa ibang bansa." Sabi ni papa.
"Pero bakit hindi niyo na siya hinanap pa sa ibang lugar" tanong ko.
"Kasi natakot kami ng mama mo. Natakot kami na makita niyo kami ng Kuya mo o ng tito at tita niyo" sabi ni papa.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...