Chapter 31- First Kiss

3.4K 128 20
                                    

A/N: Okay lang po ba yung bagong cover o papaltan ko ulit nung dati? Suggest kayo guys, tanong din kayo sakin. Sarap kasi na may nababasa 'kong mga comments niyo. #ATHAN ba o #AVEN o #AICKO? Pili kayo ng gusto niyong makatuluyan ni Athena!

....

Masarap sa pakiramdam na kahit sobrang nahihirapan kana sa dinaranas mong problema may isang tao parin na handang damayan at samahan ka- Athena

----

Athena's Point of View..

....

"Tristan kamusta na siya?" Sabi ko kay Tristan. Kakadating ko lang ngayon sa Ospital eh. Nagpaturo pa kasi akong magluto ng broth at adobo kay Tita. Aba, favorite ko kaya ang adobo! Kailangan matikman din ni Madam yun.

"Natutulog siya eh. Napagod daw sabi nung Family Doctor namin kaya na-high blood. Pero 'wag ka nang mag-alala. Okay na siya" sabi niya at inayos yung sofa tapos nahiga siya.

"Mabuti naman" sabi ko tapos ipinatong ko yung dala kong pagkain sa mini table na nasa katabi ng kama ni Madam Ong, "Ah Tristan, may dala nga pala kong kaunting pagkain para kay Madam" sabi ko pero nakapikit lang siya.

"Sige lagay mo lang diyan" sabi niya.

"Okay ka lang ba?" Sabi ko at medyo lumapit sa kaniya.

"Medyo masakit lang yung ulo ko. Pero okay lang 'to.. kaya ni Tristan Ong 'to. Gwapo ako eh!" Sabi niya. Ang yabang niya talaga. Pero ang cute. Namiss ko yung kakulitan at kayabangan niya.

"Ang yabang mo noh" sabi ko at hinampas ko siya sa braso. Kaya lang nung dumampi na yung kamay ko sa braso niya, parang may iba.. ang init niya sobra. "Huy Trisan may lagnat ka ba?" Sabi ko at hinipo yung noo niya. Patay! Sobrang taas ng lagnat niya. Tsk.

"Gwapo! Gwapo! Eh, nilalagnat ka na nga diyan eh" sabi ko tapos umupo sa harap niya, "Nasan ba sila, bakit hindi sila yung magbantay dito.. Okay ka lang ba?" Exagged na sabi ko tapos tumayo ako mula sa pagkakaupo, "Sandali lang, tatawag ako ng Doctor" sabi ko pero bigla niya hinawakan yung kamay ko.

"Huwag Please. Dito ka lang!" Chill na sabi niya. Ay hindi pala, nagchi-chills na sabi niya. Nataranta naman agad ako pero, "Dito ka lang p-pl-please" nanginginig niyang sabi.

"Oo dito lang ako. Matulog ka na" sabi ko nalang at umupo sa sahig tapos pinagmasdan ko lang siya habang nakapikit. Nakakainis, kasi yung mahahaba niyang pilik mata parang tinatawag ako. Lalo na yung mala baby lips niya. Grabe.. ako yata yung lalagnatin sa nakikita ko eh.

"Baka matunaw ako niyan" sabi niya bigla. Nakatingin na pala siya sakin. Nakakahiya! Namumutla yung buong mukha niya. Pati yung kamay niya. Ano nang gagawin ko? "Huwag kang aalis. Okay lang naman na titigan mo 'ko eh. Nag-iinit nga ako eh" medyo mahalay na sabi niya.

"Ang baboy mo! Matulog ka na nga lang diyan" bigla siyang umurong ng konti tapos..

"Higa," nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Ako hihiga sa maliit na sofa kasama siya? No way! "Higa sabi eh" kalmadong sabi niya pero nay awtoridad sa pagkakasabi nito.

"Hindi tayo kasy dyan" sabi ko.

"Basta higa" sabi niya pa rin. Kaya wala na 'kong nagawa kundi humiga sa tabi niya. Nung una naka-straight lang yung higa namin, pero bigla nalang siyang yumakap at bumulong sa'kin, "Salamat baby girl" sabi niya tapos nakita ko nalang na Patay na siya! Joke, tulog lang siya! Wahaha

Habang natutulog sila ng lola nila. Ako naman hirap na hirap sa pwesto ko. Parang bangkay na nakahiga tapos may nakayakap pa sa'yo sa iisang napakaliit na sofa. O diba ang sexy ko, nagkasya kami ni Tristan sa iisang sofa ng nakahiga eh. Sobrang taas pa din ng lagnat niya. Gusto ko man tumawag ng Doctor o kumuha ng basang bimpo eh, hindi ko magawa, dahil sa higpit ng yakap niya sa'kin.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon