Kung ang galit at inis mo ay walang dahilan.. SELOS ang tawag diyan!- Athena
....
Athena's Point of View..
"Athena! Athena!" Hanggang sa makapasok kami sa school, sigaw pa rin sila nang sigaw!
"Athena for the win!" Sigaw ni James.
"Whooooo" sigaw naman nilang lahat! Wala rin si Steven, malamang kasama nila Tristan at ni Karina. Supportive kuya kaya yun!
....
Dumaretso kami sa room para ayusan ako. Si Chantell todo cheer pa din sa 'kin. Parang hindi lang kami nagkatampuhan ah! Si Ricko din naandon kaso napakatahimik, daig pa babae eh!
"Ah.. Joey. Kaya mo yan! Nandito lang kami!" Hinawakan ni Ricko yung kamay ko nang kami nalang dalawa sa room. Hinintay niya pala 'ko bago lumabas. Lahat na kasi pumunta sa gym. Even si Bethina at sila Kuya.. baka daw kasi maubusan sila ng mauupuan. "Alam ko na may gumugulo ngayon sa 'yo.. pero, gusto ko 'wag mo munang pangunahan yang sakit sa puso mo," sabi niya. OA niya ngayon. Ano kayang nakain nito!
"Salamat, Ricko!" Niyapos ko siya bago kami pumunta sa gym. Pero habang naglalakad kami nakasalubong namin yung mga mean girls.
"Hay nako.. nagkabalikan na pala ang isang chismosa at isang ex convict!" Sabi ni Denies na nakapamewang pang nakaharap samin. "Alam mo.. kung ako sa 'yo, layuan mo na yan! Baka mapatay ka pa niyan!" Sabi niya!
"Wahaha.." nagtawanan naman bigla yung mga alipores niya. Ano bang problema nitong mga 'to! Ex con. Si Ricko? Pa'no nangyare yun?!
"Halika na," hinawakan ni Ricko yung kamay ko para umalis na kami pero biglang tinapakan ni Denies yung gown ko kaya nadapa ako.
"Bagay lang yan sa 'yo," sabi niya at tumawa pa. Buiset talaga siya!
Dahil siguro sa inis ni Ricko, hinawakan niya sa magkabiglang braso si Denies, "Kung ano man yang sinasabi mo, wala kaming pakielam! Kapag hindi ka pa tumigil sa kakapambully kay Joey.. hindi ako magdadalawang isip na saktan ka! Tutal hindi ka naman babae eh. Kasi ang mga babae.. may puso. 'Di kagaya niyo mga retokada, kaya walang nagkakagusto!" Sabi ni Ricko. Galit na galit yung mukha niya.
"Ricko tama na!" Awat ko sa kaniya. Baka kasi kung ano pang gawin niya kay Denies eh. Mabilis naman kausap si Ricko kaya mabilis kaming nakapunta sa back stage.
Pagdating namin sa back stage, halos lahat lang ng contestant ang nandon. Si Ricko nga lang ang lalaki eh. Pero si Karina wala pa! Sana nag-back out na rin siya! Bad Athena!
"Kaya mo yan huh! Nandun lang kami," sabi niya at tumalikod na para pumunta sa upuan niya. Kaya lang biglang dumating si Karina at kasama ang Boyfriend niya!
"Ang ganda-ganda mo Athena!" Bati sa 'kin ni Karina at bumeso pa sa 'kin. Leche, ano ba 'to nagpapanggap lang o ano!
"Ikaw rin" sabi ko. Napatingin naman ako kay Tristan. Nahuli ko siyang nakatingin sa 'kin. Wala paring ekspresyon ang mukha niya. Walang buhay ang mata niya! Nakipagtitigan lang ako hanggang sa siya na ang bumawi ng tingin. "Nakakamiss na si Monster!" Bulong ko sa isip ko.
Habang nagtatawag na yung emcee.. hindi ako mapakali.. hindi pa kasi umaalis si Tristan eh. Yung puso ko mas bumibilis yung tibok. Aatakihin yata ako eh.
"Babe, CR lang ako," sabi ni Karina. Paksyet! Ayan ka na naman tadhana.. iiwan mo na naman kaming dalawa ni Monster na magkasama! Sasamahan pa sana siya ni Tristan.. pero nag-insist si Karina na siya nalang daw, kaya kami nalang ni Tristan ang nandon tsaka yung isa pang contestant.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...