Athena's Point of View..
....
"Maghiwalay na tayo. Ayoko na nang ganito.. break na tayo"
Anong pakulo na naman ba 'to ni Hubby? Makikipaghiwalay na ba talaga siya sa'kin. Pucha naman oh.
"Athena.." si Bethina. Gusto ko na kasing tumalikod sa kanilang lahat at umalis na sa may rooftop.
"Tristan ano na naman ba 'to?" Yun nalang yung lumabas sa bibig ko.
"Ayaw na kitang maging girlfriend Athena" sabi niya tapos biglang may nagputukan sa langit.
Nag-ilaw ang buong langit tapos may nakasulat.
"Athena, will you marry me?"
Ayun yung nakasulat sa fireworks na umilaw sa langit. Napatingin naman agad ako kay Tristan, tapos may hawak na siyang bulak-lak at isang maliit na box. Tapos bigla siyang lumuhod sa harap ko.
Ano 'to? Akala ko gusto niya nang makipaghiwalay sa'kin?
"Athena, will you marry me?" Sabi niya tapos binuksan niya yung box na hawak niya. Tumingin naman ako sa buong paligid at may mga kinikilig sa likod namin. Haha, sila Kuya lang pala.
"Athena, will you marry daw oh" sigaw ni James.
"Bestie, sagot na agad! Aagawin ko yan" si Bethina. Magkayakap pa sila ni James.
Mga ilang minuto ko ding tinignan si Tristan na nakaluhod sa harap ko at hawak-hawak pa din yung box na may lamang sing-sing.
Ano bang dapat na isagot ko? Maloko nga muna si Hubby.
"Break na tayo 'di ba? Sa Celin mo nalang ikaw mag-propose, tutal bagay naman kayo eh" sabi ko tapos nginisian ko siya.
"Joke lang naman 'yun eh. Hindi ako makikipaghiwalay sa'yo--" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya kasi pinalo ko siya sa braso siya. "Aray, masakit 'yun ha" sabi niya.
"Eh, ano bang gusto mo?" Mataray na sabi ko.
"Sa tingin ko hindi ka na bagay maging girlfriend ko. Kasi yung mga kagaya mo, hindi dapat gine-girlfriend. Ang dapat sa'yo.. pinapakasalan" sabi niya.
"Kyaaaaaaa.. leche ka Athena! Sagutin mo na" si Bestie.. namimilipit na sa kilig ang Bestie ko.
"Wag ka ngang maingay!" Si Drew, tinakpan yung bibig ni Bethina.
Napapangiti ako sa sinabi ni Hubby sa'kin. Ayiiieee, hindi daw ako dapat na gine-girlfriend lang, bagay daw kasi sa'kin yung pinapakasalan. Syempre dahil maganda 'ko, hindi na 'ko tatanggi noh.
"Ano Wifey, uulitin ko. Will you marry me?" Sabi niya ulit at lumuhod sa harap ko.
Hindi ko na siya pinaghintay pa at inilahad ko na yung kamay ko sa kaniya tapos sinuotan niya ng sing-sing.
"Yes, I will marry you Tristan!" Nakangiting sabi ko.
Pagsabi ko nun biglang may confetti na pumutok at nagkalat sa paligid. Para sa'kin, ito na yata yung pinakamasayang araw sa buhay ko. Parang ayoko nang magising pa sa napakagandang panaginip na 'to, kung isa man 'tong panaginip. At kung itong bangungot na 'to dati ang magpapasaya sa'kin ngayon at sa kasalukuyan eh.. hindi ko na talaga 'to pakakawalan.
Dati-rati isa ang grupo nila sa pinaka-kinaiinisan ko sa buong school namin. Parang nung isang araw lang lagi kaming magkaaway ni Tristan na parang aso at pusa. Laging nagbabangayan at nagkokontrahan sa desisyon nang bawat isa. Paminsang nag-aasaran at nagkukulitan. Kahit pa sumumpa na 'ko dati na hindi na 'ko magmamahal ng bad boy at isang mean boy eh.. hindi ko pa din pala napigilan ang puso ko. Kapag talaga si Kupido na ang kumilos eh, talagang tatamaan ka. Kaya minsan 'wag kang aasa kay tadhana, niloloko ka lang niyan. Ang asahan mo.. si kupido, at sabihin mo sa kaniyang panain ka na niya para makalimutan mo na yung sakit nang nakaraan.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...