Tristan's Point of View..
A/N: Super thanks sa gumawa ng new cover ng The Five Mean Boys Meets "Athena" na si @ThisChocolateGirl ang ganda po! Sobrang bait nya po talaga! :)
-Sorry po sa mga ilang Typo's at maling grammar.. *Smile*
-Every Friday po ako mag-uupdate. Pero 'pag sinipag si author, BOOM! Mabilis yun. Don't forget to Vote guys.. And comment na din.. :)
Enjoy reading guys! :)
....
"Stupid na panget na yon, pinuyat ako! Yari sya sa'kin." Sabi ko habang naghahanda na para pumunta sa bahay nila Athena. Leche lang eh.. bakit ba kasi pinapagawa pa sakin ni Grandma 'to. Hindi naman ako katulong nung panget na yun.
Pero hindi ko alam bakit parang gusto ko 'tong ginagawa ko. Yung susunduin ko sya, yung tinuturuan nya 'ko, yung lagi ko syang kasama. Ba't napapangiti ako. May mali na ba sakin? I used to call her panget but seriously she's beautiful. But don't get me wrong, nagagandahan lang ako sa kanya pero wala 'kong gusto sa panget na yun noh. Sarap nya lang talagang asarin. Pati iba sya sa mga babae na nakilala ko. Halos lahat kasi nahuhumaling sa kapogian ko eh. Kahit nga mga tunay na lalaki nababakla sa'kin eh, ganon ako kapogi at ganon kalakas ang karisma ko. Pero sya, iba sya.. amazona ata yun eh, alien.
"Jimboy, tara na.." sabi ko sa personal driver ko.
Nagbreakfast muna 'ko bago kami ulalis. Minsan kasabay ko din kumain 'tong si Jimboy, kawawa din kasi sya eh. Palaboy sya dati.. pero ngayon pinag-aaral sya ni tito kapalit yung pagda-driver nya sa'kin.
"San po ba tayo sir"
"Kila athena."
"Sir, bagay po kayo non. Pa'no na po si Ma'am Karina, tapos na po ba talaga kayo?" Ay, chismoso din pala ang mokong.
"Jimboy, umalis nalang tayo.." sabi ko. Baka magtanong pa ng magtanong 'tong driver ko eh.
Sa totoo lang malapit lang naman yung bahay nila sa'min eh. Pero kagabi.. ewan ko, parang gusto ko pa syang ipasan. Nakaktawa pa nga sya eh nagsasalita habang natutulog. Ang sarap daw matulog sa may likod ko. Haha.
"Jimboy dito nalang" sabi ko kay jimboy.
"Sir, malayo pa tayo ah" oo nga, gusto ko kasi na maglakad ulit eh. Pero 'di dahil gusto ko syang makasama ha. Gusto ko lang na pahirapan din sya. Napuyat kaya ako kagabi.
"Basta, umalis kana pagkababa ko"
Nung malapit na ko sa kanila nagtaka lang ako kasi bakit parang bukas na bukas yung bahay nila. Wala ba syang kasama sa bahay. Bakit pinapabayaan na nakabukas yung pinto.
"Athena" tawag ko sa labas pero walang sumasagot. Kaya pumasok nalang ako, nakabukas naman yung pinto eh.
Nilibot ko yung baba ng bahay nila. Hindi naman kalakihan pero maayos. Tapos pumanik ako sa may taas. May tatlong kwarto. Pumasok ako sa una, mukhang kwarto ng parents nya. Malaki kasi yung kama at may picture ng mag-asawa eh. Tapos yung sunod mukhang kay athena na. Pink yung kulay nung kwarto eh. Pero wala sya sa loob. Nasa'n kaya yun. Balabas na sana 'ko ng makita ko yung isang kwarto na nakabukas. Nung una hindi dapat ako papasok, pero parang inaakit ako sa loob. Kaya kahit trespassing na yung gagawin ko eh, pumasok pa din ako. Pagpasok ko okay naman yung kwarto, panglalaki yung style. Lumapit pa 'ko sa may table at may mga picture, na-curious ako kaya tinignan ko nalang.
"Athena? Ja-ja-jared? Bakit sila magkasama?" Sabi ko sa sarili ko. Nakakagulat kasi.. close pala sila! Pero bakit parang ang tagal na nilang magkakilala, parang ang saya saya nila sa picture? Bakit ganito, bakit nasasaktan ako? Bakit parang may kumukurot sa puso ko nung nakita ko na close sila. Siguro nagkakilala na sila dati. Pero hindi eh, iba.. iba yung ngiti nila. Parang may something sa kanila. Tinignan ko pa yung isang picture nila. May kasama sila na dalawang matanda na, hindi naman katandaan pero malayo sa age namin. Para silang isang pamilya! Leche yan si Jared, ano kayang sikreto nung gag*ng yun!
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...