Chapter 22- Mall

2.8K 147 6
                                    

Athena's Point of View..

"Athena.. gising na! Anong oras na oh.. kailangan mo pang magpasalon!" Ang aga-aga bunganga agad ni Bethina ang naririnig ko.

"Ayoko na ngang sumali Bethina eh.. tsaka bakit ka ba nandito ang aga-aga?" Sabi ko na nakahilata pa din sa kama.

"Pinapunta 'ko ni Jared dito! Joey Rae Salveda, 'wag mo nga akong artihan diyan!" Sabi niya.

"Basta Bestie, A-Y-O-K-O!" malakas na sabi ko tapos tinakpan ko ng unan yung tenga ko.

Kinatok-katok niya ng malakas yung pintuan tapos tsaka siya nagsalita ulit pero hindi ko maintindihan. Pero hindi ko din natiis at tinanggal ko yung unan sa mukha ko.

"Bestie.. kahit kausapin at papasukin mo nalang ako!" Pagmamaktol niya. Dahil sa naawa na ko sa kaniya. Binuksan ko yung pinto at nakita ko si Bethina na parang lion na sa galit!

"Nakakainis ka! Ano bang nangyayare sa'yo? Halika nga mag-usap tayo!" hinila niya 'ko paupo sa kama ko.

"Ano ba yun Bestie.. hindi pa ba malinaw sa inyo yun.. na ayoko na!" Sabi ko.

"Kailangan mong lumaban. Kaya mo yan! Natatakot ka ba kay Karina? O dahil kay Tristan na naman! Alam mo sinasaktan mo lang yang sarili mo eh. Wala yang maiidulot na maganda sa'yo Athena." Sabi niya.

"Ano bang gagawin ko?"

"Ipakita mo na okay ka lang! Na parang wala lang nangyare."

"Pero umamin siya sa'kin kahapon!" Yung reaksyon agad ng mukha ni Bethina parang takihin sa pagka-gulat!

"Ta-talaga?" Sabi niya.

"Oo," medyo mahinang sabi ko.

"Eh, anong sabi mo?"

"Wala.. sabi ko layuan niya na 'ko. Sabi ko kalimutan niya nalang lahat."

Bigla niya 'kong binatukan ng mahina, "Shunga ka ba! Bakit mo ginawa yun. Nagso-sorry na naman yata yung tao eh. Tsaka mahal ka naman pala ah" sabi niya.

"Ano bang dapat kung sabihin sa kaniya? Sorry, mahal din kita, tayo na okay, forever, infinity! Ano, dapat ba ganon ang ginawa ko?! Magkakagulo lang Bestie alam mo ba yun! Makakasakit ako," sabi ko.

"Kaya yang sarili mo ang sinasaktan mo? Yang sarili mo ang pinapahirapan mo ganon ba?" Sabi niya. Tama si Bethina. Sapul ako dun ah! "Kung ayaw mo talagang makasakit Bestie.. mag-sorry ka sa kaniya. Linawin mo kung ano ba talaga kayo," sabi niya na tumayo na. "Tumayo ka na diyan at maligo ka na. Lalaban ka kung ayaw mong kaladkarin kita diyan at kalbuhin kita!"

"Eto na!"

*****

Pumunta muna kami ni Bethina sa mall para mamili ng ibang gagamitin mamaya sa pageant. Mga accessories, sandals, at kung ano-ano pang borloloy na nakita ni Bethina sa mall. Dumaan din kami sa isang salon para magpabawas ng buhok. Konting bawas lang naman. Tapos mas in-straight pa yung buhok ko.

"Handa ka na Bestie? 'Wag kang magpapaapekto sa kanila huh!" Sabi niya nung palabas na kami sa mall. Pero nung palabas na kami may parang iba kay Bethina, parang nakakita siya ng multo sa kung saan.

"May problema ba Bestie?" Sabi ko.

"Ah.. wala, tara na," sabi niya pero napatingin ako sa direksyon ng tinitignan niya. "Hindi siya yan!" Sabi niya. Huli na ng sabihin ni Bethina na 'wag akong tumingin dahil kitang-kita ng dalawang mata ko kung sino ang nasa Play House ngayon at may kasamang cute na cute na bata!

"Siya yan baliw!" Yun nalang yung nasabi ko. Sino kaya yung kasama niyang bata? "Ang cute naman nung batang kasama niya," sabi ko.

"Okay ka lang?" Sabi niya.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon