Athena's Point of View..
....
Pagkagising ko kinabukasan wala na si kuya. Maaga yatang pumasok, kupal talaga eh.. nakalimutan na naman akong gisingin. Babaguhin na yung section ngayon kaya kagulo pa. Lintik kasi si Tristan eh, napakaarte.. babaguhin pa tuloy yung section. Kutos talaga sya sakin 'pag hindi na kami magkaklase ni Bethina.
Habang kumakain ako, iniisip ko yung text ni Ricko sakin kagabi. Pupunta kaya ako? Kaso baka masaktan lang ulit ako. Nakakamove-on na din kasi 'ko kahit papano sa kanya eh, tapos guguluhin nya na naman ako. Sayang lang kasi mag iisang taon na sana kami sa isang buwan, kaso wala na.. wala na kami. Masaya na siguro sya kay chantell. Simula nung nahuli ko sila, hindi ko na sila nakausap pa. Though nakikita ko sila sa school eh.. parang wala akong lakas ng loob para kausapin pa sila. Sa Jacob's din kasi sila napasok eh. Fourth year din.
Ding Dong..
"Argg, istorbo sa pagkain!!"
Pagbukas ko ng pinto halos gusto ko na ulit isara. Si monster nandito. Buti nalang wala si kuya. "Ano na namana kayang trip nito!"
"Bakit ka nandito?" Sabi ko.
"Sinusundo ka, stupid!" Bakit nya naman ako sinusundo?
"At bakit? May sinabi ba 'ko na sunduin mo 'ko?" Mataray na sabi ko.
"Bakit ba ang ingay mo, hindi mo ba 'ko papapasukin" sabi nya at pumasok na sya sa loob. Abnormal talaga eh, magtatanong tapos kusa din naman palang papasok.
"Bakit ka nga kasi nandito?"
"Slow ka noh! Kinakaon nga kita. Dalian mo na, male-late na 'ko" buiset!
"Wala naman kasi akong sinabi na pumunta ka dito diba" sabi ko. At kinuha ko na yung bag ko. "Halika na!"
"Tapos ngayon magyayaya" he muttered.
"May sinasabi ka?"
"Wala, sabi ko.. pangit ka!"
"Monster"
"Sakay na.." sabi nya.
Sumakay naman ako sa kotse nya. Nasa may back seat ako tapos sya nasa front seat, katabi yung driver nila.
"Wag kang ngumiti dyan" sabi nya. Nakangiti pala 'ko. Naisip ko kasi libre pamasahe 'ko ngayon. Nyek, naglalakad nga lang pala 'ko papasok. "Baka isipin mo sinundo kita dahil may gusto 'ko sayo" feeling sya ha! Never! "Pinasundo ka kasi ni Grandma"
"Alam mo Mr. Monster, kahit po kelan hindi ako magkakagusto sayo. Witness pa si manong nyan ha!" Sabi ko.
"K" sungit! "Ano bang pinakain mo kay lola at ang bait nya sayo?"
"Wala.. maganda lang talaga 'ko " sabi ko. "Diba manong.."
"Ah, opo." Sabi nya "bagay nga po kayo ni sir eh." Hirit nya.
"No!" Sabay na sabi namin.
"Wala 'kong gusto dyan sa pangit na yan noh" sabi nya.
"Lalo na 'ko noh. Monster. Retarded!" Inis na inis naman sya, si manong naman natatawa lang samin. Sarap nya pala talagang galitin.
"Panget, mamaya sa bahay.. pinapapunta ka ni grandma" ha? Anong meron.
"Bakit daw?"
"'Wag ka ng matanong. Hindi ka maganda!"
"Nye, nye, nye!"
"Stupid!
"ishtupid" inis na naman sya.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...