Chapter 16- Condominium

4.2K 147 25
                                    

Athena's Point of View..

"Kung gusto, laging may paraan. You have ways kung mahal mo talaga ang isang tao. Laging meron at meron kung gugustuhin mo lang."- Athena

....

Isang linggo, isang linggo na yung nakalipas nung pumunta kami sa E.K. nakakainis lang, nasira yung araw ko na yun dahil sa mga mean girls. Sabi nila sa'kin okay na kami. Sabi nila sumama daw ako may pupuntahan kami. Pero ako naman si tanga, kusang sumama.. at hindi na pinakinggan si Ricko na baka may pinaplano sila sa'kin.

"Oh.. Joey, sa'n ka pupunta. Wala naman pasok ngayon ah. May practice ba kayo ng mga kaklase mo?" Sabi ni tita. Sabado kasi ngayon eh. "Don't telk me, may date ka?" Nakangiting sabi ni tita.

"Tita naman eh. Hindi po noh, wala po akong boyfriend ngayon," sabi ko.

"Okay, okay.. pero kanino ba yang pinaluto mo sa'king adobo't sinangag?" Sabi ni tita.

"Ahm, may pagbibigyan lang po akong isang kaibigan!" Sabi ko. Tapos umalis na 'ko sa bahay. Mabuti nalang tulog pa si Kuya, kaya hindi niya alam na aalis ako ng maaga.

Dumaan muna ako sa Mini Stop para bumili ng ice cream. Tapos dumaretso na ko sa pupuntahan ko.

Ding Dong.. Ding Dong..

"Ang tagal naman lumabas nung lalaking yun!"

"Sino ba yan! Siguraduhin mong impor--" pareho kaming nagulat nang buksan niya yung pinto ng condo niya. Nakaboxer shorts lang siya, tapos topless pa. "Sandali lang!" Sinara niya ulit yung pinto. Ako naman parang naengkanto dahil sa nakita ko. He's so hot pala. Landi Mode!

"Yan, I'm now presentable," sabi niya.

"O-o-okay" nauutal na sabi ko. Nakashorts and sando na siya ngayon. "Hindi ba siya nilalamig sa suot niya? Ang lamig kaya sa condo niya." Bulong ko sa isip ko."Ah, Tristan may dala nga pala 'kong pagkain." Sabi ko.

Nagulat naman siya bigla, "Talaga, uy.. salamat ha. Nag-abala ka pa. Anong meron?" Yan pagmay pagkain mabait!

"Good mood ka yata ngayon?" Sabi ko habang hinahanda na yung pagkain niya. Wow asawa lang ang peg! "Tsaka pagulo na nitong kitchen mo ha." Sabi ko.

"Ah.. Athena, tulungan na kita diyan" lumapit siya sakin para kunin yung adobo at sinangag na dala ko pero 'di ko siya pinalapit sa'kin, "Arte mo naman. Tutulungan na nga kita eh." Nakapout na sabi niya. Haha ang cute niya 'pag-ganon.

"Wag ka ngang ngumuso diyan, mukha kang bibe" sabi ko.

"Ah, ganon," yung mata niya mukhang may gagawin siyang hindi maganda. "Bibe ako? Eh kung kilitiin kaya kita diyan!" Bigla siyang tumakbo sa'kin at kiniliti ako sa tagiliran ko. "Ano Bibe pa 'ko?"

"Oo" sabi ko. Pero mas lalo niya lang akong kiniliti. "Tristan tama na nakikiliti ako" napaupo na ko sa sahig pero tuloy pa din siya sa pagkiliti sa'kin.

"Hindi ako titigil hanggat hindi mo sinasabi na gwapo ako!" Ang kapal niya.

"Kapal mo ha! Ahhhhh.. nakikiliti ako Tristan! Hahaha"

"Gwapo ba 'ko?"

"Hindi," bigla akong nakatayo at tumakbo sa loob ng kwarto niya. "Nye-nye, hindi ka na makakapasok dito!" Asar ko sa kanya.

"Akala mo lang noh. May susi ako niyan!" Sabi niya. Ugh, oo nga pala kwarto niya 'to.

"Subukan mo lang! 'Wag kang papasok dito!" Sabi ko. "Kumain ka na diyan," dadag ko pa.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon