Chapter 50- Prom

2.2K 91 19
                                    

Athena's Point of View..

....

"Sir, sige na.. kahit five minutes lang. Please!" Pagmamakaawa ko kay Kuyang bantay dun sa exhibit ni Dominic.

Na-late kasi ako sa exhibit ni Dominic eh. Nakalimutan ko na ngayon na pala 'yun, tapos inuna ko pa yung pagbabasa sa library! Urg, yari ako nito kay Dom.

"E ma'am, sarado na po kami eh" sabi ni manong guard.

"Sige na manong.. kaibigan ko po kasi yung nag-exhibit diyan kanina eh. Magtatampo kasi 'yun sa'kin kapag hindi ako nagpunta. Kahit five minutes lang manong, para naman may maikwento ako sa kaniya. Saka, malaman niya na nagpunta talaga 'ko" pagmamakaawang sabi ko.

"Sarado na talaga ma'am eh.." napapakamot na sabi ni manong. "Baka kasi matanggal pa 'ko sa trabaho kapag pinapasok kita sa loob. Sa'kin okay lang.. kaya lang kay bossing eh.." sabi niya.

"Ah, sige po" sabi ko sabay talikod na kay manong upang umalis.

Habang naglalakad ako sa ilalim nang bilog na buwan, iniisip ko 'yung mga pwedeng mangyari. Baka hindi na 'ko pansinin ni Dominic, o kaya naman magalit na siya sa'kin. Baka iwasan na din ako nung lalaking 'yun.

Nung medyo malayo na 'ko, may biglang humawak sa braso ko. Paglingon ko, si manong lang pala.

"Ma'am, may pinabibigay sa inyo si sir. Ikaw po ba si Athena?" Sabi ni manong.

"Ako nga po. Paano niyo po nalaman?" Takang tanong ko kay manong.

May inabot muna siya sa'king isang papel bago siya nagsalita ulit, "Napansin ko kasi sa ID mo kanina eh. Basahin mo 'yan" sabi niya. Tapos binuksan ko naman 'yung papel na binigay sa'kin ni manong guard.

Athena,

Athena, kung mabasa mo man 'to, siguro wala na 'ko sa manila. Hinintay ko lang 'tong araw na 'to na maipakita yung pinaghirapan ko eh, pero hindi ka nakapunta, haha. Akala ko pa naman masu-surprise kita. Pero okay lang, alam ko naman na nakita mo na 'yung mga kuha ko sa'yo eh. Saka, busy ka sa Hubby mo eh, joke! Sana makadalaw ulit kayong lahat sa bayan.

PS. Text mo 'ko huh! Eto number ko, 0927****386. Pakilala, haha. Ge, good bye!

Love,

Dom

----

Parang may kung anong sakit 'yung naramdaman ko sa puso ko. Parang ayoko sa mga nangyayari. Bakit umalis agad si Dominic nang hindi nagpapaalam. Siya pa 'yung magiging photographer namin sa prom, saka sa graduation namin. Bakit umalis agad 'yun. Nakakainis naman!

"Ma'am, pasok na po kayo sa loob. Pero five minutes lang huh" biglang sabi ni manong guard.

"Talaga manong?" Tuwang-tuwang sabi ko. Pero naisip ko din na, wala na naman si Dominic eh.. useless na makita 'ko pa 'yung in-exhibit niya. Pero may bumubulong sa utak ko na.. "Sige na.. pumasok ka na, wala namang mawawala sa'yo eh.."

"Ano, papasok ka pa ba ija?" Sabi ni manong.

"Opo" sabi ko at mabilis na pumasok sa loob.

Pagpasok ko, para 'kong nasa isang exhibit sa America. Napakaganda sa loob. Napakaganda ng pagkakagawa. Parang isang professional talaga 'yung may ari. At ang nakakatuwa pa sa gawa ni Dominic eh.. ako yung ginawa niyang model sa mga pictures niya.

May mga picture na mata ko lang, meron namang ilong ko, o kaya naman eh, magkasama kami ni Jolo at nagtatawanan. Meron ding video sa mga pader.

Hindi ko alam kung anong inspirasyon ni Dominic dito sa exhibit niya, basta ang alam ko lang eh.. babae ang tema.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon