Athena's Point of View..
....
"Ms. Salveda, i need you in the student council later after class. Don't be late. Well, see you then. Okay class dismissed!" Sabi ni Mrs. Ramos, teacher namin sa history. Sya din ang busy sa student council.
"Okay mam" sabi ko.
Pano ko na madadala kay Kar yung pinabibigay ni Tristan kung may meeting kami mamaya sa student council. Argg. Vice President ako ng Supreme Student Government (SSG), kaya minsan busy ako. Kahit galit sakin yung mga students dito hindi pa din ako natalo, alam kasi nila na Top student ako ng school kaya hindi sayang yung boto nila!
Finally, the bell was rang! Uwian na!
'I need you in the student council later after class. Don't be late.'
"Arrg. Nakakainis naman, ngayon pa nagkameeting"
"Oh bestie hindi ka mapakali dyan." Si bethina. Member din kasi sya ng SSG!
"Kasi yung ano eh.. si Tristan." Sabi ko.
"Ano na naman yan?!" Sabi nya. Hindi nya pa kasi alam na tinutulungan ko si tristan na balikan nya si Ker. "Wag mong sabihing naiinlove ka na sa kanya" sabi nya pa.
"Hindi, baliw ka.. ano kasi.." nagaalangan kong sabi.
"Ano nga!" Bulalas nya.
Buti nalang wala pa si Mrs. Ramos, kung hindi mayayari kami ni Bethina, terror din kasi yun eh!
"Kasi si Tristan--"
Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng biglang dumating si Mrs. Ramos. Nakakainis wala yung iba, kami lang ni Bethina yung nandito. Expected ko na 'to, lagi namang ganito eh. Pag may meeting, kami lang ni bethina yung naattend. Kaya nga gusto nya na pumunta ako eh. Kahit daw kasi iisa 'ko mapagkakatiwalaan naman daw ako.
"Okay let's start" may ibinaba syang mga mga papel at isang malaking box. "Lahat yan aayusin nyo" sabi nya samin ni Bethina.
Akala ko may meeting kami ngayon, yun pala may ipapagawa lang sya samin ni Bethina. Tapos sabi pa kanina, 'Dont be late' tapos sya naman yung late. Nakakainis naman, yari ako kay tristan nito.
"Mam, i thought we have a meeting?" Sabi ni Bethina. Umi-english pa sya ha. "Tsaka bakit kami lang mam? Nasan po yung iba?" Sabi ulit ni Bethina.
"Alam nyo naman siguro na hindi naman talaga sila pumupunta dito kapag nagpatawag ako ng meeting diba, so.. kayo nalang yung pinapunta ko dito" purkit mayayaman yung estudyante dito eh, kami na agad yung uutusan.
"Pero--" sabi ko.
"No buts. Mauna na 'ko may meeting pa kami ni Madam Ong" sabi nya at umalis na sya sa Student Council room.
Waka na kaiming nagawa ni Bethina kundi ayusin nalang yung mga papers ni Mam Ramos. Si Bethina halatang hindi sanay sa mga ganitong gawain, mayaman kasi sila eh. Ewan ko ba dito, kahit mayaman hindi nya 'ko tinignan sa kung anong meron ako at kung ano yung estado ng buhay namin. Tinignan nya daw ako base sa panloob na ugali ko. Oo yun yung sabi nya sakin date. Bago kami unang naging magkaibigan!
"Alam mo yang si Mam Ramos epal din yan eh. Panira ng moment! May date pa naman kami ni Edward ngayon. Wala naman palang gagawin dito" sabi nya habang iniisa isa yung mga papers na ilalagay sa mga box.
"Anong walang ginagawa eh tadtad nga tayo ng gawain eh noh" sabi ko.
"Bestie, pwedeng mauna na 'ko" sabi nya sabay puppy eyes. Nakakainis na talaga.
Athena calm down!!
"Iiwan mo 'ko?" Sabi ko.
"Nagtext na kasi si Edward eh, kita daw kami sa may mall" nako bethina kung 'di lang kita love!
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...