Lahat ng Bagay sa Mundo nakakapaghintay. Kung hindi niya mahihintay pwes hindi kayo bagay- Athena
----
Athena's Point of View..
....
"Athena, kailangan kita ngayon. Kailangan ko ng kausap. Kita tayo mamaya sa may Park, sa malapit sa may siomai-an."- Unknown Number
Buong klase kong iniisip kung sino ba ang nagtext sa'kin.
"Anong iniisip mo?" Tanong ni Ricko. Katabi ko ngayon siya sa klase eh.
"Ah, wala.. may nagtext lang kasi sakin kanina eh" sabi ko naman tapos tumingin ako sa likod. Tinignan ko sila Kuya. Kaya lang, wala nga pala si Tristan. Nakakainis. Siya kaya yung nagtext sa'kin? Pero kasi eh.. magkausap lang naman kami kanina ni Monster.
"Okay, kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako. Teka bakit wala yung kulugo don?" Ayos din 'to si Ricko eh. Lakas makatawag ng kulugo kay Tristan!
"Ah, hindi ko alam" sabi ko.
Tapos may biglang sumit-sit sa'kin.
"Ano yun?" Bulong ko kay Steven. Ewan ko lang kung narinig niya. Nasa likod kasi sila nila Kuya eh. Ako medyo gitna.
Ngumuso si Steven at tinuro si Ricko. Base sa nguso niya, alam ko na ang gusto niyang iparating, naiinis siya kasi nakikipag-usap ako kay Ricko. Si kuya naman itinaas pa yung kamao niya. Kaya nag-okay sign nalang ako sa kanila. Buong klase tuloy ang tahimik ko. Ewan ko ba. Parang hinahanap ko yung presensiya ni Monster! Parang kulang na yung araw ko kapag wala siya. Ganito ba talaga kapag mahal mo na ang isang tao? Hindi naman ako nagkaganito kay Ricko before. Pero bakit kay Tristan napakalakas ng epekto niya sa'kin. Ultimo paghinga kailangan alam ko.
Nung lunch break bigla nalang nawala si Bethina. Usapan pa naman namin na sabay kaming kakain. Pati sila Kuya nawala na. Out of coverage naman yung phone nilang lima. Leche, mga nangiiwan sa ere. Kaya ang ginawa ko, pumunta nalang muna ako sa library. Ngayon ko lang nalaman, namiss ko pala ang library. Namiss kong maging tahimik ang paligid. Isang buwan na ang lumipas matapos ang lahat-lahat. Isang buwan na palang magulo ang mundo ko.
Habang nagbabasa 'ko, may isang babaeng tumabi sakin.
"Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi niya. Hindi ko pa siya nakikita kasi patuloy pa din ako sa pagbabasa ng 'The Notebook', yun pa din ang binabasa ko kahit paulit-ulit lang. "Kahit saglit lang" sabi niya. Pagtingin ko si Karina pala. Ano kaya ang gusto niyang pag-usapan namin.
"Tungkol saan?" Tanong ko.
"Layuan mo si Tristan," nabitawan ko yung librong hawak ko nung sinabi niya yun sakin ng harap-harapan. "Gusto kong layuan mo na siya. Hindi na ka na nakakabuti sa kaniya" prankang sabi niya. Mahinahon man yung pagkakasabi niya, bakas naman sa mukha niya yung inis at galit dahil sa nangyayare.
"Pero bakit?" Sabi ko tapos tumingin ako sa kaniya.
"Kasi palaging ikaw na yung bukang bibig niya. Ikaw na yung palagi niyang kasama. Akala ko pa naman kaibigan kita" sabi niya tapos may inilabas siyang picture mula sa pitaka niya. "Simula pagkabata namin kami na ang magkasama. Mahal namin ang isa't-isa. Kami lang dalawa. May promise pa nga kami ba kami na ang ikakasal kapag nag-eighteen na kami eh. Pero lahat yun nagbago nung naaksidente siya." Paliwanag ni Karina at itinago yung picture sa pitaka niya.
"Pero Karina.." sabi ko, pero bigla siyang tumayo at galit na tumingin sakin.
"Kapag nawala siya sa'kin, baka pagsisihan mong nakilala mo pa siya" sabi niya at tuluyan na siyang umalis.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...