Hindi lahat ng tumatakbo palayo sayo dapat mong habulin. Minsan, kailangan mo ring isipin kung aabutan mo pa sya o habang buhay ka nalang hihingalin.- Athena
....
Athena's Point of View..
"Tita.. dalian po natin." Sabi ko at baka malate pa kami. Pati sila kuya ayos na para sa Top 10. Ngayon na kasi pipiliin ang Top 10 para sa magiging Ms. Campus.
"Oh, ija.. okay na ba kami?" Sabi ni Tita at lumabas sila ni Tito na nakasuot ng formal na damit. Pati si Kuya nakagayak din. Talagang pinaghandaan nila 'to.
****
Pagdating namin sa school halos lahat busy. Halos lahat 'di mapakali. Pero may mga bumabati din naman sa'kin. Simula nung nag-EK kaming lahat. May nagbago sa kanila. Palagi na 'kong binabati ng mga estudyante. Kaonti nalang yung umiirap.
"Bestie.. ang ganda-ganda mo" sigaw ni Bethina at yumakap pa sa'kin.
"Maganda agad Bestie.. eh, super straight lang nung buhok ko. Tsaka wala pa kaya akong make-up." Sabi ko.
"Oo ang ganda mo Bestie. Simplicity is beauty, right?!" Sabi niya. Tama nga naman yun. Lahat naman kami natawa sa sinabi niya. Si Kuya niloloko pa si Bethina. "Tara na sa room at nang maayusan ka na." Sabi niya.
Pagdating namin sa room kaonti lang yung tao. Ilang students lang. Pati yung apat wala. Kainis.
"Nasa'n sila?" Sabi ko at upo na sa may harap ng salamin. Nandun na kasi yung make-up artist ni Ma'am Gonzales.
"Ah.. yung iba hinahanap si Chantell. Tapos sila Steven nagpa-practice sa may hall" sabi niya.
"Ah.. kuya magpractice ka na din kaya." Sabi ko na agad naman ainunod ni Kuya.
"Galingan mo Baby Athena huh." Sabi niya bago umalis. Sila Tita naman naglibit na muna sa Jacob's.
Pagkatapos kong make up-an sinuot ko na yung gown ko. Isang White long gown na may mga design sa waist. Tapos simpli nalang sa baba. Hindi ko type yung mga gown na may slit eh. Baka ma-MTRCB ako.
"Wow Athena.. you look so beautiful. Para kang anghel." Sabi ni Ms. Gonzales at yumakap pa sa'kin. "Wow, napakaganda mong bride kapag nagkataon." Sabi niya nung kumalas siya sa pagkakayapos sa'kin.
"Ang perfect nga niya ma'am eh. Hindi siya mahirap ayusan kaya mabilis kaming natapos" sabi nung baklang make-up artist.
"Malapit ng magsimula. Makakapasok tayo. Yun lang ang isipin mo Ms. Salveda huh. Always think a happy thoughts. Then chin up. Nasa unahan lang kami, at yung mga classmates mo sosoporta sila sayo, kaya galingan mo Joey. Ipakita mo sa kanila na hindi lang puro utak meron ang section one. Kaya din natin na makipagsabayan sa ganda ng mga Miss Universe." Sabi niya.
"10 minutes left, magsisimula na ang Pageant." Sabi nung emcee sa audio room.
"Maghanda ka na huh. Nasa unahan lang kami. 'Wag kabahan" sabi ni Ma'am at lumabas na kasama yung make-up artist. Si Bethina lang ang kasama ko papunta sa backstage. Sila Tita malamang naka-upo na yun.
"Bestie, nasan na sila? Magsisimula na ah." Sabi ko.
"Parating na yun sila. Rarampa ka pa naman muna eh. Pakilala muna sa madla. Kaya 'wag kang kabahan." Sabi niya. Pero nung nakita ko na yung ibang mga contestant para ng may daga sa dibdib ko. "Ano ka ba 'wag ka ngang kabahan diyan kaya mo yan." Sabi ni Bethina na mukhang napansin yung kaba sa mukha ko.
"Salamat ha." Sabi ko. "Kung wala ka dito.. baka nagback out na 'ko." Sabi ko ulit.
"Good afternoon Jacob's. Na'ndito kayong lahat para masaksihan at malamana ang sampung kandidata na makakapasok para sa final coronation ng Ms. Campus 2015." Sabi nung emcee. Tapos isa isang tinatawag. Kaniya-kanya kaming may taga-sigaw. Ang hindi ko lang alam kung may sisigaw ba talaga sa'kin.
"Shane Belmonte. Third year representative." Sabi nung candidate number one. Palakpakan naman yung mga tao. Sumunod na afad yung pangalawa, pangatlo. Hanggang sa umabot na sa number ko. Pang fourteen kasi ako eh. Tapos pang fiftteen naman si Chantell, pero wala pa siya.
"And now, number fourteen." Sabi nung emcee. Paglabad ko palang nakita ko na sila Tita sa unahan. Si ma'am Gomzales. Yung buong section one at sila Kuya na nasa gitna, tapos nag 'okay' sign pa siya sa'kin.
"Joey Rae Salveda, also known as Athena. Fourth year representative" sabi ko at nagmodel na ulit pabalik ng backstage. Konting gewang ng balakang. Rinig ko naman yung hiyawan sa buong gym ng Jacob's. Para 'kong mabibingi sa ingay. Hindi ko akalain na may susuporta pala sa'kin.
"Go, Athena.."
"I love you athena.."
Sigaw nung iba. Nung makabalik na ko ang talas agad ng tingin sa'kin ni Denies. Kala mo kakainin niya 'ko ng buhay. Madami din naman sumuporta sa kaniya. Kaya kang baka binayaran niya yung mga taga-sigaw nya.
"Now, candidate number fifteen" sabi nung emcee. Pero wala si Chantell. Ano kayang problema niya at hindi siya nakapunta ngayon. "Oh.. sorry pero nagback out na ang ating huling kandidata. Kaya maghanda na para sa talent portion." Sabi niya.
Konting ayos lang sa buhok ko at konting re-touch ay umayos na kami nila kuya sa backstage. Pero kulang kami.
"Ah.. nasa'n si Tristan?" Sabi ko.
"Ah.. parating na rin siguro yon." Sabi ni Drew. Pero may iba sa kilos nila eh. Parang may itinatago sila.
"Oo, baka natraffic lang. Alam mo naman yun laging paimportante" sabi namab ni James.
"Oo nga nandito naman kami eh. Tiwala lang!" Sabi ni Steven.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...