Chapter 48- Engagement

2.2K 96 26
                                    

Athena's Point of View..

----

[Now playing: Vegas Skies by Migz Haleco] (Paki-play nalang po yung kanta sa media. Thanks)

"It's Twelve O'Clock and I need your attention
It's like the alcohol
Making my head spin
Your scent is the rum
The room is a bottle
Keeping me hopeless 'til I wake tomorrow"

"Pag-umalis ka ngayon diyan sa kinatatayuan mo, break na tayo!" Hanggang ngayon hindi ko pa din makalimutan yung mga sinabi ko kay Hubby. Bakit ko pa kasi sinabi yun? Nasasaktan tuloy ako ngayon.

Huhu Hubby, nasa'n ka na ba? Birthday mo pa naman ngayon!

"If tonight ever makes a difference
The way that I feel
The way that I'll remember it
I'll take this down until the glass remains
Swallow the words that I was meant to say"

"Monster.."

"Nye-nye-nye"

"Panget, pinapunta ko ni lola dito"

"Bakit?"

"Pinapasundo ka niya sa'kin"

"It's a long drive back to Vegas Skies
So why don't I make one more wrong turn tonight"

"Panget nasa'n ka? Pumunta ka dito sa tambayan, stupid ka!"

"Pag 'di ka pumunta dito sa tambayan may ipagkakalat ako tungkol sa'yo."

"Ano ba yun huh?"

"Red alert?"

"Upo!"

"So say goodnight
Our first goodbye
I've only got forever and forever is fine
Just take your time
We'll stop the clock together and know that the timing was right"

"Hubby, huwag ka nang umalis.."

"Babalik naman ako eh. Tsaka tatawagan kita araw-araw"

"Basta behave ka lang do'n huh! Walang babae. Lagot ka talaga sa'kin"

"I Love you wifey"

"I Love you too hubby"

-----

"Mommy, naiyak ka po?" Si Jolo ay este, Juro pala. Hmmp, bahala na nga, mas nasanay ako sa Jolo eh.

"Hindi baby, napuwing lang si Mommy" sabi ko. Pero ang totoo, umiyak talaga 'ko. Naaalala ko kasi si Hubby eh. Nung una palang kaming magkakilala, nung una kaming magaway, nung una kaming nagkasagutan at yung una naming "I Love You" sa isa't isa.

"Bakit 'di ka pa nakabihis Mommy, birthday ngayon ni Daddy 'di ba?" Sabi ni Jolo at umupo sa kama ko tapos nagpout siya. Inayos ko muna yung sarili ko bago ko siya kinausap.

Alam ko naaapektuhan si Jolo ngayon sa sitwasyon namin ni Tristan. Napalapit na kasi yung bata sa kaniya eh, daddy pa nga yung tawag eh.

"Masama kasi yung pakiramdam ni Momny eh. Magre-rest nalang muna ako. Ibati mo nalang ako kay daddy" sabi ko.

Hinipo naman ni Jolo yung noo ko tsaka siya nagsalita ulit, "Wala ka namang sakit mommy eh" sabi niya.

"Jolo, I'm not feeling well.." pababy'ng sabi ko.

"Juro, hindi pala maganda ang pakiramdam ng ate mo, halika na nang nabibihisan ka na ng tita mo" si Daddy. Nakasuot siya ng pang pirate ngayon. Costume party kasi yung theme nang birthday ni Hubby eh. Isip bata pa rin talaga yun hanggang ngayon! "Dalian mo Juro" sabi ulit ni papa. Si Jolo naman padabog na lumabas ng kwarto ko. Naiwan naman si papa na nakatayo pa rin sa pinto. Hindi na sila umalis sa bahay simula nung mamatay si mama. Medyo nakaka-adjust na rin kami kahit papaano, pero hindi gano'n kadaling kalimutan si mama.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon