Chapter 24- Game Over

2.8K 119 9
                                    

Akala ko mahirap magpanggap na mahal kita, pero mas mahirap pala magpanggap na hindi na kita mahal- Athena

....

Athena's Point of View..

"Contestant no. 9"

Wala akong marinig, wala akong maintindihan.. puro buka lang ng bibig nila ang nakikita ko. Yung buong section one mga nagtatalunan, pero hindi ko alam kung bakit! Wala akong marinig.. parang nagsara yung tenga ko. Nagising nalang ako nang yakapin ako ni Karina at sabihin niyang, "OMG, you won! You won Athena!" Sabi niya. Sila Tita at Tito pumanik sa stage para yakapin ako! Ngayon lang nag-sink in sa utak ko! Ako pala ang nanalo! Parang trip ko lang na sumali.. tapos ngayon, ako na yung Ms. Campus 2015.

"Bestie.." si Bethina. Nangunguna sa sction one na yumakap sa 'kin! "Ang galing-galing mo!" Sabi niya na nakahawak pa sa magkabilang pisngi ko.

"Joey, ikaw na! Greek Princess!" Sabi ni Chantell at inayos pa yung gown ko.

"Whoo.. nambola ka pa!" Sabi ko.

"Athena! Athena!" Sigaw pa rin nang sigaw yung buong section one nung bumaba ako sa stage. Binuhat pa nga nila 'ko palabas ng gym eh.

"Hoy, ibaba niyo ko," sigaw ko. Pero ang totoo natutuwa ako. Hehe nakaka-enjoy kayang buhatin!

"Wala.. Ms. Campus ka na. Pa-cheese burger ka!" Sigaw ni Steven! Siraulo talaga eh.. hindi manlang kinausap si Karina.

"Cheese burger! Cheese burger! Papakain yan! Papakain yan!" Sobrang kulit nila! Mga nagsisigawan pa.

Hanggang canteen ang iingay nila! Parang nanalo lang akong Presidente ng Pilipinas eh! Binigyan sila ni Tito ng pera pambili ng burger. Haha! Si Kuya naman nakikigulo din. Hmp, tampo pa rin ako sa kaniya! Si Tristan ewan ko. Lagi nalang wala.. "Pabayaan mo na Athena, gusto niya yun eh!" Bulong ng isip ko!

"Congrats!" Si Ricko. Kami ni Ricko ngayon. Friends nalang kami. Alam ko naman kasi kung sino talaga ang gusto ko eh.

"Salamat!" Sabi ko. Tapos nakatingin sa 'kin sila Bethina. Yung tingin nila parang kakainin nila nang buhay si Ricko. Kaya hinila ko na siya bago pa siya mamatay da titig nila Kuya!

....

"Ano bang ginagawa natin dito sa bahay ni lola?" Sabi niya.

"Magtataguan!" Nakapamewang na sabi ko. Bakit ganon, ang komportable ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya, kahit hindi ko na siya gusto!

"Okay, out ka!" Sabi niya at tumakbo papasok ng bahay.

"Ang daya mo.. dito tayo!" Sabi ko at pumunta ka sa Garden.

Ang ganda ng Garden ng lola ni Ricko. May fountain sa gitna, may mga ilaw na magaganda kapag gabi, may mga magagandang bulaklak sa paligid. Sabayan pa nang mga magagandang mellow songs.. swak na swak sa date nila yun!

"Diyan mo ilagay Ricko!" Sabi ko at ibinigay yung bulaklak sa kaniya para sa table. "Ito pa! Lagay mo sa tabi.." inabot ko naman yung isang bubble maker. Para romantic.

"Sobrang aligaga mo Joey, para sa'n ba 'to? Magde-date ba tayo?!" Sabi niya at lumapit sa 'kin.

"Lumayo ka nga! Hindi 'to sayo at lalong hindi sa 'kin. Kaya sumunod ka nalang!" Sabi ko at inayos yung lamesa. Bago pa 'ko mahulog sa kagwapuhan ni Ricko.

"Eh.. para kanino 'to?" Sabi niya at umupo muna siya sa isang upuan bago nagsalita ulit, "Joey bakit ginagawa mo 'to? Bakit pinapahirapan mo 'yang sarili mo?! Hindi mo naman kailangan gawin 'to.. pero pinagpipilitan mo. Umayos ka nga.. hindi ka naman ganyan dati ah" "Dahil sa 'yo Ricko! Dahil sa 'yo nagkaganto 'ko!" Sabi ko sa isip ko.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon