Final Chapter- Good-bye

2.5K 92 4
                                    

Athena's Point of View..

----

"Athena, gising na.." si Bethina.

"Ano ba 'yun Bethina. Ilang bese ko bang sasabihin sa'yo na ayoko ngang umattend sa graduation eh" padabog na sabi ko.

"Hindi pwede. Ikaw ang class valedictorian, tapos wala ka? Halika na bumangon ka na diyan. Kaya nga ako dito natulog sa inyo para mapilit kita na umattend eh" sabi ni Bethina at pinipilit akong tumayo sa kama ko.

"Bethina, ayoko nga sabi"

"Bakit ba? Kasi wala si Tristan? Eh.. pa'no naman kami? Pa'no kaming mga kaibigan mo.. halika na" sabi niya tapos hinampas niya 'ko ng unan, pero mahina lang.

"Masama yung pakiramdam ko" sabi ko at humiga ulit ako sa kama ko tapos nagtalakbong ako ng kumot.

"Bahala ka. 'Pag pumunta do'n si Tristan, magsisisi ka!" Sabi niya.

Pa'no naman kaya siya pupunta do'n eh.. nasa America siya ngayon. Halos isang buwan at kalahati na pagkatapos nung Prom. Oo, tumatawag at nagte-text siya lagi. Pero, eto na yata yung pinaka-fear ko sa lahat eh.. yung iwan ako ni Hubby ko. Nasa America siya ngayon dahil sa Tito niya. Inaayos na nila yung negosyo nila do'n, since magka-college na si Hubby. Ayos na din kami ng Tito niya ngayon.

"Wala akong pakielam! Nasa America pa 'yun" sabi ko.

"Ewan ko sa'yo, basta 'pag nagbago yang isip mo.. pumunta ka huh! Inaabangan ng lahat yung speech mo eh" sabi niya tapos narinig ko na lumabas na siya ng kwarto ko.

Nakakainis naman 'tong buhay kong 'to! Lagi nalang madrama. Lagi nalang akong umiiyak. Kung ako lang yung sumusulat ng sarili kong kapalaran, hindi ko gagawing ganito. Ang gagawin ko, 'yung laging masaya at nakangiti ako. Yung walang problema, chill lang!

----

"Pupunta, pupunta?" Urg, kanina ko pa kinakausap yung sarili ko sa salamin.

"Athena, ano.. ayos ka na?" Si Kuya, bigla-bigla nalang sumusulpot. Nakakainis talaga yun si Kuya, paano kung naka-panty't bra pa 'ko sa loob.

"Ayokong umattend kuya"

"Nakabihis ka na.. hindi ka pa aattend?" Kamot ulong sabi ni Kuya.

"Kailangan pa ba 'ko do'n Kuya?" Sabi ko habang hinuhubad yung sumbrerong pang graduation.

"Oo naman Baby Athena. Isuot mo 'yan, sabay na tayo. Handa na rin sila papa. Minsan lang tayo ihatid non kaya 'wag mo naman siyang biguin" sabi ni Kuya. Lakas talagang mangonsensiya ni Kuya eh!

Pero, oo nga naman. Minsan lang kami ihatid ni papa sa stage. At sa totoo lang, ngayon niya lang talaga kami ihahatid sa stage ni Kuya. Palagi lang kasing sila Tito at Tita ang nagsasabit sa'kin kapag nagkaka-medal at awards ako eh. Tapos ngayong graduation namin ni Kuya, humingi nga pala siya ng pabor sa'kin na siya naman daw ang maghahatid samin ngayon ni Kuya.

"Pag-isipan mo yan Athena, may thirty minutes ka pa para mag-isip" sabi ni Kuya habang nag-ayos na para lumabas sa kwarto ko.

"Saglit lang Kuya. A-attend na 'ko" sabi ko at isinuot ko ulit yung graduation hat ko.

"Hindi mo na kailangan sabihin. Alam ko naman na aattend ka eh."

Bumaba kami ni Kuya pagkatapos non. Handa na silang lahat, miski sila Steven naandito na din, hinihintay kami ni Kuya. Kaya lang may kulang talaga eh.. si Tristan.

"Ano, tara na?" Sabi ni James at nanguna nang sumakay sa pick up nila Steven. Sila Tito naman sa kotse namin sumakay. Yes, may kotse na kami. Bago pala mamatay si mama eh, naka-ready na yung kotse para kay Kuya. Kaya namam meron na rin si Kuyang kotse. Graduation gift ni mama sa kaniya.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon