A/N: Sorry kung na-late yung update ko. Nabura ulit kasi siya kay watty eh. Dapat kahapon ko siya ipo-post eh. Pinakamaganda pong comment na maibibigay sa chapter na 'to, dededicate ko 'tong chapter na 'to, tsaka sa iba ko pang chapter. Thanks.
Athena's Point of View..
---
Baby you're my sweetest
And baby you're my dearest
And I don't wanna walk away and be this again
Coz
Baby you're my sweetestAnd baby you're my dearest
And I don't wanna walk away, walk away and be
Strangers again..
Grabe.. hanggang ngayon hindi pa din mawala sa isip ko yung kinanta ni Tristan. Mas lalo siyang gumwapo nung kumanta siya. Kupal na yun, marunong palang kumanta. Pero dati nung hinaharana si Karina, parang ipis ang boses.
Habang nage-emote ako biglang may nag-doorbell. Pagbukas ko ng pinto lahat sila nasa labas. Pinapunta ko ba sila dito? Pati si kuya kasama na nila. Akala ko may pupuntahan siya. Pinagbuksan ko lang sila ng gate tapos mga nagsipasukan na. Ang gugulo talaga nila, mga nagsisigawan pa.
"Ms.Campus! Ms. Campus!" Sigaw nilang lahat. Si Drew at James nagtatatalon pa sa sofa.
"Hoy, bumaba nga kayo diyan. Bakit ba kayo nanditong lima huh?" Sabi ko.
"Ayaw mo ba huh baby girl?" Bulong sa'kin ni Tristan. Hinampas ko nga siya, "Aray, masakit yun ha."
"Eh.. bakit nga kayo nandito? Kuya ang gugulo nila eh.." sabi ko.
"Hindi mo ba naaalala Athena. May practice ka ngayon para sa talent mo sa Ms. Campus." Sabi ni kuya.
"Ha?" Takang tanong ko. Wala kasi akong maalala na may practice kami ngayon.
"Di ba nga kahapon sa Mall. Napag-usapan natin na may practice tayo." Sabi ni Steven. "Akala ko ba matalino ka? Nakalimutan mo na kaagad?" Kailangan ipagdiinan! Nakakainis siya.
"Pa'no lutang kahapon. Kinilig kay Tristan. Ikaw ba naman ang kantahan sa harap ng maraming tao eh." Sabi ni Drew.
"Team Athan!" Sigaw nilang apat. Tapos si Tristan umiiling lang pero nakangiti.
"Tama na nga yan. Ano bang gagawin natin? Tsaka tayo lang ba?" Sabi ko.
Bigla namang may pumasok ng hindi kumakatok, "Kasali din ako" singit ni Bethina at may kasama pang isang babae. Siguro pinsan niya yun, parang pamilyar yung mukha eh. "Ah.. guys, si Kei nga pala, pinsan ko." Sabi niya. Kei pala. Maganda siya. Mukha namang malinis. Tsaka mukhang mabait.. pinsan siya ni Bethina eh. Sigurado mabait din siya. Unless, magkaiba sila ng ugali. (Syempre).
"Ah.. Ako nga pala si Drew.."
"James" nag-uunahan sila Drew at James na lumapit kay Kei. Nakakatawa sila kasi hindi naman sila pinansin.
"Ah.. Kei." Sabi niya pero sa iba siya nakatingin. Si Tristan ang tinitignan niya, na ngayon ay katabi si Steven at ako. Tapos bigla siyang bumulong kay Bethina. Bruha 'to si Bethina.. mukhang may inililihim na sa'kin. "Ikaw ba si Tristan?" Sabi nung Kei, tapos umupo sa tabi ni Tristan. Wow lang huh. Pinatabi pa talaga 'ko. Haliparot.. hindi pala siya mabait. Malandi siya.
"Ah.. ako nga." Sabi ni Tristan na medyo lumayo kay Kei. "So.. start na tayo." Bigla siyang tumayo.
"Buti nga sa'yo Kei. Feelingera ka kasi masiyado." Sabi ko sa isip ko.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...