Athena's Point of View..
----
"Athena"
Napatayo ako nung may narinig akong tumatawag sa'kin.
Habang lumalapit siya sa'kin, mas lalong lumalakas yung tibok ng puso ko. Parang mas nasasaktan ako.
"Athena.. magpapakamatay ka ba?" Sabi niya sa'kin tapos niyakap niya 'ko nang mahigpit. "Huwag kang umalis, hayaan mo lang akong yakapin ka!" Sabi niya sa'kin.
"Tristan, tama na. May fiancée ka na" sabi ko sa kaniya.
"Ayoko! Ikaw pa rin ang mahal ko" sabi niya.
"Pero iniwan mo 'ko. Iniwan mo 'kong umiiyak! Tristan, alam mo ba kung gaano ko nasaktan nung mga panahon na binaliwala mo 'ko. Sobrang sakit dito!" Sabi ko tapos tinuro ko yung puso ko.
"Patawarin mo 'ko"
"Wala nang tayo" sabi ko.
"Pero, hindi pa naman ako nakikipaghiwalay sa'yo eh" sabi niya. Mabuti nalang walang katao-tao sa lugar na 'yun, kung hindi baka napagusapan na naman kami.
"Pero.." hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung makita ko yung mga luha niya na tumulo sa pisngi niya.
"Athena, kung nasasaktan ka dahil hindi ko maipadama sa'yo na mahal kita, mas nasasaktan ako Wifey, kasi hindi ko na maramdaman na akin ka" sabi niya tapos may kinuha siya sa bulasa niya. Akala ko kung ano, pero yung phone niya lang pala. Tapos may dinial siya. Medyo lumayo siya sa'kin, tapos nag-ring na yung phone ko. Nung una akala ko siya talaga yung natawag.. nagulat nalang ako nung si Mr. Condolence yung nakita ko sa screen ng cellphone ko.
"Hello.." sabi ko. First time niya lang tumawag sa'kin. "Hello, magsalita ka naman" sabi ko ulit nung hindi siya nagsasalita.
"Wifey," nagulat ako sa nagsalita sa kabilang linya. Si Hubby ko. "Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi niya.
Tumingin naman ako ng diretso kay Hubby at nakatingin din siya sa'kin. Syet, paano nangyari 'yun? Bakit si Hubby? Eh, sino yung katext ko nung panahon na umiiyak ako sa music room? Siya din kaya 'yun? Pero hindi eh.. siya yung nagpaiyak sa'kin nung mga oras na 'yun eh.
"Bakit natulala ka na diyan?" Sabi niya. "Huy, magsalita ka naman"
"Tristan, tama na!" 'Yun nalang yung nasabi ko at lumakad na 'ko palayo sa kaniya. Pero bigla niya nalang akong niyakap mula sa likod ko at ipinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. Pilit niya pang dinidiin yung ulo niya sa baikat ko kaya medyo nakakakiliti. "Ano pa bang gusto mo Tristan?"
"Ikaw!"
"Tristan tapos na tayo. May Celin ka na.. tsaka, ikakasal ka sa kaniya."
Kiniss niya muna ako sa pisngi ko bago siya nagsalita ulit, "Kaya mo?" Mahinang sabi niya tapos humarap na siya nang ayos sa'kin. "Kaya mo ba talaga na wala na tayo Athena?" Seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Oo nga, kaya ko nga ba na wala na talaga siya sa buhay ko? Magagawa ko pa bang maging masaya ulit kung hihiwalayan ko na siya nang tuluyan? Athena, mag-isip ka.. ano bang dapat mong gawin. Paano mo siya mapapatawad ulit.
"Kaya mo?" Ulit niyang tanong, pero umiling lang ako.
"Ewan ko. Ikaw, kaya mo?" Balik kung tanong sa kaniya.
"Kahit naman bumitaw ka na eh.. hindi kita susukuan. Mahal kita eh, at kahit pa may isang daang rason para hiwalayan kita, gagawa at gagawa ako ng isang paraan para maibalik ka" sabi niya.
"Mga banat mo noh" sabi ko sabay kurot sa ilong niya.
"Bati na tayo?" Sabi niya.
"Oo, isang yakap at lambing mo lang naman eh.. napapaamo mo na 'ko eh" sabi ko. "Sige na, bumalik ka na do'n, baka hinahanap ka na nila" sabi ko, pero inakbayan lang ako ni Tristan.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...