"Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? Wala ka naman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay.." - Bob Ong
....
Athena's Point of View..
----
"Baby Athena, hindi ka pa ba ayos?" Sabi ni Kuya. Simula kasi kaninang umaga pa ko hindi lumalabas. "Pupunta na tayong Airport. Padating na rin sila Drew" sabi pa ni Kuya.
"Kuya, dito nalang ako! I-good bye mo nalang ako kay Hubby" sabi ko habang kumukuha ng tissue sa bag ko. Kaninang umaga pa 'ko hindi kumakain. Kanina pa din ako iyak nang iyak. Huhu, aalis na kasi si Hubby ko!
"Athena hindi naman pwede yun! Kailangan kang makita ni Tristan ngayon. Baka hindi na yun umalis kapag pinagpatuloy mo yang pagmumukmok mo" sabi ni Kuya.
"Ganda halika na" sabi ni Ate Pia. Ganda ang tawag niya sakin.
"Ate malelate na kayo kapag hindi pa kayo umalis," sabi ko kay Ate Pia at nagtakip na ng unan sa mukha at tenga, para hindi ko na marinig pa yung sasabihin nila.
Mga ilang minuto lang.. wala na din akong ingay na naririnig sa labas. Nagsawa na siguro sila Kuya na suyuin ako. Tumingin lang ako ng diretso sa kisame. Iniisip ko na hindi pa aalis si Hubby ko. Kada naiisip ko na aalis kasi siya hindi maiwasan ng mata ko na maluha eh. Hanggang sa isang tao ang kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
"Joey anak, mag-usap tayo" sabi ni Tita at pinipilit buksan yung pinto, "Sige na Joey, mag-uusap lang tayo. Nandito naman palagi si Tita diba" sabi niya pa. Kaya wala na 'kong nagawa kundi pagbuksan na si Tita ng pinto. Siya nga naman yung palaging naandiyan para sakin. Tsaka, baka mas malinawan pa 'ko sa mga nangyayare.
"Tita.." pagkapasok pa lang ni Tita sa kwarto ko, niyakap ko na agad siya. Daig ko na ang namatayan eh.
"Joey, maupo ka muna," inalalayan ako ni Tita na umupo sa kama. "Bakit ka ba nagkakaganyan?" Sabi ni Tita.
"Si Tristan po kasi Tita eh.. aalis na siya, iiwan niya na ko!" Sa puntong 'yon, hindi ko na naiwasan ang maiyak.
"Pero narinig mo naman yung sinabi niya kahapon 'di ba. Araw-araw ka niya tatawagan, para hindi mo siya mamiss, diba!" Sabi ni Tita at pinunasan pa yung ilang luha ko. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Hubby kahapon.
"Mag-iingat ka dito ha. Kapag may lumapit sayong mga lalaki. Sabihin mo agad sa'kin ha. Uuwi ako para lang upakan yung mga unggoy na yun!" Sabi niya.
"OA mo Hubby. Okay lang naman ako dito eh. Ikaw yung umayos doon. Yare ka talaga sa'kin kapag nambabae ka. Tatawagan ko lagi si Trevo para bantayan ka!" Sabi ko naman. Kasama niya kasi si Trevo na pupunta sa New York. May bahay din kasi si Trevo sa New York eh. So Hindi mahirap para kay Hubby na manirahan don.
"Behave lang ako don. 'Wag mo nang tawagan si Kuya please. Ayoko na nag-uusap kayo ng gagong yun! May gusto yun sa'yo" sabi niya. Napakaseloso talaga.
"Alam mo Hubby, napakaseloso mo," kinurot ko yung ilong niya bago ako nagsalita ulit, "Eh diba nga, umamin na si Trevo satin na pinagseselos niya lang tayo para umamin ka na, na may gusto ka sa'kin" sabi ko.
"Kahit na"
"Mamimiss kita" niyakap ko nalang siya para mawala na yung selos niya.
Huling araw na kasama ko siya eh.. sa bahay lang kami. Yun kasi yung gusto ko. Ipinagluto niya rin ako ng mga paborito niyang pagkain. Para hindi ko daw siya mamiss. Pero nagbanta siya na kapag hindi daw kami tumira pansamantala sa bahay na binili niya eh.. hindi na daw siya babalik ng Pinas. Pumayag na din kasi si Tita eh. Pero ngayong wala lang daw si Tristan. Bawal daw kasi kami talagang magsama sa iisang bubong. Mahirap na pati noh, baka mamaya hindi makapagpigil 'tong Hubby ko eh.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...