Mahal mo, mahal ka rin naman, tapos papakawalan mo? Tanga ka, tanga ka.. hindi masama ang ipaglaban siya. Hindi yung magpaparaya ka. Tao lang tayo, hindi tayo superheroes na magpaparaya para sa iba- Papa Jack
----
Tristan's Point of View..
....
"Huhu.."
May babaeng umiiyak sa may Park. Isang batang babae, pero hindi ko alam kung sino siya dahil hindi ko makita yung mukha niya.
"Bata bakit ka umiiyak" sigaw ko sa kaniya. Lumalayo kasi siya mula sa'kin eh. Bumuka lang yung bibig niya pero wala akong marinig na kahit na anong salita mula sa bibig niya.
"Bata" sigaw ko ulit pero bigla nalang siyang naglaho.
"Tristan.. --Daddy" nagising ako nang maramdaman kong may umuuga sa'kin mula sa pagkakatulog ko.
Isang panaginip lang pala ang lahat!
"Tristan. Okay ka na ba? Binabangungot ka kasi kanina, kaya ginising ka namin ni Jolo." Sabi ni Karina.
"Yes Daddy" sabi ni Jolo. Tatlong taong gulang palang siya, pero parang aware na siya sa mga nangyayare.
Ano kayang ibigsabihin ng panaginip ko kanina. Bakit may batang babae na umiiyak sa may Park kanina sa panaginip ko. Sino siya? Posible kayang si Athena yun?
"Nasan si Athena?" Sabi ko. Kanina lang kasi nandito siya sa tabi ko eh. May narinig din ako na ibinulong niya sa'kin kanina. Pero hindi ko naintindihan
Tumayo muna si Karina at inayos yung unan ko bago nagsalita, "Umuwe na sila kanina pa. Kanina ka pa nga namin binabantayan niyang si Jolo eh. Kahit alas dos na ng madaling araw" sabi niya. Tumingin naman ako sa wall clock ng kwarto ko. Two na nga ng madaling araw. Syet, ang tagal ko palang nakatulog.
"Anong nangyare?" Sabi ko at sinubukan ng tumayo.
"Nawalan ka ng malay tapos tinawagan ako ni Kuya kanina kaya pumunta agad kami dito" sabi niya. Nakay Karina kasi muna si Jolo. At least may yaya na magbabantay sa kaniya. Hindi naman kasi ako ganon kalapit sa mga bata eh. Napilitan lang ako kasi ayoko sa umiiyak na bata. Eh nung nakita ko siya, parang may iba sa kaniya. Parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya. May kamukha rin kasi siya eh.
Pagkakain ko ng.. ewan ko ba kung tanghalian ko yun o umagahan. Basta feeling ko guton na gutom ako. Nagpalit lang ako ng damit tsaka lumabas ng Condo ko. Balak ko kasing puntahan si Athena. Ewan ko ba, parang gusto ko siyang makita ngayon. Ang lakas talaga ng tama niya sakin.
Iniwan ko na muna sila Karina don. Wala na 'kong gusto sa kaniya. Bigyan lang ako ng pagkakataon ni Athena na mahalin ko siya, hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa. Kahit pa sino ang humadlang samin, gagawa ako ng paraan makuha ko lang ulit siya.
Habang papalapit yung motor ko sa kanila, may napansin akong isang lalaki sa harap ng bahay nila. Base sa itsura niya, mukha siyang nasa 40's na. Pero mukha namang maayos yung itsura niya. Bago pa ko makita nung lalaki eh, ipinarada ko na muna yung Motor ko sa tabi at nagtago ako sa puno. Nakatingin lang siya sa may bintana nila Athena. Yung nasa harap na bintana pa naman ang kay Athena.
"Sino kaya yun" sabi ko sa isip ko nung paalis na siya. Pagtapat ko sa bahay nila bigla namang bumukas yung gate at lumabas yung Tito at Tita ni Athena.
"Oh ijo, napadaan ka" sabi nung Tita nila.
"Ah--eh.. kasi po, pwede po ba 'kong pumasok" nasabi ko nalang. Kahit naman talaga ang plano ko eh.. batuhin yung bintana ni Athena at palabasin siya. "Kung hindi po okay lang" nagtingin muna silang dalawa bago tumingin ulit sa'kin.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...