Kung ayaw mo ng pinagdududahan ka, wag kang gumawa ng mga bagay na kahinahinala- Athena
----
Athena's Point of View..
....
"Kuya ang aga pa. Namiss mo na naman ako noh" mahinang sabi ko habang nakapikit parin dahil sa puyat at pagod kahapon. "Tama na yan kuya. Hindi na 'ko nakikiliti diyan" sabi ko nung kilitiin ulit ako ni Kuya sa paa.
Pero kahit anong gising ni Kuya eh.. hindi ko iminulat yung mata ko. Parang hindi pa 'ko handang harapin yung mundo ngayon eh. Parang hindi ko pa kayang ipakita sa kanila yung ngiti ko. Kahit kasi ipinaintindi na sa'kin ni papa ang lahat, hindi pa rin magsink in sa utak ko ang lahat-lahat ng bagay na nalaman at iniyakan ko kahapon.
"Kuya please, ten minutes.. antok pa 'ko eh," nagkumot ako bago ako dumapa sa kama. Pero bigla siyang dumagan pahiga sa'kin. Kaya magkadikit yung likod namin. "Aray kuya.. ang bigat mo!" Sigaw ko.
Ano ba naman 'to si Kuya, hindi nagsasalita. Napipi na yata eh.
"Wifey.." biglang bulong nung nakahiga sa'kin. Fvck syet, napabangon agad ako. Si Hubby pala yun! "Gising na. Nagseselos na 'ko niyan huh. Kanina pa 'ko dito pero si Jared lang ang lagi mong tinatawag," tumayo na siya bago nagsalita ulit. "Nakalimutan mo na yata na ako ang alarm clock mo" sabi niya tapos kinuha yung tuwalya ko.
"Hubby, anong gagawin mo diyan?' Sabi ko.
"Bubuhusan kita ng malamig na tubig kapag hindi ka pa bumangon diyan. Kaya inihanda ko na 'tong tuwalya" sabi niya.
Naka-uniform na si Hubby nung pumunta dito.
"Babangon na nga 'di ba" sabi ko sabay bangon na at ayos sa buhok ko, bago kami lumabas ni Hubby sa room ko.
Kainis, sa susunod ilo-lock ko na yung pinto ng kwarto ko. Kumain lang kami ni Hubby, tapos naligo.. bago kami pumasok sa school. Dahil male-late na kami, dinala nalang ni Hubby yung kotse niya.
"Hubby, namiss ko 'to" sabi ko.
"Ako din" sabi naman ni Hubby.
Bago pumasok, inihanda ko na yung sarili ko na.. 'wag na munang isipin yung sakit ni mama. Parang normal lang muna ang lahat, nasa Canada sila at nagtatrabaho, tapos masaya. Ayoko kasi na makaapekto pa sa pagaaral ko ang lahat.
"Nasabi--" hindi ko na pinatapos si Hubby, dahil ayoko ngang marinig yung sasabihin niya na.. may sakit si.... nevermind!
"Shhhhh, huwag nalang muna nating pagusapan yun. Nasa Canada sila mama, yun nalang muna yung pagusapan natin. Tsaka yung game niyo, kelan na nga pala yun?" Sabi ko habang nakatingin ng deretso sa daan.
"Tinawagan ako ni coach kahapon, ang sabi niya eh.. na-moved daw sa isang araw, kaya mapapaaga" sabi ni Hubby. "Manunuod ka huh. Huwag ka na ulit aalis" sabi niya. Nagaalala siguro siya, dahil sa nangyare sa'kin dati sa practice nila.
"Yes hubby" sabi ko at kiniss ko siya sa pisngi.
Pagdating palang namin ni Hubby sa parking ng Jacob's eh, ang dami nang mga tao na nagkukumpulan sa labas at sa loob. "May artista ba?" Bulong ko sa isip ko.
"Hubby, anong meron?" Tanong ko kay Hubby nung bumaba na kami. Ang dami kasi talagang tao eh. Tsaka ang ipinagtataka ko lang eh.. karamihan sa kanila eh.. puro mga lalaki. Hindi naman ganito dito eh. Ang madalas na nagkakagulo dito eh mga babae. Pero ngayon, naiba na yata ang ihip ng hangin. Mga lalaki na ang nagkakagulo. Siguro naandito si Angel Locsin o si Jennifer Lawrence.
"Hindi ko din alam Wifey eh, huwag ka nang makigulo diyan. Tsismosa mo talaga" sabi niya. Sinabihan niya na naman ako non. Hihi.. yung mga salita niyang yun ang namimiss ko minsan. Tsaka yung mga katarayan niya.
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...