Athena's Point of View..
....
"May masamang balita" sabi ko. OA, 'tong si Tristan tulog ba 'to o ano?
"Ano yun?" Sabi ni Drew. "Wala na ba si Karina?" Sama talaga nito eh.
"Pinatay mo sya athena? Ikaw ha, may gusto ka kay Tristan noh" sabi nya at tumingin sya kay Tristan. "Teka.. kanina lang gising 'to ah" sabi ko na eh.. gising sya.
"Ano ba yung masamang balita ha" sabi naman ni James.
"Si Karina kasi.."
-Flashback-
"Kuya ano daw? Pwede na ba 'kong lumabas?" Sabi ko. Letcheng kidnapper yun, hindi naman kami mayaman. Tsaka kay Tristan naman sya may galit ako pa ki-kidnappin. "Tsaka si Karina at Tristan nga pala kamusta na?" Sabi ko.
"Hindi ko pa sila napupuntahan Baby athena eh. Pero ikaw pwede ka na daw lumabas." Buti naman! Ayoko kaya sa ospital.
Si karina naman kasi eh humarang pa. Napuruhan tuloy sya. Masaklap pa nun kapatid nya yung gumawa nun sa kanya. Mabuti nalang dumating sila kuya at si Steven. Hindi ko pa alam kung anong nangyari sa kuya ni Karina. Pero sa ngayon 'di ko pa sya kayang patawarin sa ginawa nya samin.
"Kuya kamusta yung kumidnapped sakin?" Tanong ko kay kuya. May mga inaayos lang sya sa gamit namin para makaalis na kami. Nagdala na din kasi sya ng damit, 'kala nya kasi magtatagal ako sa ospital. But thanks to God, hindi nangyari.
"'Wag mo ng isipin yun. Ayos na ang lahat. Ang mahalaga ayos kana." Tama si kuya. Hindi ko na dapat isipin pa yun. "Oh. Tara na" sabi nya at lumabas na kami.
Nauna naming daanan yung room ni Karina kaya dun na muna kami pumunta bago kay Monster. Sana walang masyadong nangyari dun sa monster na yun. Wait, erase.. erase! Hindi ko dapat sya iniisip.
"Pre kamusta si Kar?" Bati ni Kuya kay Steven. Malungkot naman yung mukha ni Steven. Mukhang hindi maganda yung lagay nya.
Kasalanan ko 'to eh!
"Hindi pa namin alam eh. Pero padating na yung doctor, may mga ilang test pa kasing ginawa eh" sabi nya. Ngayon ko lang syang nakita na ganito. Seryoso. Lagi kasing magulo 'to si steven eh. Seryoso din pala sya minsan. "Upo muna kayo" sabi nya. Umupo naman kami ni kuya.
"Sorry.." sabi ko at hinawakan ko yung balikat ni Steven.
"Wala kang kasalanan babe." Nakangiting sabi nya. Nakakaganyan pa talaga sya ha! "Tsaka si kuya naman talaga yung may kasalanan eh. Kung alam ko lang na gagawin nya 'to, edi sana pinigilan ko na sya." Sabi nya.
"Salamat." Sabi ko.
Mga ilang minuto lang dumating na yung doctor.
"Parents, kamag-anak ng pasyente?" Sabi nung doctor.
"Kapatid po" tumayo naman si Steven.
"Hindi maganda ang lagay nya. Napuruhan ang ulo nya." Sabi ng doctor, kahit papano rinig namin ni kuya yung mga sinasabi nung doctor. "Tatapatin na kita, comatose ang pasyente.. coma sya ngayon." Lahat naman kami nagulat sa narinig namin.
"Doc, hanggang kelan? Gigising pa ba sya?" Maluha luhang sabi ni Steven.
"Oo, pero hindi ko masasabi kung kailan. Pwede kasing sa isang araw, bukas, sa isang buwan, taon.. o' pwede ring hindi na sya gumising" sabi nung doctor. Lumapit naman si Steven kay karina at hinimas ang ulo nito.
"Gigising sya doc, diba Karina.." sabi nya. Kahit papano may puso din pala 'tong ugok na 'to. Grabe lang isa isa ko na silang nakikilala eh. "Basta lalaban sya."
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...