Di lahat ng pangako natutupad. Ang tanong dyan kung paano mo yun tutuparin sa pangalawang pagkakataon.- Athena
---------
Athena's Point of View..
....
Habang nakahiga ako sa kama at nakapikit ang mga mata ay biglang may pumasok sa kwarto namin ni Bethina. Nung una kinabahan ako kasi akala ko kung sino. Pero nakita ko sa Peripheral Vision ko na si Steven naman pala yun, kaya hindi na 'ko masiyadong kinabahan. Lecheng Bethina yun, hindi marunong mag-lock ng pinto!
Bigla siyang lumapit sa'kin at hinimas yung buhok ko, "Athena sorry huh. Minamahal kita ng palihim," sabi niya. Nagulat ako sa mga sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na palihim? Tsaka ano daw? May gusto siya sa'kin? Kelan pa?! "Pangako ko poprotektahan kita! Gaya ng sinabi ko sa'yo dati nung mga bata pa tayo" mga bata pa kami? Anong ibig niyang sabihin? Nahihibang na ba si Steven? Pinilit ko pa ring magtulog-tulugan. Pagkatapos niyang magsalita, lumibot naman siya sa may kwarto tapos hinawakan niya yung bracelet ko. Ano kayang gagawin niya don? Nanakawin?! Paksyet, anong ginagawa niya? Lalapit na naman siya sa'kin.
Maya-maya lumapit yung mukha niya sa tenga ko, "Mamaya mag-usap tayo sa dalampasigan" kahit nakikiliti ako pinilit kong 'wag tumawa. Mag-usap daw kami sa dalampasigan? Alam niya kaya na tulog ako? Hunyeta naman 'tong si Steven, ang daming drama!
Pagkalabas niya sa kwarto namin, para akong nabunutan ng tinik. Para akong naghahabol ng hininga. Halos hindi kasi ako makahinga kanina eh. Mga ilang minuto pa 'kong nanatili sa paghiga ko bago ako nag-ayos para lumabas na. Paglabas ko nakasalubong ko pa si Tristan.
"Tristan nasa'n sila?" Sabi ko. Pero hindi niya pa rin ako pinapansin! Buiset siya! Bahala na nga siya sa buhay niya! "Kung ayaw mo 'di 'wag mo!" Mahinang bulong ko. Ewan ko kung narinig ba niya, kasi tumingin siya sa'kin ng masama.
Bago pa niya 'ko mabungangaan eh.. dumaretso nalang ako kila Bethina. Mga naglalaro sa dagat. Nakasuot lang ako ng white na sando tapos short na kulay pink. Tama lang naman ang haba, tama lang rin ang ikli. Yung hindi babastusin! Yare kasi ako kay Kuya 'pag nakita niyang sobrang ikli ng suot ko eh.
"Bestie dito!" Sabi ni Bethina na kumakaway pa. Wait, sino yung kasama niyang bata? Si Jolo ba yun?
Nilibot ko yung mga mata ko sa paligid. Nandito na pala sila Karina. Tsaka si Cheska. Kaya naman pala mukhang masayang masaya si Steven eh. Kanina lang nilalandi ako habang natutulog. Ngayon may kalandian ng iba!
"Ay palaka!" Sigaw ko ng may biglang nagtakip sa mata ko. "Sino 'to? Ayoko ng ganitong biro Tristan" sabi ko.
"Hindi ako si Tristan" sabi nung nagtakip sa'kin. Tapos pang-bata pa yung gamit niyang boses.
"Ah, sino ka nga?" Sabi ko.
"Ako ang future boyfriend mo" sabi niya.
"Ulul. Sino ka nga, nahihilo na 'ko" sabi ko. Totoo naman kasi eh. Nasakit kasi yung puson ko kanina pa. Eh, sobrang hirap ako kapag sumasakit yung puson ko. Minsan ayokong bumangon sa pagkakahiga. Minsan naman nasusuka 'ko.
"Bakit nahihilo ka?" Sabi niya na humarap sa'kin tapos humawak sa magkabilang braso ko. "May masakit ba sa'yo?" Sabi niya pa at hinawakan yung noo ko. Nandito rin pala siya.
"Nandito ka rin pala?" Sabi ko habang tinatanggal yung kamay niya sa braso ko. "Okay na 'ko. Sumakit lang puson ko kanina" sabi ko pa at lumakad na palusong ng dagat. Bata palang ako gustong gusto ko na ang dagat. Ewan ko ba, narerelax kasi ako kapag nakakakita ako ng dagat eh. Parang nakukuha niya lahat ng pagod ko.
"Kawawa ka naman pala" sabi niya. Napakalandi talaga, ang tagal nawala tapos ngayon manglalandi na naman! Nakakaadwa. Kahit gwapo siya, mas gusto ko pa rin si.. ay, nevermind!
BINABASA MO ANG
The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)
FanfictionA Simple School Girl, with a very peaceful life. Akala nya maayos na. Akala nya payapa na ang buhay nya hanggang makagraduate sya. Pero nagbago ang lahat at bumaliktad ang ikot ng mundo para sa kanya ng makilala nya ang limang barakong lalaki. Liman...