Chapter 15- May Gusto na si Tristan

3.5K 165 22
                                    

Steven's Point of View..

--

"Joey, pwede ba kitang makausap?" Sabi ni Ricko. Put* sya yung leader nang gang na 'Puma'. Isa sa mga kalaban naming gang dati. Nang nakilala na ni Tristan si Athena, itinigil na namin yung gang namin na 'Red Panthom'. Kaklase din namin sya sa Jacob's. Hindi lang namin ipinapakita kay athena na kilala namin yung lalaki na yan!

Yung mukha ni Athena hindi maitago yung gulat nung marinig yung bosea ni Ricko.

"Athena, tayo muna ang mag-usap!" Seryosong sabi ni Tristan kay Athena. Binitawan ko na si Athena, sign na sumama na sya kay Tristan kesa kay Ricko pa sya sumama.

"Ricko ano bang pag-uusapan natin?" Nagulat kami ni Tristan nang lumingon si Athena kay Ricko, at tanungin ito.

Alam ko na Ex nya si Ricko. Alam naming lahat.

"Gusto ko sana na tayong dalawa lang" sabi ni kupal sabay tingin pa saming dalawa ni Tristan! Gag* sya. Ang sarap sapakin ng mukha eh.

Wala na kaming nagawa ni Tristan nung sumama na si Athena kay Ricko. Sumakay silang Ferris Wheel. Nakakainggit naman! Woooh.. gay masyado!

"Pre, tablado ka ah!" Birong sabi ko sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo Ven?" Sabi nya.

"Halika.. tayo ang mag-usap!" Kung meron man silang nakakausap sa grupo namin, syempre ako yun! Ako lang ang matalino sa grupo eh! Haha..

"Sira ka talaga Ven." Aba, loko 'to ah.. akala ata nagloloko ako. "Ano namang pag-uusapan natin? Yung nga naikama mo kagabe?" Aba.. never been kissed, never been touched, yata ako! In short.. virgin pa 'ko.

"Seryoso ko." Sabi ko, at umupo ako sa madamong parte ng E.K. "upo ka" sabi ko.

"Ano bang gimik 'to Steven ha?" Sabi nya nung umupo na sya sa tabi ko.

"Ano bang sabi ko.. mag-uusap tayo diba. Ano bang akala mo, maglalaba tayo?" Sabi ko. Bigla naman nya 'kong binatukan. Aba, masakit yung batok ni Kupal, "Aray Tristan, masakit yun huh!" Sabi ko.

"Gago ka kasi!"

"Okay na.. seryoso kasi," sabi ko.

"Dalian mo.. bading ka na naman eh!" Sabi nya. Siraulo 'to ah!

"Handa ka na ba?" Sabi ko.

"Oo bakla!" Isa pa. Tawa naman sya nang tawa.

"Siraulo ka talaga!" Pero tawa pa din sya nang tawa. "May gusto ka ba kay Athena?" Ayun natigilan sa sinabi ko. Sumeryoso yung mukha.

"Ah..ah.. ako?" Nauutal na sabi nya. 'Di naman sya halata diba! "Steven, waka ah! Ako magkakagusto sa maingay at chismosang kagaya nya? No way!"

"Tristan kilala kita! Pati utot mo alam ko. Kahit nga hininga mo alam ko na amoy patay na daga eh." Asar ko sa kanya.

"Ugok ka!"

"Seryoso, bata palang tayo kaibigan na kita.. kaya alam ko kung gusto mo ang isang babae o hindi. Tsaka, ngayon ko lang yan nakita sa 'yo."

"Anong nakita mo sa 'kin? Psychic ka ba?" Sabi nya.

"Yung ganyan. Yung lagi kang nakangiti. Yung hindi ka na mahilig sa babae. Yung masaya ka lagi. Aminin mo na kasi, masaya naman ako para sa 'yo eh." Sabi ko. Kita ko naman yung pagkaseryoso ng mukha nya. Alam ko na may part sa puso at utak nya na naguguluhan.

"Steven, ewan ko. These past few days.. naaabnormal yung puso ko kapag kasama ko sya. Naaatract ako sa kanya kahit hindi naman dapat. Steven ayokong saktan si Karina, ayokong saktan ka," alam ko naman yun eh.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon