Chapter 20- Mixed Emotions

2.7K 123 12
                                    

Sana kaya kitang iwasan, sana kaya kitang hindi pansinin at sana hindi kita lubos na minahal. Para hindi ganito kasakit pag nasasaktan ako.- Athena

....

Athena's Point of View..

"Contstant number fourteen!" Ako? Huling tawag nalang yun nung emcee.. pero ako talaga.. pasok ako sa Top ten!

"Whooooaaa! Ang galing mo Athena!"

"Athena! Athena!"

Sigaw nila. Nakapasok din naman si Karina sa Top ten. Siya pa nga yung unang tinawag eh. Pati si Denies pasok din. Lumapit sila Kuya sa'kin at niyapos ako. Si ma'am tuwang-tuwa pa. Si Steven naman kay Karina pumunta. Naiintindihan ko yun noh.

Pagkatapos non humingi muna ako ng favor sa kanila na gusto ko lang mapag-isa. Pumayag naman sila, kaya pumunta muna ako sa may lumang building ng school. Walang gaanong tao sa pumupunta sa lumang building na yun, kaya minsan kapag malungkot ako dun na muna ako tumatambay! Masarap ang simoy ng hangin, maaliwalas, tahimik, maganda ang view. Masarap mag-unwind.

Umupo ako sa isang sirang armchair.. tapos nakatingin lang ako sa malayo. Ewan ko kung ano bang iniisip ko. Halo-halo na eh. Si Karina, si Tristan, yung pagkapanalo ko, at yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung kaya kong ngumiti ngayon dahil sa nanalo ako. Oh, malulungkot dahil marami na naman ang magbabago!

"Sorry.." may bigkang nakatayo sa tabi ko. Hindi ko pa siya nakikita.. ayoko pang humarap sa kaniya. Kung sino man siya, ayokong makita niya na umiiyak ako at kaawaan. "..marami akong kasalanan sayo. Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi niya tapos pumwesto siya sa harap ko. "Alam mo Joey, 'di bagay sa'yo ang naiyak. Lumalaki kaya yang butas ng ilong mo!" Sabi niya sa'kin. Namiss ko yung boses niya. Namiss ko yung pagbibiro niya sa'kin. Pero bakit siya nandito?

Humarap ako sa kaniya, "Chantell," medyo gulat na sabi ko. "Anong ginagawa mo dito?" Nag-iba yung tono ng boses ko. Medyo may galit na.

"Bestfriend?" Sabi niya. Uso pa ba yun? Inilahad niya yung kamay niya sa harap ko. "Sorry na.." ulit niya pero hindi ko pa din siya pinapansin.

"Alam mo Chantell, ang dami kong tanong tungkol sa mga nangyayare. Ang dami kong gustong sabihin sa'yo. Marami akong gustong liwanagin. Gusto kitang sumbatan, gusto kitang gantihan. Pero ikaw yung naiisip ko. Naiisip ko na wala lang din akong pinagkaiba sa mga taong nananakit sa'kin ngayon, kung gagawin ko yun. Kasi--" sabi ko. Iniisip ko ba kung ipagpapatuloy ko pa yung sasabihin ko na Bestfriend kita.

"Kasi kaibigan pa din yung turing mo sa'kin?" Nakangiting sabi niya.

"Oo" napangiti na din ako. Ngayon ko lang naisip na.. naka-move on na 'ko kay Ricko, kaya dapat patawarin ko na sila sa mga kasalanan na nagawa nila sa'kin. "Namiss kita loka ka!" Sabi ko at niyapos ko siya.

"Namiss din kita.." sabi niya tapos hinigpitan niya pa yung pagkakayakap sa'kin. "Parang nananaba ka! Hiyang mo si Tristan ah." Napabitaw naman agad ako sa yakap niya nung narinig ko yung pangalan ni Monster! "Ay, sorry." Sabi niya.

"Okay lang. Tsaka wala yun noh. Bakit ba lahat nalang kayo tinatanong ako kung okay lang ba 'ko? Oo naman, wala naman ako sa buhay non ni Tristan eh. Naging tutor/yaya niya eh." Walang ekspresyon na sabi ko.

"So, ano nang balak mo?" Sabi niya.

"Wala. Lalayo nalang siguro!" Sabi ko tapos tumayo na, "Tara canteen tayo! Libre mo ko. Namiss ko yung libre mo eh!" Sabi ko.

"Game"

Magkahawak kamay kaming pumunta ni Chantell sa canteen. Hindi naman puno yung canteen ngayon. May ilan lang na kumakain at kino-congrats ako sa pagkakapasok ko sa Top ten.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon