Chapter 6- Jared Salveda (Kuya)

4K 202 59
                                    

Athena's Point of View..

....

"Okay ka lang?" Si Karina, sinundan nya pala 'ko papuntang flagpole. "Wag ka ng umiyak, ikaw na yung nagsabi diba na mean at bad boy sya, kaya wag kang magpaapekto sa mga sinasabi nya." Sabi nya.

"Bakit nandito ka?" Sabi ko. Nakahawak ako sa pisngi ko ngayon, namumula kasi ako eh kakaiyak.

"Wag mo ngang takpan yang mukha mo, ang ganda mo kaya. Wala kang kasalanan sa mga nangyari. Kahit naman na hindi mo 'ko pinaliwanagan non eh hihiwalayan ko na din naman sya non" sabi nya. Nagulat ako don ha! May plano pala sya non.

"Sorry ha"

"As i said, wala kang kasalanan." Sabi nya.

"Wala na ba talaga kayo ni Tristan?" Sabi ko.

"Sa ngayon oo. Pero gusto ko kasi na hanapin nya muna yung sarili nya, na magbago muna sya." Sabi nya.

"Panong magbago?" Sabi ko. Kahit naman alam ko yung dapat magbago kay tristan eh tinanong ko pa din, baka kasi may gusto pa syang sabihin maliban sa naiisip ko .

"Gusto ko maging good na sya, gusto ko na baguhin nya na yung ugali nya." Sabi nya.

Nagka idea na ko kung pano ko sila mapagbabati at maibabalik sa dati.

"Hayaan mo, magbabago din sya" sabi ko.

"Sana.. kilala mo naman sya diba. Mean boy sya" sabi nya.

"Mahal ka nya diba, narinig mo naman siguro sya kanina, kaya nyang magbago para lang sayo" sabi ko.

Pagkatapos namin mag usap umuwi na 'ko. Nakakawalang gana sa school eh, niyayaya nya 'ko na kumain daw kami pero tumanggi ako, kakakilala pa lang namin tapos kakain na agad kami. Arte much!

"Tita, magandang hapon po. Nasan po sila kuya?" Sabi ko. Wala kasi sila tito at kuya eh.

"Wala sila Joey, nasa may karinderya. Hindi pa kasi naubos yung mga paninda kanina eh. Pero mauubos na din yun kaya pauwi na sila" sabi ni tita.

"Sige po tita. Pero pwede po ba 'kong pumunta don?" Sabi ko.

"Ikaw ang bahala Joey" joey pa din si Tita eh, ako si Athena eh. "Magpalit kana" sabi pa ni tita.

"Tita, Athena nalang po wag ng Joey" sabi ko.

"Ikaw ang bahala." Sabi nya.

Pagkapalit ko ng damit dumaretso na 'ko sa karinderya nila tita. Madami pa yung paninda. Kaonti daw kasi yung kumain ngayon at halfday lang dun sa tapat namin na opisina eh. Buti nalang walang nakain na estudyante ng 'Jacob' dito, kundi nahuli na kami ni kuya.

"Kuya.." tawag ko sa kanya. "May naorder don oh" sabi ko.

"Ba't pumunta ka pa kasi dito wala ka rin naman palang itutulong" sabi nya.

"Nag aaway ba kayong dalawa?" Tanong ni tito.

"Hindi po" sabay na sabi namin.

"Wag kayong mag aaway, dalawa na nga lang kayo eh" sabi ni Tito. "Dapat magmahalan nalang kayo" tama ka dyan tito!

"Oh kuya narinig mo yun!" Sabi ko. Inirapan nya lang ako! Gay lang eh.

Andami pa din, pagabi na andami pa din naming ulam na tinda! Ngayon lang nangyari 'to. Sana may dumating na anghel na bibili ng lahat ng 'to.

"Magandang hapon po" may pumasok sa karinderya namin. Hindi ko alam kung sino kasi nasa may kusina ako. "Nandito po ba si Athena?" Tama ba yung narinig ko, ako ba yung hinahanap?!

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon