Chapter 35- She's not my girlfriend, she's my wife

3.2K 128 28
                                    

Huwag mong ipilit ang sarili mo sa isang taong hindi ka na mahal. Mukha ka na ngang tanga, pinapatunayan mo pa- Athena

....

Athena's Point of View..

----

Nagising ako na wala na si Tristan sa tabi ko. Wala rin siya sa loob ng kwarto kaya tumayo lang ako para hanapin siya sa labas. Suot ko pa nga yung damit niya eh. Hindi ko na matandaan na nakapagpalit pala 'ko ng damit kanina. Kahit ramdam ko pa yung konting sakit sa tuhod at braso ko, pinilit ko pa din tumayo at lumabas sa kwarto ni Tristan.

"Tristan," tawag ko sa kaniya nung lumabas na 'ko. "Anong niluluto mo?" Tanong ko naman nung makita ko siya sa may kitchen na may niluluto na naman.

"Oh, bakit gumising ka na agad? Okay ka na ba?" Tanong niya sakin.

"Medyo. Pero 'wag mo na 'kong alalahanin masyado, hindi na naman masakit eh. Ang galing kaya ng doctor ko," tapos kinurot ko yung pisngi niya, "At gwapo pa" sabi ko tapos niyakap ko siya habang hinahalo niya yung niluluto niya.

"Sweet naman ng baby girl ko. Gutom ka na ba?" Sabi niya tapos humarap siya sakin at pinindot-pindot yung ilong ko.

"Oo, at kapag gutom ako, nangangain ako ng gwapo --rawr!" Sabi ko at umarte na parang isang lion.

"Sige, pagkakain natin, pahinga ka na ulit" sabi niya. Pahinga na naman, eh.. kakatulog ko lang. Tsaka may pasok pa kaya kami!

"May pasok tayo ngayon noh. Anong oras na ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Twelve midnight palang" nagulat naman ako nung sinabi niyang Twelve na. Akala ko kasi hapon na at papasok na kami sa afternoon class namin. "Oh, natulala ka na dyan" sabi niya habang inaayos yung lamesa.

"Tristan uuwe na 'ko" sabi ko na parang alas tres lang ng hapon at kaya 'kong umiweng mag-isa.

"Hindi pwede. Alam na ni Jared na nandito ka. Dumaan na din sila dito kanina at kinamusta ka, kaya wala ka ng dapat na ipagalala pa" sabi niya.

"Eh, paano yan. May pasok pa tayo bukas, wala akong uniform" sabi ko.

"Wala ng problema, ayos na lahat. Ikinuha kita ng pang-isang linggo mong uniform sa inyo. Pumayag na din si Jared na dito ka muna sa condo ko. Siya na daw ang bahalang magpaliwanag sa Tito at Tita mo, sasabihin niya daw na may group project ka na malaking-malaki" sabi niya na natatawa pa.

"Sira ka talaga. Dito ko titira ng isang linggo?" Nanlalaking mata na sabi ko.

"Basta dito ka muna titira, yun na yun! 'Wag ka nang makulit baby girl ha" sabi niya. Natahimik nalang ako. Alam ko na kasi kapag galit siya o seryoso siya.

Kumain lang kami ni Tristan ng tahimik. Ewan ko ba, parang wala akong masabi sa kaniya.

"Baby girl, hindi mo ba namukhaan yung gumawa sayo niyan?" Basag niya sa katahimikan.

"Tristan, 'wag nalang natin pag-usapan. Sigurado ko na masaya na sila ngayon na nasaktan nila ko. Siguro naman hindi na sila mananakit ulit" sabi ko. Kita ko naman sa mata ng boyfriend ko na malungkot siya, and at the same time nagwo-worry siya sakin.

"Sigurado ka?" Tanong niya.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap ng mahigpit, bago nagsalita ulit, "Sigurado ako. Kahit pa nga habulin nila 'ko ng itak eh.. hinding-hindi kita hihiwalayan. Mahal na mahal kita Tristan Kurt Ong" sabi ko. Namula naman ang loko sa sinabi ko.

Hinawakan niya yung magkabilang kamay ko habang yakap ko pa siya bago siya nagsalita, "Mahal na mahal din kita Athena, " sabi niya. Alam ko iniisip niya na ang korni naming dalawa. Pero ganito naman talaga kapag nagmamahal ka ah. Nagiging korni ka!

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon