Prologue

13.6K 331 176
                                    

Mga mayayaman lang naman talaga yung may karapatan sa mundo para sa iba diba?

Pero ako? Hindi ah.. lahat pantay pantay.

Gusto kong umutot okay lang kahit pa sa maraming tao. Bakit bawal bang umutot? Sila ba hindi umuutot. Tsaka may excuse naman eh.

Gusto kong mangulangot, bakit ba, wala silang pakielam.

Gusto kong magingay, eh ano naman.
Buhay ko to, kaya pwede kong gawin yung lahat ng gusto ko.

Pagsumikat ka, ayan ang kamera, paparazzi at media. Puro ilaw, puro ingay ang maririnig mo.

Lahat sila hahanapan ka ng baho bumagsak ka lang.

Aalamin yung pinakamalalim na kapangitan mo pagtawanan ka lang.

Lahat pagtatawan ka na 'pag may nagawa kang kamalian.

Hindi ka nila itatayo kapag nadapa ka kaya dapat matatag ka. Kailangan kaya mong itayo yung sarili mo mula sa pagkakadapa mo.

-Athena..

....
Hindi ko naman sinasadya na mapaghiwalay ang Leader ng Mean Boys at yung Ex nya eh.

Sinaktan nya kaya yung Ex nya kaya kinausap ko yung Ex nya. Hindi ko naman akalain na maniniwala sya sakin.

'Hiwalayan mo na sya, palagi ka lang nyang paiiyakin. Tandaan mo, isa sya sa mga mean boys at sikat sa school. Sa tingin mo ba hindi sya titingin sa iba. Kaya kung ako sayo iwan mo na yan. Nasayo yung desisyon kung kaya mo pa o makikipaghiwalay kana habang maaga pa'

Hindi ko naman akalain na maniniwala sya dyan sa mga sinabi ko.

*(PROLOGUE)*

"Sya ba yun? Sya ba yung Athena?! Yung madaming alam, si goddess of wisdom"

"Oo friend, balita ko magaling yang mangloko at magaling syang manira nang mga magsyota."

"Impakta pala yan eh"

"Sinabi mo pa. She's a freak!"

Instant celebrity ako sa school namin eh..

Bigla akong tumayo at kinausap yung dalawang kanina pa ko pinag uusapan. Napakadaldal kong tao at kahit na sino kaya kong kausapin.

"Ano bang problema nyo mga miss ha, For your information, hindi po Athena ang pangalan ko. At lalong hindi ako freak kaya kayo wag kayong madaldal dyan" pagkasabi ko nun lumabas na ko sa coffe shop sa school namin. Nakakawalang gana sila eh.

Lahat nalang nang estudyante sa school namin Athena ang tawag sakin. Hindi naman ako nagagalit don kasi isa ako sa mga Goddess ng greek mythology, pero nakakainis lang na kakambal nung nickname na yun ay chismosa at panira daw ako nang relationship ng mga magsyota!

Eh nakakainis naman kasi yang mga lalaki na yan eh, pag napasagot kana nila ilang araw lang babaliwalain kana. Papaasahin kana, lagi nang late sa mga dates nyo. May password na ang cellphone, laging busy pero makikita mo may kasamang sexy at magandang babae. Ugali nila yan, ang manakit nang mga babae!

Pano ko nasasabi 'tong mga salitang 'to? Simple lang, iniwan at niloko na din kasi ako nang isang bad boy at chicboy na lalaki tulad nang mga "Mean Boys" na yun. Kaya pangako ko since then until now, hindi na ko maiinlove. Lalo na sa mga bad boys! At lalong lalo na sa mga Mean boys! Pangako yan itaga mo pa sa bato!

Hinding hindi maiinlove si Joey Rae Salveda "AKA" Athena,sa kahit na sino sa Mean Boys, itaga nyo yan sa bato.

Pumapayag ako na athena nalang yung itawag nila sakin, kesa naman Joey pa yung name ko, lakas makalalaki! Gusto ko nga Aprhodite eh, para Goddess of Beauty and Wisdom. Kaso parang malabo nang mangyare yun eh. Si Athena na 'ko eh, ang Goddess of chismosa and daldal, ayun sa mga estudyante sa school namin.

--

A/N:

Hope you'll like it guys! Find out kung anong mangyayari sa kwento ng The Five Mean Boys Meets "Athena." Madami 'tong twist.Maganda sya para sakin, hehe, gawa ko 'to eh.

Thank You, muaah..

..

-To be continued..

All Rights Reserved. Copy Right © 2015

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon