Chapter 29- Baffle

3K 113 8
                                    

May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa- Athena

....

Athena's Point of View..

----

Lumuhod siya!

Bigla nalang lumuhod si Tristan sa harap ko at sa harap ng altar ng simbahan.

"Hoy Tristan anong ginagawa mo?" Bulong ko tapos inilibot ko yung mata ko at nakita ko yung ibang nagsisimba na nakangiti at parang mga kinikilig pa. May mga ilan pa na nagbubulungan. Nakakahiya talaga, kasi nasa simbahan kami tapos lumandi 'tong si Tristan. "Tristan" sabi ko pa. Pero nakatingin lang siya sa'kin at nakangiti.

"Athena, ngayon na nasa harap tayo ng altar at ng Diyos. Tatanungin kita, may pag-asa ba 'kong maipanalo ang laban ko para maging akin ka nalang?" Sabi niya at hinawakan yung kamay ko. Para namang may kung anong kuryente ang dumaloy sa mga kamay ko nung hinawakan niya ko. "Mahal kita" sabi niya pa pero wala akong masabi.

Anong gagawin ko? Paano ko sasabihin na mahal ko din siya?

"Kasi Tristan.." nasabi ko nalang.

"Ano?"

"Sorry.." nasabi ko nalang at lumakad na 'ko sa gitna ng simbahan.

Pero biglang siyang yumakap sa likod ko at ipinatong niya yung ulo niya sa balikat ko.

"Athena wala naman kami ni Karina eh. Wala nang kami. Please, kahit 'di mo ako ngayon sagutin. Basta sabihin mo lang na may pag-asa pa 'ko" sabi niya.

"Tristan kasi.."

"Wag ka ng magsalita kung 'di rin naman maganda yung sasabihin mo" sabi niya at mas isinik-sik yung mukha niya sa balikat ko. Mas ramdan ko na yung mainit na hangin na lumalabas sa bibig niya.

Humarap naman ako sa kaniya at, "Gusto ko lang sabihin na.. nakakahiya sa kanila" sabi ko at hinawakan yung kamay niya, "Kasi Tristan, hindi ko rin alam kung ano yung nararamdaman ko eh. Parang gusto na rin kita" Sabi ko.

"Ta-talaga?" Nauutal na sabi niya tapos hinawakan pa ko sa magkabilang pisngi ko.

"Oo nga, ayaw mo ba?" Sabi ko.

"Ah-- hindi. So, ibig bang sabihin nito.. tayo na?" Sabi niya.

"Agad-agad? Wala bang ligawan muna?" Sabi ko at umirap sa kaniya.

"Okay! Okay! Yun naman pala gusto ng baby girl ko eh," sabi niya at kinurot yung pisngi ko. Yung ibang mga tao samin na nakatingin. Mukhang nabulahaw namin sila sa pagdarasal. "Gagawin ko lahat mapasagot lang kita" sabi niya at balak na naman akong yakapin.

"Hep-hep! Nakakarami ka na huh! Hindi pa tayo noh. Tsaka 'wag kang pakasigurado na sasagutin kita!" Sabi ko.

"Sigurado na 'ko dun! Ako pa! Tristan Ong yata 'to" sabi niya nag-pose pa ng pogi pose. Ewan ko ba, parang kinikilig ako sa sinasabi niya.

Yung mga tao sa paligid biglang nagpalak-pakan.

"Sir Tristan, ayus yan ah!" Sabi nung isang medyo matanda ng lalaki.

"Lakas niyo talaga sa chix Sir Tristan" sabi naman nung isang medyo matanda ng babae.

"Fafa Kurt, akin ka lang 'di ba!" Sabi nung isang dalagang babae. Kainis, feeling maganda!

"Kayo talaga. 'Wag po kayong mag-alala. Kapag sinagot na 'ko ni Athena, babalik po kami dito. Nangako na rin siya kaharap ang Diyos eh" sabi ni Tristan at sumaludo pa sa mga tao.

The Five Mean Boys Meet "Athena" (JaDine) [Completed] (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon